My Clumsy Romance Chapter 10: Picture

765 22 0
                                    


"Wow.. Mukhang sobrang na napapalapit na kayo nung Max na 'yun sa isa't isa ah." Sarkastikong sabi ni Bryle habang naglalakad kami papuntang canteen. Tapos na 'yung PE class namin at lunch time na.

"Bakit? Selos ka?" Pang-aasar ko sa kanya.

"As if." Pagsusungit niya.

Napahinto kami sa paglalakad nung huminto si Rob. Nilingon namin siya dahil medyo nahuli na siya.

"Bakit?" Tanong ni Bryle kay Rob pero umiling lang siya at naglakad ulit.

Weird.

Pagpasok namin sa canteen, ayun kain kain lang. Bumalik na 'yung gana ko sa pagkain.

"Cr lang ako ah.." Sabi ko kanila Bryle at Rob.

"Bilisan mo, matagal ka pa naman mag-cr." Sabi ni Bryle at inirapan ko lang siya.

Bago pa man ako makadating ng cr ay nagulat ako ng may dalawang babae na tinaasan ako ng kilay nung masalubong ko sila.

Luh? Anong ginawa ko sa mga 'yun? Gosh. Bitches are everywhere.

Bigla silang huminto sa paglalakad at tumayo sa harap ko. Ah okay? Parang familiar yung mga ganitong eksena ah. Yung sa mga novels and dramas ganitong ganito pag may manggugulong mean girls sayo eh.

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Akmang lalagpasan ko na sana sila pero muli silang humarang.

"Are you the reason why my friend and Max broke up?"

Ay hala, naalala ko na sila. Mga kaibigan sila nung Ex ni Max.

"H-hindi ah.. Wala akong kinalaman diyan." Sagot ko at pawang katotohanan lahat 'yun.

"Bitch, stop lying."

"Hindi naman ako nagsisinungaling eh.." Inis na sabi ko. Kasi nagsasabi naman talaga ako ng totoo. "Aray!" Biglang hinila nila yung dalawang band aid sa noo ko. Nashook yung bukol ko.

"And what's the meaning of this?" Tanong niya.

Ano nga bang meaning ng band aid? Di ko pa nasesearch eh.

"Ewan ko. Search mo nalang." Sabi ko at parang napikon sila.

"Gosh. Ang shunga ng babaeng 'to."

Ako lang ba? Eh hindi nga rin nila alam kung anong ibig sabihin ng band aid.

"Bakit parehas kayo ni Max ng band aid?!"

Ah, so 'yun pala. Hindi kasi nililinaw 'yung tanong eh. Naloloka ako.

"Eh band aid niya yan eh."

"I mean.. Bakit bigla ka na lang sumulpot sa classroom tapos parang may something sa inyo ni Max?"

Ano bang pinaglalaban nito? Kung maka-react akala mo siya 'yung ex girlfriend eh.

"What's happening here?" Napatingin ako kay Max na kunut noong nakatingin sa amin.

Humarap naman sa kanya 'yung isang babae na putak ng putak kanina pa. At tahimik naman yung isa na nakataas lang ang kilay Simula kanina.

"Bakit ang bilis mo palitan si Valerie?!" Inis na sabi ni Girl kay Max.

What?

Nakita ko namang napatawa ng sarkastiko si Max.

"Anong alam mo?"

Kaya nga! Wala nga siyang alam. Duh, bitch.

"Nalaman kong break na kayo ni Valerie at ngayon dinidikitan mo 'yung babaeng 'yan?" G na G siya oh. Kaloka.

My Clumsy RomanceWhere stories live. Discover now