CHAPTER EIGHTEEN

275K 3.7K 308
                                    

"What?"

I wanted to hug him kasi he's safe pero I wanted to punch him as well dahil buhay naman pala siya pero never niyang sinagot tawag ko. Nag thank you muna ako kay God syempre at saka siya tinalikudan ulit. Diba sabi ko, di ko siya papansinin pag nagpakita siya ng ligtas sa akin!

"Janine and Jenine, na-miss ko kayoooo! Thank you kasi naalala niyo pa din ako and sorry kasi hindi ko kayo nabisita kahit once lang. Sorry!!!"

"Okay lang po yun ate Rylie. Kasalanan naman po ni Kuya Justin," What? Sinabi ni Justin sa kanila na siya ang may kasalanan?

Nag nod naman si Jenine sa sinabi ng kapatid, "Nagalit nga kami sa kanya dati e! Buko kasi sa iniwan ka niya, napabayaan din niya kami."

Lumingon ako kay Justin pero nakatingin lang siya sa kabilang side...

"Sorry talaga. Hayaan niyo, babawi ako. Promiseee!!!" I raised my right hand.

"Talaga po?" Sabay silang dalawa at tumango naman ako.

"Pero ngayon, kailangan ko na munang umalis. Sobrang nagmamadali kasi  ako. Sorry twins! Na-miss ko kayooo," Sabi ko sabay hug ulit sa kanila. Nagpaalam na sila sa akin at nagmadaling umalis ng bahay. Ayoko na dito. Ayoko na makita si Justin!!!

Saan ba kasi siya nagpupunta? Nangchichix na naman ba siya? Kung ganon, sana sinabi niya sa akin. Mas okay pa yun kesa sa mga iniisip ko. Mga iniisip ko? Nagddrive siya sa isang deserted place tapos nakatulog siya at nabangga sa puno ng buko o kaya naman, pagkatapos niya pumunta kila Katy, masyado siyang na-guilty sa mga ginawa niya sa aming dalawa at naglaslas siya o uminom ng asido. Tss, uso pa naman ang suicide nowadays.

Seryoso ako, hindi ako nagbibiro!!! Naiisip ko talaga yan!

"Rylie..." Hinabol ako ni Justin. Nasa labas na kami ng gate. Konting takbo lang para makarating sa paradahan ng tricycle. Konting takbo na lang, Rylie. Wag mo siyang papansinin!!!

Pero dahil nga malaki legs niya, kahit tumakbo at maglakad siya, mahahabol at mahahabol niya ako kaya nga nahabol niya ako ngayon. Huh labo ko! Hahaha! Hinawakan niya arm ko pero inalis ko ito at tumingin ng masama sa kanya.

"What did I do, again?" He asked na nanlalambot. Wala pa siyang tulog!!!

Umiling ako at nag lakad na.

"Rylie!" He brushed his hands through his hair.

Tiningnan ko ulit siya ng masama. Hindi ako pwedeng mag salita!!!

"Okay... Sorry. Sorry na pero bakit? Anong ginawa ko? Tell me, please..." Naffrustrate na talaga siya sa akin. Pansinin ko na nga! Pero ngayon lang!!!

"Oo nga naman. Ano bang ginawa mo? That's the point. Wala kang ginawa!" Lumapit ako sa kanya at sinipa siya ng bonggang bongga. Instead of mag react sa pagkasipa ko, binigyan lang niya ako ng confused look.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon