CHAPTER FORTY ONE

220K 3.8K 802
                                    

A/N: https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP

7 PM, nakarating ako kila Josh. Nasa living room nila kami at nakaupo sa sofa. Walang tao sa bahay nila, siya lang. Wala naman silang katulong kasi hindi na kailangan. May merienda na hinanda si Josh pero hindi ko siya makain kain dahil sa kaba.

"Now tell me..." I said kaya nag simula na siyang mag kwento.

*FLASHBACK*

"Josh, I need your help!" Si Selena. Matagal na kaming break, pero hindi pa din niya ako tinitigilan. Oo, minahal ko siya pero minahal nga eh, past tense! Nagsisisi nga ako kung bakit ko pa siya pinatulan eh ang alam lang nila, magmaganda, umarte, mainggit, at kung anu ano pa. Ako naman si gago, sunud sunuran. 

"Selena, ano na naman ba? Ayoko na sabi eh," Isasarado ko na sana yung pinto ng bahay namin pero pinigilan niya. "Gusto mong bumawi kay Rylie, diba?"

Huminga ako ng malalim at pinapasok na siya sa loob. 

"Ano ba yun? Siguraduhin mong maayos yan."

"Oo nga! Ganito kasi, may babae na kumausap sa akin kanina tapos sinend niya 'to sa phone ko. Nagulat ako kasi may number din niya ako. Nakalimutan ko na pangalan eh, pero basta, watch it na lang!"

Pinanood ko yung video. Nagulat ako kasi si Justin yun, may kasamang babae. Sinabi niyang hindi niya mahal si Rylie. Tangina! Ang lakas mag salita ng gago na 'to na gago kami eh pare parehas lang naman pala kaming gago.

"Anong balak mo?" Tanong ko kay Selena.

"Ikaw nga ang tatanungin ko eh. Anong balak mo?" Binalik niya sa akin yung tanong. Pagkatapos ng ilang minuto, may tumawag kay Selena. Pagkababa niya ng phone, sabi niya, naglaslas daw yung kaibigan ng babae na kumausap sa kanya kanina dahil kay Justin. Nasa hospital siya ngayon. Fuck Justin. Fuck him!

"Nasa EK daw sila Rylie at Justin," Sabi ni Selena.

Tumayo ako pero nakatingin lang siya sa akin. Kinuha ko yung susi at jacket ko.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na!" Sabi ko sa kanya dahil hanggang ngayon, nakaupo pa din siya. 

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"Malamang, sa EK! Ikaw kumausap kay Rylie, ipakita mo sa kanya yung video. Ako kakausap kay Justin at papapuntahin ko doon sa nagpakamatay na babae."

"Alexa pangalan niya..."

"Alexa." Inulit ko saka kami umalis.

Gabing gabi nang makarating kami. Tinawagan ko si Justin at pinuntahan kung nasaan siya. Sinabi ko sa kanyang puntahan niya si Alexa. Totoo naman eh, kailangan siya ni Alexa. Pinuntahan naman niya siya.

Nakita ko si Justin na sinagot yung phone niya. Baka si Rylie... Napanood na kaya niya?

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon