My Clumsy Romance Chapter 13: Girlfriend?!

703 19 1
                                    

Mitch's POV

"Tara na Mitch." Sabay na sabi ni Rob at Bryle. Tapos na ang morning class namin at lunch time na.

"No no nope! Di ako sasabay sa inyo." Mayabang na sabi ko sa kanila.

"Bakit?" Takang tanong ni Rob.

"May kasabay ako mag-lunch. Ahihi!" Malanding sabi ko at nakita ko sa mukha nila ang pagtataka.

"Sino naman yan ha?" Tanong ni Bryle.

"Si Neil. Hehe.." Mahinang bulong ko sa kanila. "Oh sige na sige na.." Tinulak tulak ko sila palabas ng pinto. "Eatwell guys!"

Wala na silang nagawa kundi lumabas at sinamaan lang ako ng tingin ni Bryle. Inirapan ko na lang siya para mas lalo siyang mapikon.

Nilingon ko naman si Neil na nagmamadaling magligpit ng mga gamit. May mga nahuhulog pang crumpled paper at balat ng candy sa bag niya. Sinenyasan niya naman ako na wait lang.

Napatingin naman ako kay Max na kunot noong nakatingin kay Neil. Mukhang nawiwirduhan din siya dahil sa dami ng kalat na nilalabas ni Neil mula sa bag niya. Ang cutie lang. Haha!

"Done! Bye Max!" Sabi niya kay Max.

"Teka, hindi ka sasabay sakin?" Tanong bigla ni Max sa kanya.

"May date ako ngayon eh." Sabi ni Neil at mabilis na lumapit sa akin. "Sorry ah, natagalan. Kasi nilalanggam na yung bag ko kanina eh."

Eh? HAHA! Ang cute ni Neil.

Napatingin ulit ako kay Max na takang taka at kunot noong nakatingin sa amin. Binigyan niya naman ako ng look na 'What's going on?'

Tinaasan ko lang siya ng noo. Senyas na nagyayabang ako. Haha!

Lumabas na kami ni Neil ng classroom at dumeretso kami sa isang cafe dito sa loob ng school. Luh, ngayon ko lang nalaman na may ganito sa loob ng university?

Nag-order na kami at libre niya daw. Syempre dapat lang. Siya nagyaya eh. At isa pa ang mamahal ng mga bilihin dito. Kailangan magtipid, nakakahiya kaya Kay Tita Sheila at mas lalo na kay Max dahil mapanumbat siya.

Speaking of Max, kawawa naman siya at nawalan siya ng kasabay dahil sa akin kaya tinext ko na lang siya.

To: Max Sunget

Dito kami sa uni cafe. Sabay ka na samin. Wawa naman u eh. Haha


"So kamusta naman si Max kasama sa bahay?" Biglang tanong ni Neil.

"Ayun, ang wirdo niya. Minsan masungit, minsan mabait."

"Ganun lang talaga 'yun. Ako mabait at always mabait." Biro niya pa kaya napangiti ako. Ang cute cute ng dimples niya kasi. Sobrang lalim.

"Wala ka pang girlfriend?" Out of the blue na tanong ko. Gosh, baka isipin niya crush ko siya. Slight lang naman. Hihi!

"Wala pa nga eh. Studies first muna ako. Mahal ko ang pag-aaral." Sabi niya pero alam kong joke niya lang yun kaya natawa ulit ako. "Joke. Wala pa akong girlfriend kasi ngayon palang kita nakilala eh."

Napahinto ako. Shet, basag na banat na pero kinikilig pa din ako emegesh. Ang saya naman. Mukhang makak-move on na ako kay Cai.

"Eh ba't ikaw wala ka pang boyfriend?"

"Hindi ko nga alam eh."

"Maganda ka naman.

Hihi! I know right!

"Thankyou." Pa-demure na sagot ko.

Bigla na lang naramdaman ko na may tumabi sa akin.

"Max?" Biglang sabi ni Neil.

O nandito na pala si Max. Dapat pala di ko na lang siya pinapunta, nasira moment namin ni Neil eh. Kinikilig na nga mga butterflies ko sa tiyan eh.

"Wag ka maniwala sa sinasabi niyan. Tropa ko yan, kilalang kilala ko yan." Sabi ni Max at napatingin ako kay Neil na mukhang natense.

Huhu! Mukha ngang playboy si Neil pero ang cutie niya kasi talaga. Mas cutie siya kay Max eh.

"Halata ko namang playboy siya eh. Pero ang cutie niya kasi." Sabi ko kay Max at mukhang na-schock siya sa sinabi ko. Si Neil naman tawa ng tawa.

"Hay nako, lalo kitang naging crush." Sabi ni Neil at kinilig ulit ako. Haha! Landi! "Ba't nandito ka nga pala?" Tanong ni Neil kay Max.

"I'm just checking out my girlfriend."

Lumingon lingon kami ni Neil sa paligid. Nandito ba si Val? Wala naman eh!

"Sinong hinahanap niyo?" Tanong ni Max sa amin.

"Si Val." Sabay na sabi namin ni Neil.

"Idiots. She's not my girlfriend anymore."

"Eh kung ganun, sino?" Sabay ulit naming tanong ni Neil.

"Her."

Napatingin ako sa likod ko. Huh?

"T-teka, w-wala namang tao sa likod ko ah.. M-may nakikita ka bang hindi namin nakikita?" Sabi ko at napailing silang dalawa ni Neil.

Napatakip ako sa bibig ko nung marealize kong..

"A-ako?!" Gulat na gulat na tanong ko.

Tumango tango si Max at napatingin ako kay Neil na nakanguso.

"Playgirl ka." Sabi ni Neil.

"Hoyyy! Di ah.. Di ko yan boyfriend. Wala nga kong boyfriend."

Ngumiti si Neil sakin at kumindat.

"Congrats!" Sabi niya.

"H-ha? H-hindi kami!"

Pinagtitripan ata ako ng dalawang lalaking 'to eh.

"Kailan naging tayo aber?" Inis na sabi ko kay Max at chill lang siyang umiinom ng frappe niya.

"Last night, I guess?"

"Wow! Self proclaim ka talaga!"

Nginitian niya ako.

"Whether you like it or not, wala ka ng magagawa."

"As if namang wala. Hindi ako pumayag kaya wala taong relasyon. Gets?"

Hindi siya sumagot. Parang wala siyang narinig. Si Neil naman pangiti ngiti lang.

Nagpalit palit ang tingin ko kay Neil at Max.

Kainis!

Mas type ko si Neil eh!

Panira ng love life 'tong Max panget na 'to.

"Una na nga ako." Inis na sabi ko at lumabas ng coffee shop.




Padabog akong naglalakad nung naramdaman kong may humila sa braso ko. Pag tingin ko si Max.

"Ano?! Mang-aasar ka nanaman?!" Inis na sabi ko. "Panira ka naman sa Love life ko eh. Bat mo kasi sinabi yun?"

"I like you."

What?!

"Wag mo nga ako pinagtitripan, kakabreak niyo lang ni Val tapos I like you agad? Tae ka!" Hinatak ko ang kamay ko mula sa kanya at maglalakad na sana ulit palayo.




"Seryoso ako. I like you. Sobra."

Yaw q nah sa earth.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Clumsy RomanceWhere stories live. Discover now