CHAPTER SIX POINT FIVE

291K 4.3K 467
                                    

10th date: I texted "no" na ulit kay Josh.

Naluha na lang ako dahil sa hindi ko alam na dahilan. Nakakainis! Ewan ko pero biglang bumaba na naman self-confidence ko. Pangit ba ko? Ang daming nagsasabi na maganda ako pero bakit parang wala naman akong mahanap?

Gosh Rylie! Naiiyak ka kasi wala kang mahanap na lalaki? Really? Ughh! This is sht. Ganito na ba ako kadesperada magkaroon ng lovelife o gusto ko lang talaga mapalitan si Justin? Ayoko na! Pwede bang alisin na lang talaga puso ko? 

Hay ewan. Ayoko na magkapuso. 

Pumasok si Josh... 

"J-J-Josh?" Nanlaki yung mata ko kasi bigla siyang gumwapo? Hahaha! Nakabihis kasi siya, as in formal talaga. Nahiya naman ako bigla sa suot ko. Helloooo?! Haggard na haggard na ko tapos siya may time pa para mag retouch. Nadaig ako. Bongga siya!

"Wait, papakagat lang ako sa aso."

Hindi kasi ako makapaniwala e. Feeling ko nananaginip ako. Ang gwapo kasi e. Ba't ba kasi siya nakaayos? Naaalala ko tuloy yung mga times na crush na crush ko siya, geez! Ang fresh niyaaaa. Ako nga, natanggal na eyeliner ko eh. Buti waterproof kaya hindi umitim luha ko. Sht. Nahihiya talaga ako. I look so haggard and stressed T___T

Nakasmile lang siya sa akin...

"Huy, ano meron?" Sabi ko.

Medyo kinakabahan ako... Oh no! Ayoko mag expect!

Lalo akong umiyak, "UWAAAAAAA!"

"Ano ba Rylie, baka akalain nila pinapaiyak kita," Lumapit siya akin at lumuhod para magkatapat mukha namin, "bakit ka ba kasi umiiyak?"

Umupo siya sa tapat ko tapos biglang may nag violin sa harap namin. Shockness! Di pa din ako humihinto sa kakaiyak.

"Josh, ako pa din si Rylie. Ako pa din yung dating Rylie. I'm still weak. Ang baba pa din ng tingin ko sa sarili ko..." Yumuko ako.

"Shh. Ano ka ba. Wag mo ngang sabihin yan." 

"Alam mo ba kung bakit ang bitter bitter ko?" Nakatingin lang siya akin na parang naaawa. Ayoko siyang maawa pero kailangan kong ilabas 'to...

"Naiinggit ako sa mga nakikita ko. Naiinggit ako sa mga mag partners na sobrang tagal na pero sweet pa din, naiinggit ako sa dalawang matandang nakita ko sa jeep kahapon, naiinggit ako sa mga napapanood ko sa TV. Para kasing ang labong mangyari sakin nun e. Feeling ko walang seseryoso sa akin. Ewan, sobrang loser ko na."

"Kuya, sige po pwede na po kayo umalis. Salamat ho," Sinabi niya sa mga tumutugtog. Nag bow lang yung mga tumugtog, nag thank you, at umalis na.

"Let's go, Rylie?" Tanong niya. 

"Where to?" 

"Basta!" Nag sigh siya at inalalayan ako tumayo kahit kaya ko naman.

"Wait, yung bayad mo." Sabi ko. 

"Wag na," Sabi niya na parang ready na ready na siyang umalis. 

"Ha? Ano ka ba Josh. Wag ka nam-" 

"Nabayaran ko na, okay na? Happy? Tara na!"

"Wait kasi, saan ba tayo pupunta?" Pangungulit ko sa kanya.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" Nag pout lang ako tapos nag okay kahit umiiyak pa din ako. 

Sumakay na kami sa kotse niya pero walang nagsasalita kahit isa sa amin. Oh gosh, this is so awkward. After ilang minutes, nagulat ako noong ipasok niya yung kotse sa parking lot ng isang condominium at huminto. 

"O-o-oy Josh! Ba't nandito tayo?" Tanong ko.

Nasa loob na kami ng condo. Hindi sa room ah! 

"Trust me," He said.

Hindi na nga pala ako umiiyak pero namumugto pa din yung eyes ko and sabog pa din voice ko. Namamaga din ilong ko. Hay nakita ko nga sa salamin eh, pulang pula. Define Rylie!

Sumakay na kami sa elevator. Nasabi ko na ba sa inyo na medyo may trauma ako sa elevator? Hay basta. Magkkwento ako soon but not now. Nawweirdohan kasi ako dito kay Josh eh.

Bumaba na kami at laking gulat ko sa nakita ko.

"A-a-ang ganda."

Nasa rooftop kami. Ang daming lights! BTW, takot ako sa heights kaya nga hindi ako masyadong pumunta sa harang pero kahit nandito ako, nakikita ko yung mga ilaw ng houses. Ang tahimik din! Ang taas kasi ng condo ni Josh e.

"I know. Sige na, sigaw na."

"H-h-ha?"

"Sumigaw ka na. Dali, promise effective!"

"Josh?"

"Dali na! Ano ka ba Rylie, parang hindi mo yan napapanood sa TV ah. Noong una medyo hindi ako naniniwala na if you let it all out, mawawala lahat ng sakit. Uh yes, hindi totoo na mawawala lahat ng sakit pero at least, malelessen yung pain."

"Sure ka? Baka magalit sila sa akin."

"Hindi yan! Naka-lock yung door oh."

"O-okay." Inhale. Exhale.

"HOY KAYONG MGA LALAKI! BAKIT BA KAYO GANYAN?!"

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon