"Chapter 101: Poison Apple"

64 19 0
                                    

"Narrator's POV"

Muling bumukas ang pulang kurtina.

-Background Set: Mansion's Underground-

*Jonathan The Narrator: "Dahil sa matinding galit at inggit ni Lady Tremaine sa mga nalaman niya tungkol kay Cinderella ay naisipan niya na pumunta sa underground ng mansion na tanging siya lang ang nakakaalam bilang malupet na sekreto niya. Dito na niya binubuhos ang sama ng baho niya, este ang sama ng ugali niya kapag siya ay sobrang stress. Lalabas lahat ang masamang ugali niya, maldita, bruhita, inggetera, laitera, pangit, kabayo, dyosang mapiling, byudang tuyot, sumpa at uod sa kalabas---"*

Hindi natuloy ni Jonathan ang sinasabi niya nang sumabat sa kanya si Henry sa naaasar na tono ng boses nito.

"Oo na, sige na! Akes na ang pinakamasama sa lahat! Magbanggit ka lang. Dagdagan mo pa mga sinasabi mo sakin. Nakaka-perfect kasi.. I'm so proud! Sige lang! Ano pa idadagdag mo? Nahiya ka pa eh. Dagdagan mo pa! ANO PA?! JUSMEYO!"

Napakamot ulo si Jonathan at mapaklang ngumiti.

*Jonathan The Narrator: "W-wala... wala na akong idadagdag pa.. Siguro, sa ngayon. Pero baka mamaya meron hehehe.. Maghintay ka lang."*

Pagkasabi niya ay kumindat siya kay Henry.

Marahan na napairap si Henry sabay ngiti siya sa ginawang pagkindat ni Jonathan sa kanya.

"Hmm.. Kung di lang talaga kita papa, naku... malalagot ka talaga sakin." medyo kinikilig na sabi niya

Tapos ipinagpatuloy ni Jonathan ang sinasabi niya sa lahat bilang roleplay na hawak niya.

*Jonathan The Narrator: "Matapos magreklamo ni Lady Tremaine sa mga sinabi ko sa kanya ay humarap siya sa isang bagay na nakabalot sa tela. Ano kaya ang nakatakip sa tela? Ayan na tatanggalin na ni Lady Tremaine."*

Hinila ni Henry ang puting tela na nakabalot at isa pala itong mahabang salamin na gawa sa kahon at plastic warp na kunwari ay babasagin na salamin. Pagkatapos napasigaw si Henry sa pagkagulat niya.

"AAAAYYY!!!"

*Jonathan The Narrator: "Ano kaya iyon at bakit bigla nalang napasigaw si Lady Tremaine nang inalis niya ang telang nakabalot sa long mirror? Kahit din ang mga audience ay nabigla at nagulat sa kanya. Maski ako din. Hindi kaya ay sa wakas napagtanto na niya kung gaano talaga siya kapangit sa harap ng long mirror?"*

Hinawakan ni Henry ang magkabilang pisngi niya at sumigaw ulit siya sa tuwa.

"AAAAYY VONGGA! ANG GANDA NAMAN NIYAAAA! Sino kaya ang magandang babaeng iteys na nasa harapan ko? Grabe sheeeyyyttt~ Abot hanggang universe ang kagandahan niya. LOVE IIIIIIIIT~! Ah.. Oh my gosh! Enebeyeeeen~ Akes lang pala iteys! AAAAH-HA-HA-HA-HA PURIIN ANG GANDA!"

*Jonathan The Narrator: "Ganyan talaga kapag delulu. Minsan kailangan din natin siya pagbigyan kahit niloloko na niya ang sarili niya. At hindi lang yun, ang long mirror na nasa harapan ngayon ni Lady Tremaine ay isang Magic Mirror. May kakayahan ito na sabihin kung sino ang pinakamagandang babae sa buong mundo. At syempre, hindi si Lady Tremaine iyon. Asanez!"*

Tumigil si Henry sa pagtawa at kinausap niya ang mahabang salamin.

"Hmm... Tagal din kita hindi nagamit aking Magic Mirror. Muntik ka ng maging isang binulok na salamin. Palibhasa ay tatapunin ka naman na talaga. Minsan kasi, wala ka din kwenta. Di ka honest kausap. Leche ka! Yan tuloy binalot kita sa tela ng napakatagal. Deserved mo yan."

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now