CHAPTER FORTY TWO

190K 3.5K 349
                                    

FACEBOOK PAGE--> https://www.facebook.com/HopelessRomanticWP or click the external link. 

The doctor said he's in coma. Ang daming tao. Nandito yung parents ni Tyler pati sila Janine and Jenine. Nandito din sila Aisha, Christian, Ariza, Dylan, Katy, Lynne, Brylle, and Josh. It's been 9 hours pero di pa din siya nagigising. 

Naaalala ko, pag dating ng parents ni Tyler kanina, akala ko sasampalin ako ni Tita pero nagulat ako kasi bigla niya akong yinakap ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Sorry ako ng sorry sa kanya. Alam kong hindi sapat ang sorry but it was all I could ever say. Kiniwento ko kasi yung mga nangyari kaya alam nilang dahil sa akin, nabunggo siya.

Yes, I'm blaming myself. It was all my fault.

"Rylie, magpahinga ka muna. Wala ka pang tulog," Sabi ni Dylan. Nandito kami ngayon sa labas ng room ni Tyler. Nasa loob pa kasi yung parents niya and the twins. Ayaw naming istorbohin. Actually, pinapapasok nga kami pero sabi namin, kailangan nila ng time together.

I shook my head, "Hindi din naman ako makakatulog. Thanks na lang Dylan." Hindi ako makangiti kahit gustuhin ko man. 

"Ry, you have to rest. Ni hindi ka pa nga kumakain eh. Pinapatay mo ba sarili mo?" Sabi naman ni Christian. Hindi naman nila ako kailangan intindihin. Buhay pa ako, wala akong sugat, at makakakain din naman ako pagkatapos lahat ng nangyayari. 

"Guys, ano ba. Okay lang ako."

"Okay? Talaga? Rylie, sa itsura mo ngayon. Lahat ng tao na makakita sayo, iisiping hindi ka okay. Look at yourself. May blood pa yung shirt mo," Sabi naman ni Ariza.

Alam kong nag-aalala lang sila pero ayoko talaga. 

"I'm oka- Alexa?" Sabi ko noong nakita ko siyang paparating. She looks worried and sad. I don't know. Ayoko na mag-isip!

"That bitch," Aisha murmured. She stood up at nag lakad papunta kay Alexa. "This is all your fault. Kasalanan mo 'tong lahat, you should die." She slapped Alexa.

Hindi ako nagsasalita. Naalala ko yung video. Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis. Hindi ko na alam. Wala na akong alam!

"Rylie, can we talk?" 

"No!" Katy shouted. "Hindi pwede. No, Alexa. You can't talk to her."

"Rylie?" Alexa looked at me and I nodded. Yup, mag-uusap kami.

I looked at them and mouthed, "It's okay."

Nag decide kami ni Alexa na sa cafeteria na lang ng hospital kami mag-usap. Wala naman masyadong tao kasi maaga pa.

"Ry, I have something to say."

Hindi ako nagsasalita.

"Listen to me."

I nodded again pero isang beses lang.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon