chapter 4.2

2.3K 31 8
                                    

             Naagaw ang pansin ko nung cheesecake at orange juice na inilagay sa table ko nung bagong dating. Tapos tiningnan ko siya na ngayon ay kampanteng nakaupo na sa katapat ng silya ko.

                “For you,” sabi niya with matching serious face.

                Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kaniya.

               “Kapalit ng cheesecake mo.”

               “Thank you.”

             Hinila ko yung platitong may cake palapit sa ‘kin pero pinigil niya ko. Napatingin uli ako sa kaniya.

             Sumenyas lang siya ng “wait” gamit ang pointing finger niya. Tapos dumukot siya sa bulsa ng trouser at inilabas ang isang snack size na m&m’s. Binuksan niya iyon at ini-arranged yung laman sa ibabaw ng cake sa hugis na puso. Nung matapos siya saka niya ibinalik yung cake sa akin.

                 “I’m sorry for getting you in trouble.”

                 He got up from his seat, touched my left cheek and left.

              Nay! Ano yun? Parang may kuryente yung mga daliri niya. Magician kaya siya? nagtatakang tanong ko sa sarili.    

                Strange but...I liked it.

               Yes, that is strange. Kasi hindi naman kami close ni Istorbo. Saka di naman kami friends. Lagi nga kaming nagbabangayan eh. Saka lagi akong asar sa kaniya. Kaya it’s a surprise to me talaga na his simple gesture would make me feel better. Na it has the power to make my anger towards him disappear. So all is forgiven na. Parang walang nangyari.

                 I smiled at the idea.

                Bago makalayo si Istorbo ay lumingon pa siya sa ‘kin saglit bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Ano kamo? Ahh…hindi. Hindi ako lumingon. Busy nga ako sa pagmumuni-muni di ba? Paano ko nalaman na lumingon siya? Tanungin mo yung author. Abnormal yun eh. Alangan naman kasing nakita ko di ba? Kahit naman akong bida dito wala naman akong mata sa likod.

                  Pero hindi ko talaga alam na lumingon siya. Sinabi ko lang yun para malaman nyo. Eh syempre ako rin ang narrator dito so ako din magsasabi nun di ba? Meheheheheehhe

                Aaaaanyway, so ayun nga. I have this sweet smile plastered on my face.

                Kinuha ko yung tinidor para simulan nang lapangin yung cheesecake. Long overdue na kasi eh. Kaso yung mesa na naman yung natinidor ko. Nawala na naman yung cake.

               Next thing I knew, may naghilamos nung cake sa mukha ko hanggang sa mahaba kong buhok.

              Ano ba author? Isinumpa ba ko ng mga cheesecake at ayaw mo kong pakainin nun? Pangatlong beses na to ha!

                 Tinanggal ko yung cake sa mga mata ko tapos tumingala ako para makita kung sinong herodes ang naghilamos sa ‘kin ng cake.

                “Ikaw na naman?!” Yung babaing impaktita pala.

           “Ano bang problema mo?” naiiritang tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ng tissue yung mukha ko.

                “Oh you still don’t know?”

                “Magtatanong pa ba ko kung alam ko na?”

                 Nagtaas siya ng kilay bago sumagot.

                  “Layuan mo si Jeremy.”

                “Who?” kunut-noong tanong ko. Hindi talaga kasi nagri-ring a bell yung name na Jeremy.

                    “He’s mine. Kaya tigilan mo nang kakalandi sa kaniya.”

                    “Eh sino nga yung Jeremy?”

                   “Huwag ka nang magmaang-maangan pa. You know who I’m talking about.”

                     “Sinabi na ngang hindi eh.”  

                    “You shared your umbrella with him last Friday. And you were TOO close to him.”

                    Umbrella...Friday...too close...ding! Light bulb switched on!

                    “Aahh...si Istorbo ba?”

                  “My God, you even have a nickname for him!” maarte niyang sabi. “What a slut!”

                    “Eh?...slut? Kaartehan bang tawaging istorbo ang isang tao?”

                      “Tigilan mong kakalandi kay Jeremy. I’m warning you, he’s mine.”

                     “Oh eh di sayo na. Inaagaw ko ba?”

                      “You were buying him lunch for heaven’s sake! Don’t deny it. I saw you. Ang arte-arte mo.”

                   Kelan pa naging kaartehan ang awayin yung lalaking nang-aagaw ng payong mo sa gitna ng ulanan? At ang parang pagko-commit ng suicide dahil sa pagpila sa cafeteria in the middle of hungry students para lang ibili ng pagkain ang lalaking NANG-AGAW NG CAKE MO? 

                  “Ah iyon ba? O di ikaw na lang bumili ng lunch niya. Sige suportahan pa kita. Banner gusto mo? Basta sabihin mo lang kung kelan ha, para makapag-prepare ako ng popcorn,” sarkastikong sagot ko habang nai-imagine ko ang pagbubuwis-buhay niya kung sakaling ibili nga niya ng lunch si Istorbo. Grabe deserve talaga nun ang popcorn.

                  “Don’t you talk to me like that. I don’t appreciate the sarcasm.”

                “And I don’t appreciate the free facial and hair treatment. Pero hindi naman ako madamot so eto...”

                 Pinulot ko yung pinakamalaking piraso ng cake na nakita ko sa sahig bago inihilamos ko yun sa mukha nung babaing impaktita.

                      “...hati tayo.”

                I gave her a quick smile, Istorbo-style, and left her with her pretty (annoying) little friends, stunned. Nagdiretso ako sa ladies’ room.

Ang Love Gurung Walang BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon