Epilogue: The bloody beginning

652 16 0
                                    

Author's Note

Una po sa lahat, gusto ko ipaalala sa inyo na gaya ng nababasa niyo ngayon ang story na ito ay malayong-malayo sa kung ano ang totoong istorya ng BIRINGAN THE HIDDEN CITY IN SAMAR, isa lamang po itong fiction na kung saan ay ginamit ko ang Biringan pero ginawa ko itong Barangay instead of City, incase na gusto po ninyo makita o mabasa ang tunay na istorya ng Biringan City ay i-search nyo na lang po ang Biringan (The Lost City) dito rin po sa Wattpad, and Type Biringan in searchbox on youtube to watch a video about the said City (yung sa Mel&Joey po panuorin niyo or Rated K para sa mas clear na infos). Thank you.

Author's POV

Mamà para po!" Sigaw ni Jade sa driver ng multicab na kanyang sinasakyan. Matapos magbayad ay bumaba na siya at tumungo sa daungan ng mga bangkang de-motor upang sumakay.

"Kuya dito po ba ang sakayan papuntang Biringan City?" Tanong niya sa lalaking may bangka.

"Ha? Biringan? Miss naloloko ka na ba? Bakit mo sinusubukang hanapin ang lugar na di mo mahahanap kelan man?" Takang-taka ang lalaki.

"Kuya walang halong biro, pasakay ako tungong Pagsangjan!" Nayamot siya sa kadaldalan ng lalaki na akala mo ay nakikipag biruan siya rito. Ayon sa nakasulat na direksyon Barangay Pagsangjan ang dapat niyang tunguhin kapag sumakay siya ng bangka.

"Bahala ka!" Tanging turan ng lalaki sa walang pakialam na babae.
Pagkababa ay hinanap niya ang direksyon na nakadrawing sa mapa na ibinigay ni AJ sa kanya, nagtataka siya kung bakit patungong kagubatan ang itinuturo ng direction.

"Uhmm siguro nasa gitna ng kagubatan baryo nila?" Saisip niya at nagpatuloy nang lumakad paakyat sa bukid.

"Teka bakit parang anglayo naman ng lugar na to?" Tanong niya sa isip.

"Kung 'di lang ako ang naatasang ipaalam ang pagdating ng barkada sa baryo nila para makapaghanda nungkang aakyat ako rito, baka sabihin pa nila wala akong pakisama." Patuloy pa niya habang naglalakad.

"Ba't naman kaya kasi walang signal ng phone dito kakayamot, edi sana itinext na lang ni Aj parents niya para makapaghanda, buwiset talaga oh!" Nagpatuloy siya sa paglalakad ng may mapansing tila may sumusunod sa kanya, tumigil siya at nagpalinga-linga sa paligid. Ngunit wala siyang nakita sa paligid. Muli siyang lumakad ngunit di pa man siya nakakalayo ay naramdaman niyang tila may tumatakbo mula sa kanyang likuran, paglingon niya ay biglang tumigil ang mga yabag. Nakita ni Jade ang pangit na batang nakatayo mga ilang metro ang layo sa kanya. Di naiwasang mandiri ng babae sa nakikita niyang itsura ng bata, makapal ang pang-itaas na labi, malalaki ang maiitim na mga ngipin, tabinging mukha at malalaking mata.

"Ano kea ginagawa ng batang ito sa gitna ng kabundukan g walang kasama?" Takang saisip niya. Nakatago sa likod ang mga kamay ng bata.

"Hoy bata! Anong ginaga-" Nasindak siya ng makita inilabas nito ang dalawang kamay na may hawak na dalawang maliliit na palakol. Agad siyang tumakbo paakyat sa bukid.

"Aaaahhh tulong!" Sigaw niya habang tumatakbo. Lumingon siya sa likod at nakita niyang papalapit na ang bata sa kanya. Mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo kahit pa hingal na hingal na siya dahil sa papaakyat na pagtakbo habang may dalang malaking travel backpack.

"Aaaahh parang awa mo na tigilan mo na ko!" Sigaw niya. Umaasang lulubayan na siya nito. Lumiko siya sa may malaking puno. Ngunit bigla siyang nadapa. May tali siyang naapakat na biglang pumulupot sa kanyang paa. Nagkakakawag ang babae.

"Aaaaahhh tulong parang awa niyo na! Aaaahhh!" Biglang gumalaw ang tali at unti-unti siyang hinila. Mas lalo siyang nagpanik.

"Aaahhh!" Dali-dali niyang hinubad ang backpack mula sa likod kahit pa hirap na hirap siya at marami na ang sugat dala ng paghila sa tali. Pinilit niyang hanapin ang pocket knife sa bulsa ng bag. Papalapit na siya sa puno. Papalapit ng papalapit. Nabuhayan siya ng loob ng makapa ang kutsilyo, agad niya itong kinuha at binitiwan ang bag. Linaslas niya ang lubid, dahil makapal ay nahirapan siyang putulin ito. Konti na lang nasa puno na siya. Todo laslas siya sa lubid, at bago pa man siya makarating sa malaking puno ay naputol na ang lubid.

Agad siyang tumayo at tumakbo ng walang lingon-lingon. Nakakita siya ng isa pang malaking puno ng akasya at dali-dali niya itong tinungo at nagtago sa likod nito. Hinihingal siya habang tinatakpan ang bibig sa takot na makalikha siya ng ingay. Makalipas ang ilang segundo ay dahsn-dahan siyang sumilip, wala na ang bata. Nakahinga na siya ng maluwag kahit pa may takot pa rin sa kanyang dibdib habang nakasandal sa malaking puno.

Mayamaya ay may narinig siyang mga kaluskos sa bandang itaas ng puno na sinasandalan niya. Agad siyang tumingala, at kasabay ng kanyang pag tingala ay ang paghagis ng isang nilalang sa itaas ng puno ng isa matulis na kahoy pababa tungo sa babaeng biktima!

"Aaaaa-!!!!" Hindi na natapos ng kawawang babae ang pagsigaw sapagkat tumusok na sa kanyang nakabukas na bibig ang matulis at mahabang kahoy tagos sa ibabang parte ng kanyang katawan at tumusok sa lupa.

Sa nanlalabong paningin ng babae, kitang kita niya ang istsura ng taong gumawa nito sa kanya, namatay siya na puno ng takot ang mga mata.

Sorry Sa pic huh? Yan lang kasi yung medyo malapit sa descriptin nung ngyari kay Jade, even though pabalabag yung axe, imagine niyo na lang kahoy na nakatusok sa bibig ng isang babae, parang yung cover ng CANNIBAL FEROX! Pero sa tabi ng malaking p...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sorry Sa pic huh? Yan lang kasi yung medyo malapit sa descriptin nung ngyari kay Jade, even though pabalabag yung axe, imagine niyo na lang kahoy na nakatusok sa bibig ng isang babae, parang yung cover ng CANNIBAL FEROX! Pero sa tabi ng malaking puno Version xoxo😂


---

Wait, before I start the main story, I would like to say sorry kung marami mang mali sa story, this is my first story here on Wattpad and I really don't have any experience in terms of writing a story, so sorry again.

But I also want to say thank you even if it is too early, I don't know if you will like the story, pero kung binasa niyo man lang ang buong epilogue napakalaking bagay na nun sakin, thank you talaga😂😂

And of course I will really really appreciate it when you will give me a comment for this story, If you want me to continue the story or not. Ok lang sakin kung hindi kayo nagandahan basta sana sabihin niyo lang. Again thank you so much.

Anyway here is my fb acc.
Summer_kingston@yahoo.com

Twitter:
mzeeloverdel@yahoo.com

T.Y

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Where stories live. Discover now