Chapter 9: The Bait

175 9 0
                                    

Sia's POV

"Bibigyan namin kayo ng 3 oras mula ngayon. At kapag hindi kayo sumang-ayon sa gusto namin ay mapipilitan kaming pwersahang biksan ang pintong 'to!" Sabi ni Madison sa labas ng pinto.

"Wala akong pakealam sa gusto niyong gawin, handa kaming lumaban, at susunugin namin ang buong palasyo gakit ang mga sulong naririto sa loob kapag hindi niyo kami pinaalis ng ligtas sa impyerning ito!"

"Tingnan natin hahahaha!" At narinig namin ang mga yabag na papalayo.

"Ano na gagawin natin?" -Layla

"Mag-isip tayo ng paraan bago oa sila bumalik." -Dolph
Nagulat kami ng may biglang kumatok muli. Hinawakan ko ng maigi ang samurai na hawak ko.

"Ano nanaman kailangan niyo!" -Layla

"Lay, buksan niyo pinto. Ako 'to si John!" Pigil ang boses na sagot nito.

"Dolph tulungan mo ko!" Agad naming binuksan ang pinto. Pagkapasok ni John ay agad din namin itong isinara.

"Pano ka nakapunta rito? Nasan sina Taryn?" Tanong ko.

"Pinauna ko na silang tumakas. Dun kami dumaan sa likod ng mansyon. Sa bintana kami lumabas!" Sagot nito.

"Pinuntahan din kami nina Doña Carmella. At gaya ng sinabi sa inyo ni Madison ay babalik din daw sila sa kwarto namin mamayang alas-otso. Dapat makalayo na tayo rito bago pa nila madiskubreng wala na tayo!" Pahayag nito.

"Eh pano tayo makakalabas dito?" -Layal

"Paglabas natin sa kwartong ito ay papasok tayo sa isang kwarto sa kabilang parte ng mansyon. Sa tawid ng mga kwarto na kahelera nito. Dun ako dumaan, bababa tayo sa bintana at didiretso tayo sa kasukalan. Bahala na kung san tayo mapunta basta't makalayo tayo sa impyernong lugar na 'to!"

"Sige, hali na kayo." Yaya ko sa kanila. At gaya ng plano ay ganoon nga ang aming ginawa. Nang nasa baba na kami at akmang tatakbo na patungong kasukalan ay may narinig kaming babaeng sumisigaw.

"Aaaaahhh tulungan niyo koooo!" Napahinto kaming lahat.

"Si Lana yun ah!" Bulalas ni Layla.

"Teka oo nga hindi niyo ba kasama si Lana?" Tanong ni John.

"Hindi. Bakit hindi niyo rin ba siya kasama?" Sagot ko.

"Hindi eh, ibig sabihin kagabi pa siya nakuha ng mga yun nung nagkakagulo tayo. Wala lang nakapansin sa kanya."

"Ano na gagawin natin Sia? Kelangan natin siyang tulungan!" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Layla.

"Hindi natin siya pwedeng pabayaan. Pero kapag bumalik pa tayo ron mahihirapan na tayong makaalis pa."

"Ganito, magpapahabol ako sa kanila at kapag hinabol nila ako ay ihagis niyo lahat ng sulo na nakabukas pa sa paligid upang magkagulo ang mga naiwan. At aikapin niyong iligtas si Lana. At wag niyo na akong hintayin. Sa Pagsangjan na tayo magkita kita!" Mungkahi ni Doloph.

"Yun na nga lang ang pwede nating gawin." Naglakad kami ng dahan-dahan pabalik habang nakayuko. Umikot kami papunta sa may harap ng mansyon. Narito kami ngayon sa may halamanan. Kitang kita namin kung saan nakatali si Lana. Naroon ito sa bilog na malaking lamesang gawa sa makapal na kahoy. Pinalilibutan ito ng mga cannibal. Nasa may pintuan ng mansyon ang pamilya ni Aj.

"Alam kong naririnig niyo ako ngayon mga bata! Gusto kong ipaalam sa inyo na narito ang isa sa mga kaibigan niyo. Hindi pa huli ang lahat. Lumabas kayo at makakauwi kayong lahat ng ligtas, basta't siguraduhin niyo lang na walang makaka-alam ng mga nangyari dito. Dahil kung hindi dito na ang magiging huling hantungan ninyong lahat!" Sigaw ng Doña.

"Nikki, umpisahan mo na ang pag-awit para sa serimonya. Sabi nito sa bunsong anak na dalagita. Agad naman itong umawit. At napanganga ako sa narinig ko. Napakaganda ng tinig nito. Napakalamig. Kakaiba sa lahat ng boses na narinig ko na. Maya-maya ay biglang may mga dumating na mga katulong mula sa loob ng mansyon kasama ang malaking lalaki na mabalahibo ang mga braso.

"Diña Carmella at Don Enzo, wala na po sa mga kwarto nila ang mga bihag!" Pahayag nito. Agad na nagalit ang mag-asawa.

"Mga peste. Pani kayo natakasan ng mga inutil na yon!? Habulin niyo sila bilis!" Utos nito sa lahat ng mga kalalakihan na naroon. Agad namang tumalima ang mga ito.

"Mga buwiset! Hindi sila pwedeng makarating sa bayan. Dahil maaari nating ikapahamak kapag nalaman ng mga tao ang tungkol saatin!" Histerical na sabi ng Doña.

"Mga alipin! Umpisahan na ang pagkatay sa babaeng iyan!" Tukoy ni Madison kay Lana.

"Aaaaaahh waaaagg!"

"Hoyyy narito ako! Habulin niyo ko! Dito. Bilis!" Sigaw ni Dolph na hindi namin namalayang umalis na pala sa aming tabi. Agad na nagsilingon ang lahat dito.

"Mga alipin, habulin niyo ang lalaking iyon!" Sigaw ng Don. Agad nagsihabol ang mga kababaihang cannibal kay Dolph.
Ang pamilya na lamang ang natira, at si Lana, pati yung malaking lalaki. Agad kaming nagsilabas at kinuha ang mga sulong naroon. Ihinagis namin ng sabay-sabay iyon sa direksyon ng pamilya nina Aj. Napa-atras ang mga ito, kaya agad naming nilapitan si Lana. Hindi nag-aksaya si Layla ng oras at kinalagan ang tali nito habang nakatutok ang aming mga armas sa pamilya ni Aj. Binalingan ko ito ng tingin.

"Hayup ka Aj. Nagtiwala kami sayo, itinuring ka namin na parang kapatid tapos ito ang ginawa mo samin?" Napatungo ito.

"Mga hangal! Hindi kayo makakaalis dito ng buhay!" Sigaw ng Don. Biglang may sumugod sa amin na dalawang babaeng cannibal. Meron pa palang natitira dito. Agad itong sinaksak nina Dolph at John. Bigla ring sumugod yung malaking lalaki kay sinalubong ko ito ng wasiwas sa samurai na dala ko. Naputol ang kabilang braso nito ng mahagip ng samurai. Agad ding nagsisugod ang Mag-asawa pati si Madison, maliban kina Aj at Nikki na naiwan sa may pinto ng masyon.

"Aahh!" Napatili sina Layla at Lana ng biglang may humablot kay Layla na malaking lalaki, kamukha ito ni Aj. Malamang ito na ang panganay na anak nina Don Enzo si Dean. Sinamantala iyon ng nina Madison at agad kaming sinunggaban. Nahawakan ng Don ang Armas ni Dolph at inihagis sa malayo, isinalya ni Dean si Layla at natumba ito. Binalingan nito si John na akmang tutulong kay Dolph, mula sa likod ay inagaw nito ang armas ni John at sinakal ito mula sa likod. Nagpambuno ang dalawa. Nagpambuno na rin kami ni Doña Carmella, pati sina Lana, Layla at Madison.

"Ma tama na, pabayaan nyo na sila!" Sigaw ni Aj. Hindi ito pinansin ng mga magulang. Biglang nagsidating ang ibang mga cannibal mula sa kung saan. At pinalibutan kami.

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt