Chapter 6

7.5K 55 6
                                    

(Nakaraan)

Pinatay ko na yung kalan at inilagay na sa lalagyan ang adobo. First genuine smile, first talk about something na hindi related sa work, first compliment dahil lang sa adobo. Ngumiti ako. Then, totoo nga yung quote na.. A way to a man's heart is through his stomach. 

MABUHAY ANG ADOBO! Hahaha. 

Chapter 6

Tara's POV

Dahil sa adobo incident, napaisip ako na siguro, kung hindi na talaga ako makakawala sa so called marriage na ito, pwede pa rin mag-work to. Naisip ko na napakarami pang possibilities ang pwedeng mangyari, na I can't just say na wala na tong pag-asa when I actually know na meron. Almost two days na ang nakaraan simula nung adobo incident pero heto ako, in good mood pa rin. Minsan lang nangyari yun, pero long lasting ang epekto. Grabe. Hahaha.

"Hey. You're daydreaming." Sabi ni Bianca, na winawagayway pa ang kamay sa harap ng muka ko.

Pinalis ko yun. "Ano ba?"

"Alam mo Ta, kung di lang kita kaibigan, iisipin ko na nadrudrugs ka."

"Ewan ko sayo." Nandito kami ngayon sa mall at kumakain ng lunch. I invited her wala akong makasama.

"Ano ba kasing nangyari at bigla bigla ka nalang natutulala at napapangiti? ----- Wait?! Don't tell me, may nangyari na sa inyo ni Kent?! My! Ta, hindi ka na vir---hmm!"

Tinakpan ko ang bibig nya at napatingin sa mga taong nasa loob ng restaurant. May ilan ng nakatingin sa table namin. I shyly smiled at them. "Hoy Bianca! Gusto mo ba akong mapahiya sa mga taong nandito? Sa lakas ng boses mo, you caught almost everyone's attention! And the worst, you're blabbing about something personal! A thing na never kong winish na ipaglandakan sa iba!" I said, bumubulong, but putting emphasis on the words I said.

"Sorry." She flashed a remorseful smile. "So ano na? May nangyari na ba sa inyo?"

"Wala!" Tss. Grabe. Naiinis talaga ako dito kay Bianca. 

She poked my hand that was resting on the top of the table. "Frienddd, wag ka ng magalit. I'm sorry na." Eto pati ang sign na we really know each other. Alam niya kapag she crossed her line. Alam niya kapag galit na talaga ako.

"Ewan ko sayo Bianca." Sumenyas ako sa waiter for the bill.

"Taaaaaa, wag ka ng magalit. Naman oh."

"Kasi! Bakit ka ba pinanganak ng may malakas na boses? Hay! Naman kasi Ca! Di naman ako proud na virgin pa ko kasi may asawa na ko! Hello?! Virgin na may asawa? Tapos 3 years na kaming kasal! Feeling ko tuloy hindi ako sexy at attractive pag ganun. Para kang yung asawa ko."

Oo, may isang malaking letter V sa noo ko. It's been 3 years pero my dear husband never showed any signs na he finds me attractive. Yes, I shared a couple of kiss, yung iba't iba pang kinds of halik pero take note, hindi sa asawa ko. Nagkaboyfriend at mga flings din naman ako before kami ikasal. Pero I never tried to do IT. I set my limits. Di ako cheap na basta basta nalang ibibigay ang lahat lahat sa akin just for pleasure.

"Namaaan. Kaya nga sorry na Ta." Dumating na yung bill. A thought striked. I smiled. "Hoy. Bakit ka naman nangingiti jan?"

"Patatawarin na kita for what you've done kanina, just pay the bill."

EVERYTHING ARRANGED [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon