Chapter 11: Fall of friends

175 8 0
                                    

Sia's POV

Agad kong inihagis ang hawak kong samurai patungo sa babaeng pumugot sa ulo ni John. Nagpaikot-ikit ang samurai sa hangin at tumama ito sa dibdib nito na ikina hulog nito sa lamesang kinatatayuan nito kung nasaan ang katawan ni John.

"Aaaaahh!" sigaw ng Doña na natamaa ng flamethrower ni Zack. Nakita naming nagtatatakbo ito habang nagliliyab ang buong katawan. Napunta ito sa may bukana ng kasukalan at mayroon ito doong natapakan na sa palagay ko ay isang patibong na sila rin ang gumawa. Biglang may mga sibat na nagmula sa kung saan-saan na diretsong tumama sa katawan ng doña. Tagos-tagos sa katawan nito ang mga sibat na tumama rito.

"Carmellaaaaaaa!" Galit na sigaw ni Don Enzo. Agad nitong tinakbo ang direksyon ni Zack. Itinutok ng huli ang flamethrower sa Don na papasugod, ngunit napaso lang ito sapagkat bigla na ring naubusan ng laman ang flamethrower na hawak nito. Kahit na may kaunting sunog na ay sumugod pa rin ang galit na galit na Don at dinaluhong si Zack. Nagpambuno ang dalawang pareho ng sugatan. Nakita kong nadaig ng don ang si Zack at itinulak ito papunta sa pader na mayroong nakapatulis na hugis sungay ng toro. Kitang-kita ko ang pagtusok nito sa likod ni Zack. Nanlaki ang mga mata nito at agad na nagsuka ng dugo.

"Hayup kaaaa!" Galit na galit pa rin ang Don. Pinulot nito ang isang sibat na nasa lupa at agad na itinusok sa leeg ni Zack!

"Zaaaaackk!" Sabay na sigaw namin nina Layla. Nakita ko ring may humila sa buhok ni Taryn na nakahawak pa rin sa leeg ni Aj. Si Nikki iyon. Naitulak ni Taryn si Aj at nabagok ito sa hagdanang simento at nawalan ng malay. Nagpambuno sina Taryn at Nikki, kahit na bata pa lang ay makikita mo na ang pagkahalimaw nito. Lumalaban ito ng lakas kay Taryn na napaupo na sa lupa. Agad itong Dinaluhan ni Layla at sinaksak si Nikki mula sa likuran nito gamit ang sibat na napulot nito. Agad naman itong natumba sa lupa.

"Tulungan mo ko Lay!" Nagpaabot ng kamay si Taryn kay Layla upang tumayo. Ngunit laking gulat ko at maging si Layla ng makita si Nikki na tumayo. Sa isang kisap ay agad nitong niyakap mula sa likod si Taryn kaya't natusok rin ito ng sibat na nakatagos sa katawan ng bata.

"Taarryyynnn!" Sindak na sigaw ni Layla.

"Halimaw kang bata kaaa!" Sigaw ni Taryn na kasalukuyan ng nagsusuka ng dugo. Nakita nito ang napakalaking kawa na kasalukuyang kumukulo sa bandang likuran ni Nikki. Agad na pinilit ni Taryn umatras, hanggang sa marating nila ang kawa, nahulog si Nikki ngunit yakap nito si Taryn kayat sabay silang naisalang sa kumukulong kawa.

"Aaahhh!" Sigaw ng dalawa. Tangka sanang tutulungan ni Layla ang kaibigan subalit huli na sapagkat patay na ito kasama si Nikki. Sa sobrang kakaiyak nito ay hindi nito namalayan si Dean na nasa likod na pala nito.

"Laaayy!" Nanghilakbot ako ng makita ang hawak ng lalaki. Isang malaking kadena iyon. Agad nitong ipinulupot iyon kay Layla. Nakita kong nanlaban si Layla. Nakalmot nito ang mukha at mata ng lalaki kaya't napabitiw ito sa kanya. Nakita ko si Dolph na tumatakbo mula sa kasukalan. May dala itong sibat.

"Dooolpph! Si Layla!" Sigaw ko. Habang nakikipag-away sa iba pang mga kanibal. Lumingon ito, at nang makita si Layla ay agad itong tumakbo patungo sa direksyon ng babae upang tulungan ito. Akmang itatarak na sana ni Dolph ang sibat na hawak nito kay Dean ay may humampas namang babaeng cannibal sa batok ni Dolph gamit ang isang malaking bato na ikinaluhod nito. Naagaw ni Dean ang sibat na hawak nito. Tangkang itatarak na sana ni Dean ang sibat kay Dolph ngunit agad namang nahawakan ni Layla ang sibat na hawak nito. Agad akong tumakbo upang tulungan ang dalawa. Nakita kong nahawakan ni Dean ang buhok ni Layla at isinalya ito patungo sa may simentadong poste kaya nabagok ang ulo ni Layla. Hinampas ito sa batok gamit ang isang maiksing kahoy na ikinaluhod nito. Hahampasin ko uli sana ito nguniy nahawak kan ng babaeng humampas kay Dolph ang hawak kong kahoy. Umikot ako upang mapilipit ang braso nito.

"Aaahhh!" Sigaw nito. Nahawakan ni Dolph ang paa ng nito at hinila na ikinatumba ng babae. Akmang tatayo na san itong muli ng agad kong itinarak ang kahoy sa mata ng babae. Humandusay sa lupa ang katawan nito.

"Aaaah!" Sigaw ni Drew. Nakita kong nahati ang katawan nito sa tatlo ng sabay na iwasiwas ng dalawang kanibal ang mga hawak nitong itak.

"Oh my god!" Umiyiyak kong sambit.

"Watch out!" Sigaw ni Dolph. Paglingon ko ay nakita kong iwawasiwas na ni Dean ang hawak niyang itak buti na lamang ay nakayuko ako agad. Umikot ako papuntanh likod nito. Nang lumagpas ito sa akin ay sinalubong ito ni Dolph ng sipa na tumama sa mukha nito. Napaikot ito sa direksyon ko, sinipa ko ang sikmura nito kaya napayuko ito, agad kong siniko ang batok nito na ikinadapa niyo at humampas ang mukha sa lupa. Nakita kong nagdugo ang ilong nito. Agad din itong bumangon upang daluhungin ako, ngunut agad din akong umilag. Sa lakas ng buwelo nito ay hindi ito nakapagpreno ng ako ay umilag kayat dire-diretso itong bumangga sa poste kung saan ay may imahe ng ulo ng kalabaw na nakabaon sa poste. Natusok ang tiyan ng lalaki ng sungay ng imahe.

"Aaaaahhh! Mga ha- hayupp kayo!" Sigaw nito habang nakatarak ang sungay sa tiyan nito. Nakita naming unti-unti itong umaatras upang matanggal sa pagkakabaong ang sungay mula sa tyan nito.

"Aannaaaakk!" Sigaw ni Don Enzo ng makita ang nagyari kay Dean. Iilan na lang ang kalaban. Mabibilang na lang sa daliri ang mga ito. Nakita ko si Lana na napakarami ng sugat na natamo. Mga kalmot, at may kagat na rin ito sa balikat, ngunit hindi oa rin sumusuko. Sobrang awa ang naramdaman ko sa kaibigan ko, galit ang nagbigay ng lakas dito upang lumaban hanggang sa huli. Gusto nitong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng lalaking minamahal na sana ay maoapangasawa na nito. Nakita kong nagapi ito ng isang lalaking marami na ring sugat.

"Aah!" Sigaw nito ng tamaan ng suntok ng lalaking cannibal sa sikmura. Napatihaya ito malapit sa kumpol ng mga karton na may mga lamang dinamita.

"Mga hayuppp k-kkayyooo!" Napalingon akong muli ng magsalita si Dean. Nakita kong natanggal na ito mula sa sungay ng imahe ng kalabaw. Unti-unti itong umaatras habang sapo ng isang kamay ang tyan nito.

"Dolph!" Tawag ko. Nakuha naman niya ang gusto kong sabihun. Agad kaming tumakbo patungo sa nakatalikod na lalaki at sabay itong sinipa sa bandang itaas ng likod nito na ikinaabante ulit nito at napaluhod. Eksakto sa gitna ng mukha nito ay tumusok muli ang sungay ng imahe ng kalabaw. Tuluyan na itong namatay.

"Aaaah!" Sigaw ni Dolph. Nakita kong sinaksak ito ni Don Enzo mula sa likuran gamit ang isang maliit na kutsilyo. Agad akong sumaklolo at umangkas ako sa lukuran nito at kinagat ko ito hanggang sa mapunit ang balat sa pisngi nito.

"Aaaaaahh!" Napabitiw ito kay Dolph na natumba sa damuhan, sapo ang likod nito. Hinawakan ng Don ang akit buhok at inihampas sa lupa ang aking likuran.

The Cannibal Fest (Biringan The Hidden City In Samar)Where stories live. Discover now