My Clumsy Romance Chapter 9: Bukol

729 22 7
                                    

Max's POV

"Hey!" Tawag ko kay Mitch matapos ko siyang habulin after niya mag-walkout.

Honestly, naiirita na ako and wala naman talaga akong balak habulin siya pero gaya ng sabi ni Mom, I sabay ko siya pauwi. Tsh.

Sobrang pabebe, nakakaasar.

Binilisan niya pa ang lakad niya. Grabe talaga 'tong babaeng 'to.

Napansin kong nawala na siya sa harap ko at nanlaki 'yung mga mata ko nung nakasubsob siya sa semento dito sa parking lot. May iilang estudyante ang nakakita at napansin kong natatawa sila. Damn, nakakahiya 'tong babaeng 'to.

"H-huy! Tumayo ka na nga diyan!" Sabi ko sa kanya pero sumenyas siya na wait lang. Hindi ko siya matingnan ng maayos dahil nahihiya ako lumapit sa kanya.

"H-halika nga dito.." Sabi niya ng hindi pa din inaangat 'yung mukha.

Ayoko sanang lumapit pero mas nakakahiya kung magsstay siyang nakadapa diyan. Kaya lumapit na lang ako at umupo sa harap niya habang nakadapa siya sa semento.

"A-ano ba yun?!"

"M-may dugo ba?" Bulong niya at tinaas yung bangs niya at pinakita 'yung noo.

Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa pero ang cute niya lang dahil may malaking bukol na nabuo sa gitna ng noo niya.

"Wala.. Wala.." Natatawang sabi ko.

"S-sure?"

"Oo nga.. Walang dugo."

"Buhatin mo ko dali.."

"What?!"

"Dali na.. Nahihiya ako tumayo."

"Tsk. Ayoko nga.."

Nagulat ako nung tumayo siya at dali-daling sumakay sa likuran ko at isunubsob ang mukha. Muntik pa akong ma-out of balance sa pagkakaupo ko.

"A-ano ba.."

"Tumayo ka na.. Sumakay na tayo sa kotse mo."

Kunot noong tumayo ako habang buhat buhat ko siya sa likuran ko. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti dahil naalala ko 'yung cute niyang bukol.

Pagkasakay namin sa sasakyan ay tinanong pa kami ni Manong Driver kung anong nangyari at sinabi ko na nadapa lang 'tong lampang 'to. Habang si Mitch naman ay bumuntong hininga ng napaka lakas at parang stress na stress.

"Woooh! Nakakahiya 'yun! First day na first day ang malas malas!"

"Lampa ka lang talaga!"

"Buti na lang hindi dumugo.. Pero ang sakit ah."

Nagpigil ako ng tawa at ibinaling ko na lang sa labas ng bintana ang tingin ko. Ang eng-eng naman niya. Hindi nararamdaman na may bukol siya. Haha! That made my day.

Pag-uwi namin sa bahay ay napapatingin ako sa kanya dahil hinahawakan niya ang noo niya ng paulit ulit tapos sisigaw siya ng 'aray'. Abnormal 'tong babaeng 'to.

"Ba't parang nahihilo ako? Baka magka-amnesia ako nito ah?" Tanong niya sakin.

"Wow.. Nice logic." Sabi ko at hinila na lang siya papunta sa sala. Mamaya mahimatay na 'tong babaeng 'to eh.

"Bakit?" Takang tanong niya at kinuha ko ang phone ko at binuksan ang front camera sabay iniharap sa mukha niya. "Magseselfie ako?" Tanong niya pero di ko siya sinagot. Itinaas ko na lang 'yung bangs niya at nanlaki 'yung mga mata niya nung makita 'yung bukol. "Hala! Bukol ba 'yan?"

Napatitig ako sa kanya. Ba't Parang ang inosente naman ng babaeng 'to? Sinundot niya pa 'yung bukol at napa-aray nanaman siya. Ang weird pero yeah, cute.

My Clumsy RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon