My Clumsy Romance Chapter 7: Fixed Marriage

700 23 0
                                    


Tatlong linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin gumigising si Mama at nandito pa rin ako kanila Tita Sheila nakikitira. Binilhan niya ako ng mga gamit, sobrang nakakahiya. Ayoko sanang tanggapin pero mapilit si Tita. Mas nakakahiya kung hindi ko kukunin dahil baka sabihin naman nila na ang maarte ako.

"Tita.. Sobrang nakakahiya na talaga.."

"If I were in your position, siguro hindi ko kakayaning mag-isa. Kaya I am here to help you, I don't want to  feel na mag-isa ka. Hindi ko kakayaning may masamang mangyari sayo because you're my bestfriend's daughter. Parang anak na rin kita.." Niyakap niya naman ako kaya niyakap ko rin si Tita.

"Thanks Tita Sheila.. Hindi mo alam kung gaano ako ka-thankful na nandiyan ka. Sobrang swerte ni Mama na ikaw ang best friend niya."

"Maswerte rin si May na meron siyang anak na sobrang mabait at malambing.. Feel at home anak ha.." Sabi ni Tita Sheila at tumango tango ako. "By the way, I decided to transfer you to my son's university."

"A-ano po?!" Gulat na gulat na tanong ko. Paano nangyari 'yun?

"You're two friends have told me two weeks ago na nagstart na ang class niyo pero hindi ka pa nakapag-enroll.. Next week pa naman ang pasukan sa uni ng anak ko so para naman mapagpatuloy mo 'yung studies mo ay nilipat nalang kita sa school ni Max."

"P-pero Tita.. H-hindi niyo na po kailangang gawin yun.. Marami pong public schools na kayang kaya kong pasukan.. Marami pong ways. S-sobra na po kasi talaga."

"I've told you, ako na muna ang bahala sayo and one year na lang naman at tapos ka na sa highschool. Isa pa, naayos ko na ang lahat ng kailangan mo. Papasok ka na lang."

Oh my. Nakakahiya na talaga. Nginitian ko na lang si Tita na parang natatae.

"H-hayaan niyo po Tita papalitan ko po lahat ng naitulong niyo sakin."





"Manang, t-tulungan ko na po kayo." Sabi ko sa isang matandang maid na nagluluto ng breakfast.

"A-ay nako mam.. W-wag na. Magpahinga ka na lang."

"Ihh.. Manang kasi nakakahiya naman kung magpapaka-donya ako dito diba.. Hayaan niyo na po." Sabi ko at hiniwa 'yung kamatis at nginitian niya lang ako.

"Kay gandang bata mo naman.."

"Ay thankyou po Manang. Ano palang pangalan niyo?"

"Deng ang pangalan ko Iha."

"Ako naman po si Mitch, gaano na po kayo katagal naninilbihan dito?"

"Pitong taon palang si Max ay naririto na ako.."

Nginitian ko si Manang.

"Ang tagal na po pala.."

"Ang bango ng niluluto mo mana-" biglang sulpot ni Max na nag-uunat unat pa. "Oh.. You're here." Sabi niya at parang bata na kinusot kusot pa ang mata niya sabay upon sa lamesa.

Ngayon ko na lang ulit siya nakita dahil sa sobrang laki ng bahay ay hindi kami nagkakakitaan at lagi rin naman akong nasa ospital.

"Manang.. Matagal pa ba?" Bagot na bagot na sabi niya at kinakamot pa ang tiyan.

"Sandali na lang 'to.." Sagot ni Manang.

Maya-maya pa ay hinain na namin 'yung pagkain sa mesa at agad namang kumain si Max.

"Ang sarap ng luto mo Manang." Sabi ni Max.

"Tinulungan ako ni Mitch magluto.."

"Wala akong paki." Nakangising sabi niya at napairap naman ako. Heto nanaman siya.

My Clumsy RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon