⇜CHAPTER 15⇝

1.9K 24 1
                                    

        “Ayokong layuan ka. I like being with you....pero kung iyon talaga ang gusto mo... sige. I will stay away from you.”

Kusang dumilat ang mga mata ko. Idinampi ko ang hintuturo sa ilalim ng kanang mata ko at pinagmasdan iyon. Basa. Putcha umiiyak na naman ako.

It has been 9 days since the night of the ball. Pero napapanaginipan ko pa rin ang mga eksena nang gabing iyon. At nagigising akong umiiyak.

            “... sige. I will stay away from you.”

            Umalingawngaw sa utak ko yung huling sinabi ni Jeremy bago niya ako iniwan sa labas ng hotel. Tinotoo nga niya iyong sinabi niya. Hindi na nga niya ako iniistorbo. Hindi niya na ako kinakausap. Hindi niya nilalapitan. Ni hindi niya tinitingnan. Parang hindi ako nag-e-exist. Gaya noong dati. Walang pumapansin sa akin.

            Shet. He really did change my life. Sabi ko sa isip nang ma-realized ko ang pagbabago sa buhay ko simula nang makilala ko si Jeremy.

        Nakarinig ako ng mahihinang katok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ako sumagot pero narinig ko din na bumukas ‘yung pinto. Tapos naramdaman ko ang pag-upo ni ate sa gilid ng kama. Hindi ako umimik. Hindi ko rin siya tiningnan.

      “Izha,” tawag-pansin sa akin ni ate gamit ang nickname ko. Walang creativity noh?

           “Okay ka lang ba?”

          Hindi pa rin ako umimik. Basta naiiyak lang ako. Ayokong magsalita. Emo mode ako ngayon eh.

          “Ilang gabi ka na raw umiiyak sabi ni mama.”

          Napatingin ako sa kaniya.

          Alam ni mama?

         “Naririnig niya daw ang mga hikbi mo sa gabi.”

         “Ha?” Malakas ba hikbi ko? Pinipigil ko na nga eh para hindi nila marinig. Sabi ko na nga ba may super powers ‘tong si mommy.

        “Mothers can sense when her child is in trouble, you know? Or when her child is sad. ...when she’s in pain.”

         Natigilan ako sa sinabi ni ate.

      “That’s something that I realized noong naging mommy na rin ako,” dugtong niya.

        Tumungo na lang ako. Tapos balik emo mode. Naiyak na naman tuloy ako. Amputcha naman. Ayaw tumigil ng luha ko sa pagtulo.

        “What’s wrong baby sis?”

        Iiling na lang sana ako saka papalabasin si ate kaso I suddenly got this urge to spill things out to her. Somehow I wanted to find comfort and ate never fail to give me just that. Comfort.

          “Bakit ganun ate?...bakit ang hirap?”

Ikinuwento ko kay ate yung mga nangyari between me and Jeremy’s ex. Kung paano kami nagkakilala ni Jeremy. Saka ‘yung nangyari noong ball. And how Jeremy started to avoid me like a plague.

      “Hindi naman kami close. Hindi ko naman siya crush. Hindi rin kami friends. Pero bakit parang nagsisikip ang dibdib ko? Parang mauubusan ako ng hininga.”

“Tell me about him.”

“He’s the most annoying guy I have ever met in my life. Magnanakaw siya ng pagkain, matakaw na parang laging tag-gutom at isa siyang jerk. Palagi niya akong inaasar. At wala siyang table manners. He’s such a pain in the butt.” I rolled my eyes. 

“But?”

Bumuntung-hininga ako.

“But...he’s also sweet. And thoughtful. And no matter how annoying he is I still find him adorable. He has the ability to make me feel special,” I said with a smile curved on my lips. Para akong nangangarap habang dini-describe ko si Jeremy kay ate. And it made me realized something.

“I miss him,” mahinang sabi ko.

“Go on.”

“Dati walang pumapansin sa akin. Walang nag-a-acknowledge ng existence ko sa Junifers. Wala akong kaibigan. But when I met Jeremy, for the first time somebody noticed me. For the first time somebody spent time with me. Somebody shared his opinions with me. Somebody listened to what I have to say. Somebody saw me. And suddenly, I was not invisible anymore.”

Pinunasan ni ate ang luhang pumatak sa magkabilang kong pisngi. Noon ko lang namalayan na umiiyak ulit ako. I turned to meet her gaze.

“Ayoko nito ate. Masakit sa dibdib. Mabigat sa pakiramdam. Sana hindi ko na lang siya nakilala. I mean, look at all those troubles that I could have avoided if I didn’t meet him.”

A moment of silence engulfed us. Naks! Ang drama. Tapos narinig ko si ateng kumanta para sa akin.

Who do you think you're kiddin'

He's the Earth and heaven to you

Try to keep it hidden

Honey, I can see right through you       

She lightly touched my nose.

Girl, you can't conceal it

I know how you feel and

Who you're thinking of….

You keep on denying

Who you are and how you're feeling

Baby, I’m not buying

Hon, I saw you hit the ceiling

Face it like a grown-up

When you gonna own up

That you got, got, got it bad….

No, don't be proud

It's O.K. you're in love

She held my face and gently kissed my forehead. Then she left me alone in my room. I was left puzzled.

“I’m... in love?”

Ang Love Gurung Walang BoyfriendWhere stories live. Discover now