My Clumsy Romance Chapter 2: Goodbye

1K 22 1
                                    


Mitch's POV

(Riiing~)

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Inaantok pa ako eh! Sino ba naman kasi 'to?

'Cai is calling...'

Napangiti naman ako dahil nabasa ko ang pangalan niya sa screen. Hays, sarap ng gising ko. Harot. Haha.

"Hellew?" Pabebeng sagot ko.

"Natutulog ka pa ba? Tanghali na uy! Kanina pa ako tumatawag eh." sabi ni Cai. Pero teka, anong oras na ba?

Nanlaki ang mga mata ko nung makita kung anong oras na. 1PM na.

First time ko abutin ng ganitong oras sa pagtulog. Hindi naman ako puyat ah.

"K-kanina pa ako gising noh! Naligo lang ako kanina kaya di ko nasagot tawag mo agad." Pagpapalusot ko. Nakakahiya kaya! Baka ngayon bansagan naman nila akong tulog mantika.

"Sakto! Andito ako sa labas ng apartment niyo eh! Pwede bang pumasok? Nahihiya ako kumatok eh." sagot niya.

"Wow nahiya ka pa- Ano?! Nandito ka na?! Saglit lang!" Panic mode na ko. Huhu!

Ang kamalasan nga naman!

Paano na yan?! Nagsinungaling ako! Ay bahala na nga!

Pumunta akong CR at naghilamos at binasa ang buhok ko. Tada!

"O sige na, pasok na!" sabi ko ng buksan ko ang pinto.

"Ang tagal ha. Pasensya na, ipapaalam kita kay Tita. Picnic tayo?" sabi niya ng may malapad na ngiti sa kanyang mga labi at tinaas ang dalawang basket na may mga foods.

"Yaaay, talaga ba?" Tuwang tuwa na sabi ko.

"Oo, para makulayan na nating 'yung drawing natin."

Lagi kasi kami nagpaplano mag-picnic dati pero hindi natutuloy, lagi kaming nauuwi sa kung saan saan lang.

"O anak ano yun?" Si mama pala.

"Hi Tita. May picnic po kami nila Mitch ngayon, okay lang po ba?" tanong ni Cai.

"Oo naman. Ngayon pa ba ko hihindi eh halos araw araw na nga lang." sabi ni mama. Tapos napatingin sakin si mama. "Oh anak, nakaligo ka na? Eh ba't hindi ka nagpalit ng damit? Kagabi pa yan ah?"

TAE TALAGA! BAKIT BA ANG DALDAL NG NANAY KO?!

"Uhmmmm.." Wala talaga kong masabi.

Hays! Si Mama naman eh. Pinapahiya ako sa future son in law niya. Charot.

"Naligo daw!" Bulong ni Cai na may pangaasar sa tono ng boses niya. "Sabi ko na nga ba kagigising mo pa lang eh!"



Habang papunta kami sa pupuntahan namin patuloy pa din siya sa pang-aasar tungkol sa nangyari kanina. Nakakainis!

Pagkatapos nun nakarating na kami sa lugar kung saan kami mag-pipicnic. Dito sa Legazpi Park, Makati.

Inayos na namin ni Cai 'yung mga pagkain at pasimple akong dumudukot ng ubas kapag hindi siya nakatingin. Grabe, ang tamis!

"Hi lovebirds!"

Biglang dating ni Bryle at Rob at agad naupo sa tabi namin.

"Woah, ang dami naman nito!" Sabi ni Bryle sabay kuha ng mga pagkain.

"Ano 'to? Ang weird ng itsura mga pre." Tanong ni Rob nung makita ang isang pagkain na color violet.

Oo nga, ano kaya yan?

My Clumsy RomanceWhere stories live. Discover now