My Clumsy Romance Chapter 12: Saved by him

698 19 17
                                    

Mitch's POV

"How's your left hand?" Tanong ni Max pagkasakay namin sa kotse. Papasok nanaman kami sa school.

"Syempre masakit pa. Pero okay lang, magaling naman doktor ko eh." Pambobola ko sa kanya habang sinusuot yung seatbelt ko. Napansin ko naman na namula siya. Kaya after ko maayos yung seatbelt ko ay siniko ko siya ng mahina.

"Ano?" Kunot noong tanong niya.

"Ba't ka nagbablush? Kinilig ka sa sinabi ko?" Pang-aasar ko ulit sa kanya. Halatang napikon siya sa joke ko.

"H-ha? Asa ka naman! Napaka-assuming mo talaga!" Inis na sabi niya at dumistansya sa akin.

"Arte neto. Palayo layo pa." Bulong ko sa sarili ko pero pakiramdam ko ay narinig niya dahil nakita ng gilid ng mata ko na liningon niya ako pero agad niyang ibinalik ang tingin niya sa bintana.

Maya maya pa ay nakarating na kami ng school at mabilis na bumaba si Max at nauna na maglakad. Anong problema nung lalaking yun?

"Salamat sa paghatid Manong!" Sabi ko kay Manong Driver at sumunod na Kay Max na nagmamadaling maglakad. "Ba't ba ang bilis mo?" Inis na sabi ko sa kanya nung mahabol ko siya.

"Obligasyon ko pa bang hintayin ka?" Pagsusungit nanaman niya.

"Hay nako, ibang klase talaga yang mood swings mo. Daig mo pa ako, kalalaki mong tao." Sabi ko at mabilis na tumakbo papuntang room bago pa siya mapikon sa akin.

"Tsh!" Dinig kong sabi niya bago ako tuluyang makalayo sa kanya. Ang pikunin niya talaga.

Pagdating ko sa classroom ay lumapit agad sa akin si Bryle at Rob para itanong kung anong nangyari sa kamay ko. Syempre sinabi ko na dahil lang 'to sa kalampaan ko kahit hindi naman talaga.

Naging mabilis naman ang takbo ng oras at break time nanaman kung saan pinag-uusapan ni Bryle at Rob yung girlfriend ni Cai. Nalaman ko na nakipag video call si Bryle kay Cai kagabi habang kasama ang girlfriend nito. At panay ang kwento ni Bryle kung gaano kabait at kaganda yung girl. Napapairap na lang ako ng pasikreto dahil sa mga kwento niya.

Sa inis ko nagpaalam muna ako na mauuna na ako sa classroom at tinanguan naman ako ni Rob. Si Bryle naman patuloy pa rin sa pagkwento at nginisian pa ako na hindi ko alam kung anong ibig sabihin. Wirdo talaga.

"Hoy.." Tawag ko kay Max pagdating ko dito sa classroom pero hindi niya ako pinansin. Naka-earphones pa siya.

"Aww. Inisnob ka. Ako na lang kausapin mo." Napatingin ako sa isang lalaki na may kapayatan pero pwede na ang kagwapuhan niya. Pasok na sa standard ko. Hindi ko matandaan ang name niya but I know na friends sila ni Max.

"Hehe.. Okay lang naman." Sagot ko.

"By the way, I'm Neil." Pagpapakilala niya sa akin at inabot ang right hand niya sa akin para makipagshakehands.

"A-ah hehe.. Mitch nga pala." Inabot ko na lang din ang right hand ko dahil injured yung left hand ko.

"Ohh. What happened?" Patungkol niya sa left hand ko.

"Ah long story."

"Care to share?"

"A-ah basta kalampaan." May pagka-chismoso naman to si Kuya. Buti na lang cutie siya.

"Hmm.. Pwede ba tayo sabay mag lunch bukas?"

"Hmm.. Pwede nemen." Pabebeng sagot ko. Nako, baka siya na ang soulmate ko noh. Di ko na papakawalan pa. Hindi pwedeng si Cai lang ang may lovelife sa kwentong 'to.




"HELLO Manang Deng." Bati ko kay Manang pagdating namin ni Max.

"Hello iha." Bati naman ni Manang Deng sa akin at si Max naman ay umakyat na ng kwarto niya.

My Clumsy RomanceWhere stories live. Discover now