Chapter 4: The Discovery

218 10 0
                                    

Author's Note

Once again gusto ko po ulit ipaalala sa inyo na gaya ng nababasa niyo ngayon ang story na ito ay malayong-malayo sa kung ano ang totoong istorya ng BIRINGAN THE HIDDEN CITY IN SAMAR, isa lamang po itong fiction na kung saan ay ginamit ko ang Biringan pero ginawa ko itong Barangay instead of City, incase na gusto po ninyo makita o mabasa ang tunay na istorya ng Biringan City ay i-search nyo na lang po ang Biringan (The Lost City) dito rin po sa Wattpad, and Type Biringan in searchbox on youtube to watch a video about the said City (yung sa Mel&Joey po panuorin niyo or Rated K para sa mas clear na infos). Thank you.

Nga pala pinaiksi ko na lang po tong Story, tinatamad na po kasi ako pahabain pa to. And besides, napagdesisyunan ko na mula ngayon (kung sakaling magpatuloy pa po ako sa pagsusulat) ay maximum of 10-15 Chapters lang po ang bawat story na isusulat ko, ng sa ganun ay hindi rin po kayo maxadong tamarin sa pagbabasa. At hindi maxadong pabitin, xoxo😂 yun lang po Thanks...

Emma's POV

"Teka guys, mauna na kayo babalik lang ako sa CR, naiwanan ko kasi Compact ko sa may gripo!"
"Ah ganon ba? Oh sige bilisan mo't baka naghihintay na sila sa baba okay?" Taryn answered.
Lumabas na kaming tatlo at humiwalay ako sa kanila. Tinungo ko ang daan patungong dulo ng pasilyo kung saan naroon ang CR. Pagdating ko ay agad kong binuksan ang pinto. Nakita ko agad ang hinahanap ko at agad ko itong kinuha. Pabalik na ako sa pinto upang sana ay lumabas ng bigla akong may narinig na ingay sa bandang dulo ng mga cubicles kaya napalingon ako.
Taggg! Taggg! Taggg!"
Nagtaka ako kung ano ang bagay na iyon.
"Taggg! Taggg! Taggg!"
"Ano kaya yung tunog na yun?"
Dahan-dahan akong naglakad tungong ikaanim na cubicle, at idinikit ang aking tainga sa pinto nito.
"Taggg! Taggg! Taggg!" Narinig ko ulit ang tunog nito, at ngayon ay mas klaro na ito sa akin, parang tunog ng itak na tumataga sa isang karne na nakapatong sa sangkalan, yan ang eksaktong tunog na maririnig sa katayan ng baboy sa palengke.
"Pero pano magkakaroon ng katayan dito, at sa loob pa man din ng CR? Isa pa ang liit ng Cubicle nato para kumasya ang katayan dito?" Saisip ko.
Dala ng kyuryosidad ay dahan-dahan kong pinihit ang seradura nito at dahan-dahan ko ring ini-awang ang pinto. Sumilip ako sa loob at nagulat ako dahil gaya ng hinala ko ay hindi na nga sakop ng CR ang loob ng cubicle na ito. Parang maliit na kitchen, napansin ko ring may daanan ito pakaliwa mula sa pintong pinagsisilipan ko ngayon.
"Taggg! Taggg! Taggg!" Mas malakas ko na ito ngayong naririnig. Pumasok ako dahan-dahan, at may napansin akong isang bagay at biglang bumundol ang kaba sa aking dibdib ng makita ang isang shoulder bag ng babae at isang pares ng punit-punit na blouse at jeans na pambabae rin, sa di kalayuan sa ibabaw rin ng kinapapatungan ng mga gamit ay may isang mapa na iginuhit lang sa papael. Mapa? Oo nga kilala ko ang mapang ito, natatandaan kong ito yung mapang ibinigay ni Aj kay Jade ng magkita-kita kami sa Park dalawang Araw bago kami pumunta rito.
"Pano naman napunta 'to rito?" Takang tanong ko sa sarili ko. Pinulot ko ang papel at tama ang hinala ko sapagkat mula sa Conception hanggang dito ang itinuturo ng mapa. Ibinaling ko ang pansin ko sa bag na nasa kaliwang bahagi ng lamesa, hinalungkat ko ito ng walang ingay at... Nakita ko ang phone ni JADE! may Picture nito sa wall ng CP kaya nakasisiguro akong kay Jade iyon. Hinalungkat ko pa ulit ang bag at di sinasadya nagsisabit sa mga daliri ko ang mga putol-putol na pulseras nito.
Napuno ng pagtataka ang aking isipan.
"Pano napunta 'to rito? At bakit putol-putol ang kanyang mga pulseras?"
"Taggg! Taggg! Taggg!" Patuloy pa rin ang pagtadtad ng kung sino sa kung anong bagay. Nilingon ko ang direksyon kung saan ko ito naririnig, doon banda sa may kaliwang bahagi at mayroong likuan. Dahan-dahan ko itong tinungo, at pagdating ko ay agad akong sumilip at nanlaki ang aking mata, at napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang aking pagsigaw!

 Dahan-dahan ko itong tinungo, at pagdating ko ay agad akong sumilip at nanlaki ang aking mata, at napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang aking pagsigaw!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ngayon nakita ko na kung sino ang tumataga at ano ang tinataga. Yung lalaking naka-hood na kumatok kanina sa kwarto namin na nagsabing pinabababa na kami, yung lalaking mabalahibo sa braso at may pulseras, at karimarimarim ang mukha! Nakatagilid ito sa direksyon ko, at ang tinatadtad nito ay... Katawan ng tao! Nakalawit pa ang isang braso ng taong tinatadtad mula sa lamesa! Wala na itong ulo at pang ibabang bahagi ng katawan, at sigurado ako babae ito dahil sa dibdib nito. Lalo akong napatakip ng bibig sa nakita ko at napaluha ako sa takot! Nakita kong inilagay nito sa isang malaking kawa na kasalukuyang kumukulo sa ibabaw ng maapoy na kalan ang kanyang tinadtad na parte ng katawan ng tao, naamoy ko ang amoy ng kanyang niluluto at napasuka ako sa isiping nalanghap ko ang nilutong katawan ng tao. Buti nalang hindi ako nakagawa ng ingay gawa ng aking pagduwal. Ngayon alam ko na kung bakit ganito mga hitsura ng tao rito! Alam ko na kung bakit liblib at malayo ang baryong ito! At alam ko na kung ano ang mga nakatira rito! Alam ko na kung sino ang babaeng kasalukuyang tinatadtad sa ibabaw ng lamesa! Alam ko na kung ano ang balak nilang ipakain sa aming hapunan! At alam ko na rin kung ano ang mangyayari sa amin pag hindi kami agad nakaalis sa lugar na ito!

Dahan-dahan akong umatras at tumakbo palabas ng cubicle at pag bukas ko ng pinto pabalik ng CR ay ganun na lamang ang pagkagimbal ko ng makita ang isang lalaking payat na gaya ng iba rito ay nakakarimarim ang mukha, at ang nakakatakot ay nakataas ang isa nitong kamay na may katamtamang haba ng itak!
"Aaaaggrhhh hahahaa!" Tumawa ito at sabay wasiwas pababa ng itak na hawak nito! Kahit sobra ang takot sa aking dibdib ay hindi ako nagpadala sa aking emosyon, kahit hilam pa ako sa luha dala ng sobrang takot agad pa rin akong umilag at napasandal ako sa may lababo. Isang wasiwas pa muli at agad nanaman akong umilag, tumama ang itak sa malaking salamin sa lababo at nabasag ito. Lumingon-lingon ako upang maghanap ng armas na pwede ko ipanglaban dito, ngunit wala akong nakita ni isa sa loob ng malaking CR na ito! napalingon akong muli sa taong iyon na ngayon ay pasugod na muli saakin, yumuko ako agad ng ihataw nito ang kanyang itak at sinalag ang pangalawang wasiwas nito, hinawakan ko ang kamay nito at umikot akong bigla upang ibalibag ito. Tumama ang likod nito sa isa sa mga yurinal bowl at nabitiwan ang itak nito na tumalsik papuntang pintuan. Dali-dali ko iyong tinungo, ngunit bago ko pa ito naabot ay nahawakan na nito ang kaliwa kong paa. Nilingon ko ito na unti-unti nang tumatayo habang nakahawak sa aking paa. Agad akong umikot at tinuhod ang mukha nito napabitiw ito sa paa ko at napangiwi. Nilingon ko muli ang itak at tatakbuhin ko na muli sana ito nguni nahawakan nanaman nito ang aking buhok.
"Hhah!" Umikot ako't hinawakan ko ang kamay nitong nakakapit sa buhok ko. Sinipa ko ito sa sikmura kaya napayuko ito. Hindi ako nag-aksaya ng panahon. Inipit ko sa aking braso't tagiliran ang ulo nito at bigla akong humiga dahilan upang mauntog ng malakas ang ulo nito, napaangat pa ang dalawang paa nito paitaas habang nakapatusok ang ulo nito sa sahig. Pagbagsak ng katawan nito ay nagkikikisay ito, agad kong pinulot ang itak at tinaga ito nang walang tigil.
"Ah! Hah! Aaahhh! Haa!" Wasiwas ako ng wasiwas. At ng mapagod ay binitawan ko na ang itak at tinungo ang pinto. Nang hahawakan ko na sana ang doorknob ay bigla itong bumukas ng napakalakas kaya tumama ang pinto sa aking mukha!
"Aaah!" Napaatras ako at nadulas, naramdaman ko ang pagkabagok ng aking ulo sa lababo bago ako tuluyang bumagsak ng padapa sa sahig.

Author's POV

Pagpasok ng isang babaeng nakasuot ng pangkatulong ay agad nitong nakita ang payat na lalaki sa sahig. Wala na itong buhay na nakahandusay sa sahig. Nilingon nito ang babaeng natumba. Nakadapa ito at pinipilit na makabangon.
"Aaaahhrrr!" Sigaw ng katulong
"Walang hiya kaaaaaa!" At dinaluhong nito ang babaeng nakadapa. Hinawakan nito ang buhok ng babae at iniangat ang duguang ulo dala ng pagkabagok. Paulit-ulit niyang inihampas sa sahig ang mukha nito hanggang sa magdugo buong mukha nito at mawalan ng malay.
"Hhaaah huhh huuhh!" Hingal nito. Tumyo siya at hinila ang katawan ng babae patungong dulo ng cubicle. Pumasok siya rito at tinawag ang lalaking nagluluto.
"Gamor! Gamor! Halika dali!" Agad na lumapit ang lalaki.
"Pano mo nakuha ang isang yan?" Tanong nito.
"Pagpasok ko sa CR nakita kong tinataga niya si Gado. Kaya lumabas ako ulit at sinilip ko siya. Pagkatapos niyang pagtatagain si Gado ay iniwan niya ang itak kaya nung palabas na siya ay binuksan ko ng malakas ang pinto kaya natamaan siya't nabagok ang ulo sa lababo!" Paliwanag ng babae.

----------------------------

Author's Note:

Senxa na medyo kulang sa Thrill, medyo tinatamad kasi talaga ko magsulat pinipilit ko lang xoxo😂 kaya nga maiiksi na yung last 2 chapters eh.. Pero sana wag din kayo tamarin magbasa. Keep reading lang po malapit naman na yung The end eh.. 😉
Yung ginawa nga pala ni Emma dun sa lalaking payat, yung inipit nua ng braso at tagiliran niya yung ulo nung lalaki sabay higa at inuntog yung ulo nung lalaki sa sahig, DDT po tawag dun. Kung Curious kayo pa-search na lang sa youtube at type DDT by Maryse, para sa male version naman Dean Ambrose ... xoxo😂 para klaro. Thanks...

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Where stories live. Discover now