Chapter 50

3.4K 57 9
                                    

Kurt's POV

Maaga palang ay nagising na ako. I called the venue that I rented to make everything perfect. After that, I took a seat. 

"Pre, excited ka talaga huh." Lester.

"Oo naman! Makakasama ko ang mga anak ko at magla-lunch kaming apat ng kami lang walang ibang inaalala, hindi dahil sa trabaho kundi dahil kami lang, mag eenjoy sa unang pagkakataon. Iba sa pakiramdam. Yung masayang masaya ka na hindi mo maintindihan. Iba talaga. Ganun pala 'yon no?"

"Ang alin?"

"Iyong nabigyan ka ng anak ng babaeng mahal na mahal mo. Parang wala ng ibang importante sa mundo kundi kayo lang, sila lang. Hindi ko nga lubos maisip kung bakit, bakit ko nga ba siya hinayaang umalis sa buhay ko? Siguro kung hindi nangyari 'yon, mas marami kaming bagay na nagawa ng magkasama."

"Hindi naman importante ang nakalipas na pare eh, ang importante ay 'yong ngayon. Kung paano mo itatama lahat."

"Siguro nga. I can’t promise her anything now. I can’t tell her I’ll always make her laugh, that I’ll make her happy or to trust in me, again."

"Paano mo naman siya kukunin? Diba engaged siya sa boyfriend niya ngayon?"

"Sa paraang alam ko! 10:30 na. I'd better go."

"Sige bro. Good luck."

"Salamat. Pakisabi nalang sa mga unggoy na umalis na ako."

"Ge."

Dumaan muna ako sa flower shop para bilhin ang paboritong bulaklak ng mag-ina ko. They both love tulips. May pinagmanahan talaga si Raffaela.

After seeing those beautiful flowers, I can't myself but to dial her number.

"Bat kaya di sumasagot 'to."

I tried calling Ces' number at ayun na nga! "Hay, salamat naman!"

"Anong salamat pinagsasabi mo diyan?"

"Kase .. kanina ko pa tinatawagan yung mahal na reyna ko at hindi sumasagot. Check mo nga at baka nahimatay na 'yon dahil sa text ko."

"Oh eto, kababa lang."

(Tawag for you.)

(Sino)

(Si Kurt. Hindi mo raw kasi sinasagot tawag niya.)

(Ay! Nakalimutan ko phone ko sa taas.)

"Hi there, sleepy head."

"Consistent ka talagang maging taga-asar sa buhay ko."

Unexpected Expectations (Completed)Where stories live. Discover now