Chapter 34

229K 2K 31
                                    

CHAPTER 34

Alas nuebe na ng gabi nang makauwi kami ni Dylan dito sa Manila. Nakakapagod man ang byahe, worth it naman.

We spent our last day sa province na kaming dalawa lang. Sight seeing, swimming, surfing (syempre si Dylan lang yung nagsurf) and food trip magdamag. At shempre, bago kami tuluyang umalis sa hotel, gumawa muna kami ng napakagandang memory sa rest house na iyon. Alam na. Hehehe.

It was perfect.. napakasaya na kaming dalawa lang ni Dylan ang nandoon, pero nagtataka rin ako kasi parang bula na nawala si Monica. Hindi ko na rin naman tinanong kay Dylan kasi to be honest, wala naman talaga akong pakialam sa babae na yun. Panggulo lang sya eh.

As much as I want to sleep over sa condo ni Dylan, he promised my mom na sa bahay nya ko iuuwi. Nakakainis naman eh! I want to be with him. Uhh. Kahit na tatlong araw ko syang kasama, I still want to be with him.

We spent the rest of our sembreak together. Minsan  lumalabas kami para magdate pero mas madalas yung andito kami sa bahay, may times din naman na dun ako sakanila.

Back to school for the second semester, sabay kam ni Dylan na naglalakad patungong cafeteria habang magkahawak ang kamay. May mga ibang tao pa rin talaga na di maiwasan ang pagbulungan kami habang naglalakad. What's new? Ang tagal na namin ni Dylan na ganito pero kung makapagreact naman eh akala mo bago pa lang kami.

Nasa may entrance pa lang kami ng cafeteria ngunit tanaw na tanaw ko na sila kasama sya. Nanliit ang mga mata ko.

"What is she doing here?" Mahinang tanong ni Dylan na para bang parehas kami ng naiisip. Medyo nagulat ako sa reaction nya although, pinagkibit balikat ko na lamang ito.

Habang papalapit kami ng papalapit sa table na kinaroroonan ng mga kaibigan ni Dylan, lalo kong naririnig ang kasiyahan sa mga tawa nila. Close pala sila?

"Oy, andito na pala hinitintay ni Monica eh!" Sigaw ni Jeff na nakakuha naman ng atensyon ng mga nasa cafeteria.

Hinihindat daw ni Monica? Si Dylan? Why?

"Hey. Dylan!" Masayang bati ni Monica habang tumatakbo papalapit samin. Gusto ko sanang hilain palabas si Dylan at sabihan si Monica na akin lang si Dylan pero naramdaman ko ang mahigpit na pagpisil ni Dylan sa kamay kong hawak nya.

"What are you doing here, Monica?" He hissed. Is he mad? I'm confused.

"I'm just here to pay you guys a visit!" ExciTed nyang tugon bago sya bumaling sakin. "Oh, you're here." She smirked. What the eff? "Let's go?!" Aniya sabay hila sa kamay ni Dylan na nakahawak sa kamay ko.

My jaw dropped.

What the?

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon