Chapter 10: The Death Match

162 7 0
                                    

Magkakatalikod din kaming apat kabilang na rin si Lana, naka pabilog kami.

"Mga hangal! Akala niyo makakatakas kayo mula sa kuko ng aming lahi? Hindi!" Sigaw ni Dean.

"Hindi man kami makatakas mula sa pugad ng mga halim na gaya nito, sisiguraduhin rin naming magkakamatayan tayong lahat dito!" Sagot ko.

"Handa kaming lumaban hanggang kamatayan" -John.

"Hanggang kamatayan ba ika mo bata? Huh! Matitikman niyo talaga yan!" -Madison.
Biglang nagsidatingan ang mga alipin nina Don Enzo.

"Doña Carmella at Don Enzo, naririto pa po ang mga bihag at hindi pa sila nakatakas lahat!" Pahayag ng isang alipin.

"Kung ganon nasaan sila!?" Angil ni Dean. Dumating rin ang mga kababaihang humabol kay Dolph.

"Hindi na ho namin siya nakita mula ng pumasok siya sa kasukalan. At sa pagkakaalam namin ay narito pa rin ang lalaking yon sapagkat walang bakas na may dumaan na sa kasukalan maliban sa amin!" Anang isang babae.

"Mga walang hiya kayo! Magsilabas kayooo! Sigaw ni Don Enzo. At mula sa loob ng mansyon ay tumatakbong nagsilabasan sina Zack na may dalang Flamethrower, Drew na may dalang pana at Si Taryn na agad hinostage si Aj mula sa likuran at tinutukan ng mahaba at malaking kutsilyo. Itinulak naman ni Taryn si Nikki at napunta ito kina Doña Carmella na agad niyakap ang anak.

"Sige! Subukan niyong gumawa ng masama at hindi kami mangingiming utasin ang buhay ng traydor na babaeng ito!" Sigaw ni Taryn.

"Walang hiya kang babae ka! Ibalik mo saamin ang anak ko!" Galit na sigaw ni Doña Carmella.

"Hoy tanda! Iutos mo ngayon din sa mga halimay na to na padaanin kami at hayaang umalis. Dadalhin namin si Aj hanggang Pagsangjan, at pagdating doon ay pababalikin din namin siya rito. Wag kayong mag-alala at hindi naman kami kagaya niyong mga traydor!" Sigaw ko.

"Huh! At anong akala niyo saamin mga mang-mang kagaya niyo? Gaya ng sinabi niyo, magkakamatayan na tayo dito ngayon!" Sagit ni Madison na agad akong sinugod.
Nagkagulo na ang lahat at inisa-isa ng pinana ni Drew ang mga Cannibal na papalapit sa kanila. Ibinuga na ni Zack ang Flamethrower na hawak niya. Agad na nasunog ang mga nagtangkang lumapit sa kanila, at namatay rin ang bawat tamaan ng palaso ng hawak na pana ni Drew. Nakita ko rin si Layla at Lana na buong tapang na lumalaban, panay ang wasiwas nila ng kanilang mga armas, at bawat tamaan nila ay isa-isang natutumba sapagkat ulo at leeg ang puntirya ng mga hawak nilang itak. Nakipag-agawan naman si Dean kay John sa sibat na hawak ng huli. Nagsitumbahan na ang mga lamesa at tuluyan ng nagkagulo.

"Hayup kang babae ka!" -Madison.

"Huh, sino kaya ang mas hayup sating dalawa ngayon, ako o ikaw na gustong lumamon ng kapwa tao?" Sagot ko habang patuloy kaming nagpapaligsahan ng lakas. Mas malaki ako sa kanya at mas matangkad kaya hindi ganon kahirap sakin ang itulak ito. Napatihaya ito sa lupa at tinuhod ko ang mukha nito ng muli nanaman sana itong babangon.

"Aahh!" Sigaw nito. Nakita ko ang malaking mala kabinet na puni ng mga patalim at iba pang mga kagamitan sa pagkatay ng tao. Mayroon ding mga likido na nakalagay sa mga garapon. Agad akong dumampot ng mga kutsilyo at isa-isa kong ipinukol sa mga cannibal na kasalukuyang nakikipag-away sa mga kasama ko at nagkakagulo. Isa-isang natumba ang mga ito. Nakita kong tatayo nanaman sana si Madison kaya agad kong dinampot ang isang garapon at binuksan ito. Isinaboy ko lahat iyon dito at agad itong napasigaw.

"Aaaah walang hiya ka!" Nagkikikisay ito sa lupa at nakita kong nalapnos ang balat nito. Agad ako muling kumuha ng isa pang garapon at ibinuhos iyon dito.

"Aaaaahhh!" Hindi na ito nakabangon pa. Dahil nagkakagulo nga ay biglang may nakasagi sa mala-kabinet na pinagkuhaan ko ng mga likido. Natumbahan nito si Madison. At nakita ko kung pano ito nagkatusok-tusok ng mga kutsilyo. Dinampot ko muli ang samurai na nasa di kalayuan sa akin at agad ko itong iwinasiwas.

"Mga walang hiya kayooo!" Sigaw ni Dean ng makita ang nagyari kay Madison. Itinulak nito Si John na napahiga sa malaking lamesa. Nakita kong may pumulupot sa leeg nito at napasigaw na lang ako ng makita ko ang isang babaeng cannibal na may hawak na itak at itinaga sa leeg ni John. Nasindak ako ng makita ko ang ulo nitong nahulog sa sahig!

"Jjoooohhnn! Napaiyak ako sa nakita. Agad kong ipinukol ang hawak kong samurai sa babaeng tumaga sito at tinamaan iyon sa dibid na ikinahulog nito mula sa pagkakatayo sa lamesa kung nasaan ang katawan ni John.

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Where stories live. Discover now