Chapter 23

3.9K 67 4
                                    

Rae's POV 

We've spent the whole morning sleeping and now kakagising lang namin. It's already 6PM and papasyal raw kami. Susulitin ang nalalabing oras kung baga.

Na una na si Kurt sa restaurant para makapag order ng kakainin namin kasi maraming turista ang dumating kagabi at baka matagalan pa raw kaming kumain kung walang mauuna sa restaurant.

I decided to wore the dress that Ces and Joanne bought for me. It's a peach tube and below the knee ang cut. Well, siguro majority ng mga damit ko halos sila ng dalawa pumili nung nag shopping kami, hindi na rin ako nag reklamo total magaganda naman yung pinili nila. Mas may taste silang dalawa sa fashion kesa saakin. Hindi ko na tinali yung buhok ko para hindi masyado ma expose ang tube, I also bring a cardigan just in case.

I head out and locked our cottage. Patakbo akong pumunta sa restaurant, hindi naman makikita ni Kurt eh. Inayos ko muna yung buhok ko bago tuluyang pumasok para hindi mahalata.

Pag bukas ko ng pinto, the staffs greeted me and yung iba halos nasa akin yung tingin. Eh? Anong problema nila? Hindi pa nga ako nakakarating sa table namin sinalubong na ako ni Kurt.

"Ano ba yang suot mo?" He whispers.

"Hmm, a dress?"

"Alam ko, pero bakit ganyan ang suot mo? Ang iksi tapos halos kita na yung kaluluwa."

Tinignan ko muna yung suot ko mula tuhod hanggang sa dibdib. "Hindi naman ah, teka nga lang, umupo muna tayo. Pinagtitinginan tayo ng mga tao eh tapos may cardigan naman akong dala pwede ko naman 'tong isuot."

"Tignan mo nga." Inikot niya yung mata niya sa buong restaurant. "Pinagtitinginan ka nga mga manyak diyan."

"Eh? Alam mo, guni guni mo lang yan. Buntis na nga ako tapos pinagtitinginan pa?"

"Eh, maganda ka eh."

Napakamot nalang ako sa ulo. "Umupo muna tayo, please? Kaya nila tayo pinagtitinginan kasi masyado tayong center of attraction dito. Maliban sa waiter at waitress tayo lang yung customer na nakatayo."

Inikot niya ulit yung mata niya. "Kung kailangan kaladkarin kita pabalik ng cottage para makapag bihis ka, gagawin ko."

Nagseselos ba siya o ano? Ngayon ko lang nalaman na bukod sa strikto siya, conservative din pala. Bago pa kami makagawa ng eksena hinila ko na siya pabalik ng table namin. Eksakto naman na dumating yung pagkaing inorder niya. 

I was just gazing at him and he is doing the same thing too. Ahh! Those brown-killer eyes. "Please stop staring." I said.

"I really mean it Helena."

"Okay, okay. After we eat."

He nodded at naglagay na ng pagkain sa pinggan ko.

Unexpected Expectations (Completed)Where stories live. Discover now