CHAPTER NINETEEN

259K 3.5K 226
                                    

After he walked out, hindi ko siya sinundan. Bakit ko naman siya susundan? Tsss! Naiinis pa din ako sa kanya, okay? Hindi siya sumagot sa mga tawag ko, wala siya buong araw kahapon, tapos pag kahatid niya sa akin kagabi, di man lang niya ako ginising. Ughh! Paano kung hindi ako nagising? Eh di hindi ko nagawa mga kailangan kong i-pass ngayon?

Hindi man lang nagpaalam kagabi...

WTF AM I THINKING?!

"What?" I asked.

Nakatingin kasi silang lahat sa akin!

"Hala ka, Rylie!" Sabi ng VP namin. 

"What did you do, Ate Ry?" Sabi naman ng isang member.

"I didn't do anything," I said. Wala naman talaga akong ginagawa!

"Hay nako, sundan mo na! Kanina pa badtrip yun e. Ikaw naman ang president kaya sundan mo na. We are your responsibilities," Sabi na naman ng VP. 

"Pero bakit ko naman siya susundaaaaan?" Nakakafrustrate sila ah!

"Rylie, sundan mo na. Nagseselos ata," Sabi ni Lawrence pero pabulong lang. I growled and walked out of the room. I followed Justin at sakto, pasakay na siya ng elevator.

"WAIT!!!" Sigaw ko sabay takbo at pigil sa door ng elev. Hindi nag react si Justin noong pumasok ako at sinara na yung pinto. Bwisit! 

"Ba't ka nag walk out?" Tanong ko.

He just shrugged his shoulders. Baliktad ata? Dapat ako ang di pumapansin e! Anyare? Ba't biglang ako yung sumusuyooo?

Nakababa na kami ng elev ng hindi nagsasalita. Puro buntong hininga lang nagawa namin. Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa makarating kami sa likod ng isang bulok na building sa school. Katakot!!!

"Bat nandito tayo?" Tanong ko.

Ginulo niya yung buhok niya, "Who is he? Kaya ba hindi mo ako pinapansin dahil sa kanya?" 

"WHAT?!?!?!?!" Gulat na gulat kong tanong.

Imbis na mainis, natawa ako!!!

"Hahahahahahahaha pucha, seryoso ka bang nagseselos ka?! Hahahahahahaha! Kakaiyak ka. Hahahahahaha! Di kita kinakaya," Haaay sakit sa tiyan. Hahahaha!

Tumigil ako sa pag tawa pero halatang inis pa din siya. Hala?

"Hay nako. Hindi mo ba kilala yun? Si Lawrence yun!!!"

"Sino si Lawrence? Ex mo?" Tanong niya kaya sinapak ko siya.

"Gags, hindi! Si Lawrence Fiasco... Siya yung nambubully sa akin noong elementary. Gumwapo siya, no?" I smiled.

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon