CHAPTER FORTY FIVE

191K 3.3K 334
                                    

Almost 2 weeks na simula noong nakalabas ng hospital si Tyler. Hindi muna siya pinapasok sa school kasi hindi pa naghiheal yung wounds niya and isa pa, he needs to rest. Ako naman, maaga akong pumapasok sa school, as usual, and maaga din akong umaalis sa school para i-visit si Tyler sa bahay nila.

Yup, pinapayagan ako nila mama since alam nilang ipapahatid naman ako ng mommy ni Tyler sa bahay namin. Isa pa, alam naman nila mama na dahil sa akin, kaya naaksidente si Tyler. Instead kasi ako yung mabangga, he pushed me away para hindi ako maaksidente. Hindi ko na din sinabi kila mama at papa na sinadya yung aksidente. Alam ni achi, though. Nevermind, ayoko na ulit maalala yung nangyari that night. Nakakatrauma!

I shook my head. Forget it, Rylie.

Anyway, almost 2 weeks na din since dinadalan ko siya ng favorites niya. Favorite food, favorite books, favorite songs, favorite people... Lahat na lang! Pero mukhang di naman niya naappreciate. Sabagay, hindi pa siya pumapayag na ligawan ko siya pero nagpupumilit lang ako.

Noong dinalan ko kasi siya ng favorite food niya...

*FLASHBACK*

"Ano 'to?" He asked, habang nakaupo sa harap ng dining table.

"Uhmm, pagkain? Hehehe!" Inamoy amoy niya. Shet, sana magustuhan niya!

"Ikaw nag luto?" His face was really shocked and epic at the same time. Haha!

I smiled while nodding my head.

"Di nga?"

"Bakit ba ayaw mo maniwala?! Gusto mo masapa- I mean, nevermind. Ughh, kung wala ka lang talagang sugat eh," I rolled my eyes at him then I saw him smile using my peripheral vision. Pag tingin ko sa kanya, tiningnan niya yung mga pagkain na nasa harap niya pero yung face niya, mukhang di naniniwala.

"Hoy Mr. Justin Tyler Dela Cruz, pinagpuyatan ko pag-aralan recipe niyan tapos di ka maniniwala? Hindi mo ba alam na nagpatulong pa ako kay manang-"

"Si manang gumawa nito no?" He asked. 

"HINDI NGA!" Tumulong lang si manang ng konting konting konti. Guide lang! GUIDE. Pero ako nag chop chop and everything.

Nanggigigil na ko. Nag sign ako na sasapakin ko siya...

"Chill," He said tapos tinuro balikat niyang may sugat. Eh kung tadyakan ko kaya sugat niya? Joke lang... Ayaw kasi maniwala eh. Huhuhu! Luto ko nga yun eh.

"Tyler, listen. Ako nag luto niyan. Ilang beses ko inulit yan kasi fail tapos- Ughh. Parang awa mo na, kumain ka na lang!"

At kumain nga siya. After niyang ubusin lahat lahat ng niluto KO...

"Hindi masarap."

Grrrrrrrrrrrrr... Tiningnan ko siya ng masamang masama.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon