My Clumsy Romance Chapter 1: Untold Truth

1.5K 29 1
                                    

Mitch's POV

Ang tagal naman nila. Nakakainis! Halos 30 minutes na akong naghihintay sa kanila. Sarap kutusan ng mga yun eh.

Bakasyon ngayon at nagyaya yung tatlong kaibigan ko na mag-gala kami sa mall.

Maya-maya pa ay nakita kong parating na sila. Amp! Sabay-sabay sila hindi man lang ako sinabay.

"Bakit ang tagal niyo?" Medyo inis na tanong ko nung makalapit sila.

"Sorry na, Traffic eh." Sagot nung isa.

"Tara na nga." Sabi ko sakanila at pumasok na kami ng mall.

Sila nga pala ang mga friends ko. Si Cai, Bryle at Rob. Nagtataka ba kayo kung bakit walang babae? Ayaw kasi sa akin ng mga girls sa school ko eh. Bukod daw sa mukha akong bitch masyado pa daw akong competitive pagdating sa academics. Pero anong problema sa pagiging competitive diba? Well, siguro masyado lang silang nathethreaten sa ganda ko. Charot.

Si Cai ang best friend ko.

"Kanina ka pa?" Tanong sa akin ni Cai.

"Ba't ngayon mo lang tinanong? Kita mo naman na kanina pa diba?" Sagot ko sakanya.

"Ngayon ko lang naalala eh." Sabi ni Cai. Tapos ngumiti siya ng malapad.

"Tsh. Baliw!" Sabi ko sabay batok sakanya. Totoo naman eh parang baliw. Magtatanong pa eh nagtanong na nga ko sakanila kanina kung bakit ang tagal nila? Hanep.

"Bilisan nyo nga!!!" Sigaw ng isa kopang kaibigan na si Rob.

"Sorry Naman po. Heto na." Sabi ko at hinila si Cai Papalakad.

"Saan tayo pupunta?" Tanong naman ni Bryle sa amin.

"Ewan ko. Saan niyo ba gusto? -Cai

"Bah Malay?" -Rob

"Saan Kaya?" -Bryle

Hanep talaga tong mga to eh, magyaya mag-mall di naman pala alam kung saan pupunta. Hay nako minsan talaga may saltik sa utak tong mga kaibigan ko eh. Ang wi-weird.

"Kain na lang muna tayo please?" Sabi ko sakanila na parang bata. Kanina pa ako gutom noh!

"Kain agad?" Sabi ni Cai.

"Oo nga!" - Bryle

"Takaw talaga oh." Pang-aasar ni Rob sa akin.

Tss. Badtrip talaga tong mga to, parang bakla eh. Lagi ako pinagtutulungan.

"Hindi pa kaya ako naglunch!" I said and rolled my eyes. Badtrip kasi tong mga to. Ang babait! Sobra. Hindi po sarcastic yan!


"Ba't di ka kasi naglunch?"-Cai

"Eh kasi naman akala ko late na ko. Kayo kasi eh di niyo ko sinundo tapos magkakasama-sama pala kayo. Unfair!" Sabi ko habang naka-pout pero pinagtawanan lang nila ako. Kainis!

"Wag na kayo mag L.Q. dyan. Pagbigyan na natin yang matakaw na yan!" -Rob

"L.Q. ka diyan! Bilisan nyo! Gutom na ko!" sabi ko at hinila ulit si Cai.

"Yan ang nagustuhan ko sayo eh!" Sabi ni Cai at kumindat pa. Uhm, okay?

"Ma-O'op nanaman kami mamaya nyan eh!" Pang-aasar ni Bryle.

"Kaya nga eh. Magliligawan nanaman kayong dalawa." singit naman ni Rob.

"Then magligawan din kayo." pang-aasar naman ni Cai sa kanila.

"Tara na kasi!" Sabi ko. Change topic na, ang awkward.

After kumain ay pumunta kaming national bookstore.

My Clumsy RomanceWhere stories live. Discover now