Chapter 40

3.6K 63 11
                                    

6 years later ..

Kurt's POV

"Hello there busy man!" 

Nag angat ako ng tingin at nakita ang buong tropa .. papanong ..

"Papanong hindi mo kami napansin pumasok?" Lester said na akala mo ay nabasa yung tanong ko sa isip.

I nodded. "Ang busy mo kasi kakapirma diyan. Baka naman mapabilis ng triple yung pag yaman mo niyan. Wala ka ng ka social-social life. Labas naman tayo." Katsumi

Tama sila, masyado ko na ding nilublob yung sarili ko sa trabaho. Bahay-trabaho-trabaho at minsan halos nalang din nakakauwi kanila Mama, halos iyan lang din yung ginawa ko 5 years and a half. Sa mag taong lumipas, marami ng nagbago pero matatag pa din yung tropa namin.

"Sige."

"Ayun! Pumayag din."

Sabay na kaming lahat na lumabas at pumunta sa bar na pagmamay-ari ni Seth.

**

Play the music here.

"Kumusta ka naman pare? Hindi mo aakalain na sa haba haba ng panahong lumipas bago na para saamin ang makasama kang uminom during office hours." Lester

"Oo nga eh," Ininom ko muna yung beer bago ulit tinapunan sila ng tingin. "Marami lang kailangan gawin."

"Ang busy mo sa pagpapakayaman 'tol. Mayaman ka na naman at successful naman yung pagpapalakad mo sa kompanya niyo, dapat mag bakasyon ka muna." Lester

"Ayokong magkamali," Tinignan ko sila lahat na kasalukuyang titig na titig lang saakin at halatang naghihintay sa isasagot ko. "Ang ibig kong sabihin ay kahit ganon na yung lakad ng kompanya kailangan on hands parin ako. I don't want to disappoint my family."

Tumatango tango lang sila. Lahat kami ay may mga trabaho na, including Joanne and Ces na minsan nakakasama din namin pero ako lang ata yung medyo nahihiwalay at hindi masyadong nakakasama sa kanila. 

"Brad, gusto mong chiks?" Out of the blue na tanong ni JC, ito kasi yung pinaka playboy saamin simula nung naghiwalay sila ni Gabby.

"Tikim tikim din pag may time brader, baka naman pumutok na yan dahil sa bigat. 6 years na ata yan eh." Tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni JC, napatawa nalang din ako at binato siya ng chips na pulutan namin.

"Wala akong oras sa mga yan. Itratrabaho ko nalang." I remembered my old self. I was so young back then and doesn't have any idea of life. Akala ko noon kaya ko, pero hindi pala. I was so young and being 18 years old isn't old enough, nagsisimula palang pala ang buhay ko non. Can't even handle problems and any hard situations back then kaya madali lang akong nakabitaw. Pero alam ko, alam kong nagbago na ako ngayon, hindi na ako ang dating Kurt noon. 

Unexpected Expectations (Completed)Where stories live. Discover now