Chapter 6: The Revelation

167 8 0
                                    

"Huggghhrraaah!" Nabaling ang aming tingin ng biglang naduwal si Layla sa aking Tabi. Agad ko itong nilapitan.

"Heyy easy lang!" Hinapuhap ko ang likod nito.

"Haah Siaaa!" Nanginginig na itinuro nito ang plato na pinagkakainan nito. Nanggilalas kaming lahat sa nakita namin. May Daliri at mata ng tao.

"Hhuuhhhggraa!" Naduwal na rin Si Taryn. Agad itong dinaluhan ni Drew. Buti na lang hindi pa ako nakakain. Nakita kong nagsitayo na rin sina John, Dolp at Zack.

"Aahahahahaha!" Malutong na Tumawa Si Doña Carmella.

"Akalain nyo nga naman, madidiskubre nyo pala agad ang katotohanan!" Makahulugan nitong turan.

"Ngayon, siguro naman maliwanag na sa inyo kung ano ang ibig kong sabihin kanina na WAG NG HINTAYIN ANG MGA WALA NA!" Malakas na sabi ni Madison.

"Mga hayup kayo!" Agad na Sinugod Ni Zack ang Pamilya ni Aj. Agad namang tumayo ang Padre de Pamilya at sinalubong si Zack, inilagan nito ang suntok ng una at sinakal ito. Sinipa ni Zack ang Ama ni Aj kaya nabitawan nito si Zack. Akmang Susugurin ulit ni Zack ang lalaki ng tumayo si Madison at pinagkakalmot si Zack sa likod at niyakap ito mula sa likuran. Sumugod na rin ang Doña Kay Zack at kinagat ito sa kaliwang braso. Kitang-kita namin kung paano napunit ang maliit na bahagi ng balat sa kaliwang kamay ni Zack. Agad akong tumulong kay Zack at nagsisunod na rin sina John. Sinabunutan ko si Madison mula sa likod kaya nakabitiw ito kay Zack. Itinulak ni John si Doña Carmella na ikinatumba nito na tumama sa dulo ng lamesa ang likod. Agad itong dinaluhan ni Aj. Umamba ng suntok ang Don sa likod ni John pero naagapan ito kaagad nina Dolph at Drew sinuntok ito ni Dolph sa sikmura at isinalya ito ni Drew papunta sa tabi ng natumbang Doña. Gumanti naman saakin si Madison at nahawakan ang aking buhok, agad ding tumulong si Layla at hinampas si Madison ng Flower base sa likuran kaya nakabitaw ito saakin, sinuntok ko ito sa pisngin na ikinaatras nito papunta sa direksyon nina Aj. Agad nagsitayo ang Don at Doña. Nagtipon-tipon sila sa kabilang panig ng kusina. At kami naman ay nagsama-sama sa dulong bahagi ng kusina.

"Anong ibig sabihin nito Jay?" Tanong ni John. Hindi nakasagot si Aj at halatang nalulungkot ito sa nangyayari.

"Kamatayan ninyo ang ibig sabihin nito mga hunghang!" Sigaw ni Madison.

"Mga alipiiiin!" Sigaw ng Doña.

Nakita naming nagmamadaling nagsipasok ang kumpol ng mga pangit na nilalang, at tumungo sa aming kinaroroonan. Ang iba ay may mga dala pang armas.

"Magsikuha kayo ng mga bagay na maaaring ipanglaban bilis!" Sigaw ni Drew habang nakayakao ky Taryn ang isang kamay. May hawak na itong Sulo, habang kutsilyo naman ky Taryn, na nanginginig pa rin sa takot. Agad naman kaming tumalima. Nakaita ko ang malaking samurai na naka-display sa wall na malapit sa amin, agad ko itong tinungo, sumunod sa akin sina Layla at Doloph na ang kinuha ay ang tig-isang pares ng mahahabang tubo na bakal. Sina Zack at John naman ay nakakuha ng mahahabang kahoy na may patalim sa dulo. Mga pang-display rin iyon. Nang babalik na sana kami sa direksyon nina John ay agad na nagsiharang ang mga bagong dating na mga Cannibal.

"Aaaahhh!" Napatili si Taryn sa takot.

"Ahahahaha! Ganyang nga hija, masindak ka! Hahaha!" Tuwang-tuwang turan ng Doña.

"John, wag kayong maghihiwa-hiwalay. Ganon din kami. Kanya-kanya na muna tayo ng direksyon!" Sigaw ko.

"Sige! Mag-ingat kayo!" Nakita kong iwinasiwas na nina Drew ang kanilang mga Sulo at Kahoy. Nakita naming nakalabas ang mga ito sa kabilang pinto papuntang underground ng bahay. Agad ko ring iwinasiwas ang samurai na hawak ko at ganon din sina Layla at Doloph. Pinaghahampas nila ang bawat kanibal na nagtatangkang lumapit sa samin. At pinagtataga ko naman ang iba habang kami ay tumatakbo papaakyat sa ikalawang palapag ng mansyon.

"Mga hayup kayo! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa mga alipin koooo!" Sigaw ni Doña Carmella.

"Then do it b!tch!" Angil ko dito. Ng makaakyat kami sa ikalawang palapag ay nagpatiuna na ako papunta sa kwarto namin. Agad kong binuksan ang pinto at nagsipasok na sina Dolph at Layla. Nakita ko ang papalapit ng mga humahabol sa amin. Agad ko ring isinara ang pinto.

"Lay, sa bintana!" Nakita kong may mga umaakyat na sa bintana. Agad tumakbo sina Layla at pinaghahampas ng mga tubo ang mga kanibal na umaakya sa bintana. Nahulog ang mga ito. Agad din nilang isinara ang malalaking bintana.

"Hhuh hhuh hhuh!" Hingal kaming tatlo.

"Anumang oras ay mabubuksan nila ang kwartong ito pag ginusto nila!" Turan ni Dolph.

"Sa palagay ko ay hindi nila gagawin iyob sa mga oras na ito sa pagkat iisipin nilang maaari nating sunugin ang buong mansyon gamit ang mga sulong narito ngayon!" Sabi ni Layla.

"Tama ka Lay"

"Pero hindi tayo dapat pakasiguro, dapat ayusin natin ang pagkakasara sa mga bintana't pinto." Mungkahi ni Dolph.

"Lay, tulungan natin si Dolph na iharang ang mga kabinet sa mga bintana."

"Oo." Agad naming pinagtulungang buhatin ang mga kabinet na tinanggalan namin ng mga laman. Kahit na mabigat ay nadala pa rin namin ito.

"Yung mga Sofa, iharang natin sa pinto!" Sabi ko. Agaf naming naiharang ang mga Sofa. Humihingal kaming napaupo ni Layla sa gilid ng malaking kama.

"Hhah hhah!" Hingal namin.

"Nasan na kaya sina Taryn?" -Layla

"Sa palagay ko isa sa mga rooms sa ground floor ang pinuntahan nila." -Dolph

"Sana nga nakapagtago sila ng ligtas." Turan ko.

"Ano na gagawin natin?" -Layla

"Sa ngayon magpahinga na muna tayo. Alternate, matulog kayo ngayon ni Dolph habang ako ang bantay, at every two hours ay magpapalitan tayo okay?"

"Okay, mas maganda nga sigurong magpahinga na muna tayo upang hindi tayo agad mapagod kung sakaling susugod sila."

"Mabuti pa nga." Sang-ayon ni Layla. Ganoon nga ang aming ginawa buong magdamag, every two hours ay gigising ang isa upang palitan ang nagbabantay.

------------------------------------------------------
Author's Note:

Heyy fellas, hinga muna! Haha, anyway, stay foot lang kayo. Malapit na pong matapos ang story na to. Hindi ko na po pahahabain pa. Mga 3 to 5 more chapters na lang kaya kapit lang po.

Wait nga pala Please don't forget to write any comment and click the star button here...
👇

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Where stories live. Discover now