-20-

15.4K 337 57
                                    

 

 Sobrang taas ng comment niya sa last chapter. Dedication for her. Keep safe. @Aleandrei_Ellaine

PENELOPE’S POINT OF VIEW

 

 

Kagat-kagat ko iyong labi ko ngayon. Hindi na din ako tumitingin sa gawi ni Robson. Kung kanina halos sinapian ako ng tapang ngayon naman ginapangan ako ng kaba.

 Hindi na nagtagal pa si Robson sa pag-iikot sa Mall. At Halimaw din talaga, sa kanila pala iyong Mall, para tuloy akong na-starstruck noong sinabi noong sekretarya niya na isa lang iyong Mall na pinuntahan namin kanina sa pagmamay-ari nila.

 Sheet lang! Ganoon siya KAYAMAN!

 

“Gutom ka na?” Umiling lang ako at pumikit. Hindi ko kayang harapin iyong pamumungay niyang mga mata. Talagang hindi ko kaya, manghihina ako panigurado.

“Pen.” Sheet ka naman Halimaw eh! Kinakabahan na nga ako lalo mo pa akong pinapakaba. Hindi ako gutom.

 

“Hindi.” Hindi ako tumingin sa gawi niya noong sumagot ako. Nakapikit pa din ako, pero ramdam ko iyong mala-agila niyang mga mata na nakatutok sa akin.

“Penelope.” Binagsakan niya na ako ng isang ma-awtoridad na boses kaya wala akong nagawa kundi ang dumilat at humarap sa pwesto niya. Kasalukyan itong nagmamaneho kaya medyo okay lang dahil hindi solo sa akin iyong atensyon niya.

Noong nag-stop light, ayun na. “Kinakausap kita ng maayos kaya sumagot ka din ng maayos. Tumingin ka nga sa akin.” Napapitlag ako sa pagtaas ng boses nito. Tagpong-tagpo ang dalawang kilay nito. “Sa mata ko.” May halong inis na iyong pagkakasabi niya. 

Bwesit ka! Titingnan kita kahit buong araw pa, huwag lang ngayon. Nahihiya ako sa pinagsasabi ko kanina.

 

“Ano bang nangyayari sa’yo?” Humigpit ang hawak nito sa manibela. “Penelope, tumingin ka nga sa akin, ang likot-likot ng mga mata mo.” Napalunok ako. Sandaling nagtagpo ang mga mata namin at bigla-bigla nalang tumambol ang puso ko ng pagkalakas-lakas, higit pa sa normal na dapat nitong pagtambol.

Buti nalang talaga at nag-go signal na ulit kaya nawala na ang atensyon nito sa akin. “Mag-uusap tayo sa bahay…ng matino.”

 

Pagka-park palang niya sa kotse ay mabilis na agad itong lumabas at nauhan pa ako sa pagbukas sa pintuan ko. Blangko lang ang mukha nito noong madalian ko itong pinagmasdan. Pinatunog niya lang iyong kotse niya at hinawakan na agad ang kamay ko para hilahin papasok sa bahay.

Halos namanhid iyong dalawang binti ko noong walang prenong umakyat si Robson sa hagdan, at hindi biro iyong nasa ikatatlong palapag pa iyong kwarto namin. Hindi sa lahat ng pagkakataon nakakatuwa ang maging MAYAMAN.

In His Hands (Reading it again)Where stories live. Discover now