Chapter 41

196K 1.9K 28
                                    

CHAPTER 41

I almost cursed when I saw what time is it! It's already 9am! Kaninang 8am pa ako paniguradong hinihintay ni Dylan! I told him last night na andito na ako ng 8am but what the hell! This goddamn traffic is eating my time!

Almost 9:30 na nang marating ko ang ospital. Ang akala kong tahimik na silid na papasukin ko ay napakagulo.. at ingay.

"Maxine! You're here!" Boses ni Dylan ang nakaagaw ng atensyon ko.

"H-ha? Oo. Traffic kasi. Sorry." Paghingi ko ng paumanhin habang naglalakad papalapit sakanya. "Hindi ko alam na pupunta pala kayo ngayon dito." Sabi ko sa mga barkada nya.

"Surprise!" Nakangiting sagot ni Jeff

"Faith and Roxy are on their way here." Pagbibigay impormasyon ni Ian.

"Who are they?" Tanong ni Dylan na syang ikinagulat ko. Ha-ha. Oo nga pala, may amnesia ang boyfriend ko.

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan nya, nginitian ko lang sila upang malaman nila na okay lang ako. Binalingan ko ng tingin si Dylan atsaka sumagot. "My bestfriends. Kilala mo sila." Nakangiti kong sabi.

Bago pa man may makapagsalita ulit, bumukas ang pinto at niluwa nito sila Faith at Roxy.

"Maxiiiiiiine!!!!" Nakakabinging tili ng dalawa habang niyayakap ako ng sobrang higpit.

"H-hey! Not too tight! The baby might not breathe!" Natatarantang sabi ni Dylan na syang nakakuha ng atensyon ng lahat. Oh great. Crap.

"BABY?!" Sabay sabay nilang sabi.

"Hehehehe." Yun lamang ang nasagot ko tapos ay tumango ako.

"OMG! Ninang ako!" Masayang sabi ni Roxy at muli akong niyakap.

"Hey! Wag mong yakapin si Maxine! Sino ka ba?!" Tila galit na sabi ni Dylan. Shit, hindi pa nga pala alam ng dalawa.

"What? Ano bang drama mo, Dylan?" Sabat ni Faith.

"And you, sino ka?" Taas kilay din na tanong ni Dylan kay Faith.

Lalapit na sana si Faith sakanya upang sapakin ito pero pinigil ko sya. "H-he can't remember." Mahina kong sabi. I bet the boys already knew kaya hindi na sila nagreact unlike Roxy and Faith.

"WHAT?!" Sabay nilang sigaw bago muling binalingan ng tingin si Dylan.

"Can you please stop the shouting already and answer me who the hell are you!" Tila naiirita nyang sabi sa dalawa. Hindi ako makasagot dahil nalilito ako.. pakiramdam ko ay napahiya ako sakanila. Pathetic. Hindi ako nakikilala ng boyfriend ko at buntis ako at ngayon hindi ko alam kung paano ihandle ang ganitong sitwasyon! People will know of course that my boyfriend has amnesia and he can't remember me! Rumors will spread and worse is baka hindi nya maalala ang feelings nya sakin at makahanap sya ng iba!

"Dude, calm down. They are Faith and Roxy." Kalmadong sabi ni Jeff kay Dylan habang kumakagat sa apple.

After what had happened, muling lumiwanag ang aura ng paligid. Nagusap usap kami na parang nas agetting to know each other stage ulit kami at sinabi ng mga kaibigan namin na tutulungan nila kaming ibalik ang dati.

I felt secured dahil alam kong may mga taong tutulong sakin kay Dylan but just when I thought everything's under control, halos nagiba ang mundo ko sa isang tanong ni Dylan.

"Where is Monica?"

Napatingin silang lahat sakin. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang lahat.

"A-ah.. she went back to Paris." Si Ian ang sumagot.

"Went back?!” Tila ba may excitement sa tono ng pananalita ni Dylan. Eto nanaman ako, nakakaramdam nanaman ng kirot sa puso.

"Yes." Ako ang sumagot at bago pa man may makapagsalita, tinuloy ko na ang sasabihin ko. "And yes, I know her. Nakilala ko sya nung nagbakasyon tayo sa San Juan. She was there too and we even had dinner together. She went back to Paris the day we almost died." Dire-diretso kong sabi.

"Aahh, ganun ba? Oh well, siguro ay ittext o kaya ay tatawagan ko na lamang sya so we could catch up." Masaya pa nyang sabi.

Monica! Monica! Right, dahil sa isip nya ngayon, si Monica ang girlfriend nya at ako ay hindi nageexist! Hindi ko na halos makaya ang nararamdaman ko kaya naman umalis ako sa kwarto nya at tumakbo palabas.

Ang sakit.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon