Chapter 12: The downfall of hell.

197 10 0
                                    

Lana's POV

Napakasakit ng aking sikmura na tinamaan ng suntok ng isang lalaking cannibal. Nabitawan ko ang hawak kong armas at tumalsik iyon sa malayo. Napatihaya ako malapit sa mga karton na may mga lamang dinamita, at iba't-iba pang klase ng pasabog. Liningon ko ang lalaking sumuntok sa akin, iika-ika na rin ito at papalapit sa akin. Agad ako lumapit sa mga dinamita at kumuha ako ng idalawa.

"Aaaah!" Napasigaw ako ng hawakan nito ang buhok ko. Nahagip ng kamay ko ang isang malaking tipak ng bato na agad kong inihampas sa lalaki. Napaatras ito at napaluhod. Hindi ako nag-aksaya ng panahon, tinakbo ko ang isang poste na may nakasindi pang sulo. Sinindihan ko ang dinamita at tumakbo akong muli papunta sa lalaking unti-unti nanamang tumatayo habang nakasapo sa ulo nitong duguan.

"Hhhhaaaaa!" Galit kong sigaw habang papalapit ako rito. Agad kong ipinasok ang mga dinamita sa damit nito at itinulak ito ng buong kong lakas na ikinatihaya nito ilang dipa ang layo sa akin, nakita ko ang isang babae at tatlong lalaking cannibal na tumakbo patungo sa lalaking nilagyan ko ng dinamita, tinangka nila itong tulungan. Mabilis akong tumakbo pabalik sa aking pinanggalingan. Hindi pa ako nakakalayo ay biglang ng sumabog ang dinamita at tumalsik ako pabalik sa mga dinamitang nasa mga karton.

"Laaannaaaa!" Sigaw nina Dolph at Sia. Nakita kong nakatihaya si Sia habang nakatingin sa direksyon ko. Sinipa ito ni Don Enzo sa sikmura na ikina-ibik nito.

"Aah!" -Sia

"Siaaa!" -Dolph

"Mga hangal kayo. Sinira niyo ang pamilya ko. Pinatay niyo ang mga anak at asawa ko. Mga hayuppp!" Galit na galit ito habang pinag-sisipa sina Dolph at Sia.

"Sobrang sakit na ng katawan ko hhuhhh! Hhi-hin-hinnddi ko na kkaya!" Gusto ko sanang isatinig ngunit hinang-hina na ko.

Nakita kong dahan-dahang bumabangon si Layla mula sa pagkakahandusay sa lupa. Hindi ito napansin ng Don, pinulot ng babae ang isang itak na nasa lupa at agad na sinugod ang nakatalikod na Don.

"Hhaaaaah!" Liningon ito ng Don. Itinaas ni Layla ang itak gamita ang dalawang kamay at agad na iwinasiwas pababa. Umilag ang Don ngunit huli na. Nataga ni Layla ang kaliwang balikat nito, at dahil napakatalim ng itak ay diretso nitong nahiwa ang buong braso ng Don at tumalsik ito.

"Aaaaah!" Nanghilakbot ang Don. Napaatras ito at napaluhod. Maya-maya ay nakita ko rin si Aj na tumatayo na rin.

"Mga walang hiya kayoooo!" Sigaw nito.

"Ginusto ko kayong tulungan, at pagsisihan ang pagdala ko sa inyo rito! Ngunit sa ginawa ninyong ito, mabuti pa sanang maaga ko na kayong ipinapatay sa mga alipin!" Nanlilisik ang mga mata nito. Sinugod nito si Layla. Nakita kong sinalubong ito ng huli at iwinasiwas ang hawak nitong itak. Agad iyong nailagan ni Aj at sinipa sa sikmura si Layla na ikinaatras nito, tangkang aagawin na sana ni Aj ang itak ng biglang hawakan ni Dolph ang isang paa nito.

"Aaahh peste kang lalaki ka! Ah uhh haah!" Pinagsisipa nito si Dolph kayat napabitiw ito.

Sia's POV

Pinagsisipa ni Aj si Dolph kayat nabitiwan ng lalaki ang paa nito. Pinilit kong tumayo upang daluhungin ito.

"Yhaaa!" Sinugod ko ito. Ngunit sinalubong ako nito ng suntok sa sikmura at tinuhod ang aking mukha. Hinawaka ako nito sa batok at isinubsob sa tabi ni Dolph.

"Aj!" Sigaw ng Don.

"Mamatay ka naaaaa!" Sigaw ni Layla. Pagharap ni Aj ay agad na itinarak ni Layla ang itak sa tyan nito.

"Uuhhggh!"

"Ajjjjaaaay!" Sigaw ni Don Enzo na galit na galit. Napaatras si Aj. Hanggang sa makarating ito sa kinaroroonan ng ama. Tumayo ang Don at agad itong sinalo mula sa likuran.

"Halika na Aj tumakas na tayo bilis!" Inakay nito ang anak, at agad na tumalikod.
Ngunit hindi pa ito nakakalayo ay may narinig kaming malakas na sumusigaw.

"Magbabayad kayo mga halimaaaaw!" Sigaw ni Lana na may dalang isang klase ng pasabog na nakatali sa katawan nito. Nakasindi na ang bomba.

"Laannaaaa!" Sabay-sabay naming sigaw ng makitang tinalunan nito ang mag-ama. Natumba ang tatlo at nakadagan si Lana sa mag-ama.

"Pagbabayaran niyo na ang mga ginawa niyo saamin mga dimonyooo!" At bigla ng sumabog ang dala nitong pasabog. Nagsitalsikan ang mga lamang loob ng tatlo at kumalat ito kung saan-saan.

"Aah!" Napaluhod si Layla at napyakap sa akin.

"Lannaaaa!" Hagulgol nito.

"Wala na sila." Bigkas ni Dolph habang umiiyak at punong-puno ng mga sugat at dugo.

"At wala na rin ang mga kaibigan natin." Umiiyak ko ring sabi.

Matapos ang ilang minuto ng iyakan, ay tumayo na kami. Inakay namin ni Layla si Dolph na nagtamo ng mga bali sa binti at braso.

"Salamat sa panginoon at iniligtas niya tayo!" -Layla

"Eto na sana ang huli. At tayo na sana ang huling biktima ng mga ganitong klase ng halimaw." -Dolph.

Naglakad kaming magkakasama papalayo sa mansyon. Dinaanan namin ang wala ng mga taong kabahayan na dating tinirahan ng mga halimaw na sabik sa dugo at laman ng mga inosenteng biktima. Kahapon lang kasama pa naming dumaan dito ang mga kaibigan namin ngunit ngayon ay tatlo na lang kami. Wala na ang mga ito pati na rin ang pamilya ng mga dimonyong lahi. Eto na ang huli nilang araw sa mundong ito. Matapos ang matagal at mahirap na pakikipaglaban, at sa kabila ng katotohanang mas kaunti kami ay nanaig pa rin ang kabutihan. Iiwan na namin ang lugar kung saan nagbuwis ng buhay ang mga walang kasalanan naming mga kaibigan. Na kasama namin sa mahabang panahon, sa kasiyahan at kahirapan. Magkakasama kaming tumungo sa lugar na ito ngunit sa isang gabi lamang na lumipas. Nawala ang mga buhay nito at kinuha ng mga walang pusong halimaw na mga naninirahan sa gubat na ito. Sana, kung nasaan man ang mga kaibigan namin ngayon ay maging malaya at sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon