⇜CHAPTER 12⇝

2K 25 2
                                    

            Huminga ako nang malalim nang matanaw ang ex ni Jeremy na papalit sa kinaroroonan ko. Nakaupo ako ngayon sa isa sa mga wooden bench sa likod ng Sakura building. It was the same bench kung saan nakaupo si Soshi noon bago siya nagpaalam sa akin na aalis na siya. A cloud of sadness hugged me as soon as maalala ko si Soshi. I really miss him.

            Jeremy’s ex stopped in front of me.

            “Get lost.”

            Umiling ako.

            “I don’t have time to deal with you right now. I’m meeting someone here, so kung ayaw mong malaman ang lasa ng damong tinatapakan natin, hindi ka na magmamatigas.”

            I looked directly at her beautiful eyes before I answered so she’ll know that I’m about to tell her the truth.

            “Alam ko.”

            Nangunot ang noo niya.

            “Alam kong may kakatagpuin ka dito ngayon dahil ako ang katagpo mo.”

            “What?”

            “Ako si Heart,” I confessed.

            She fell silent. Parang tinatantiya niya kung nagsasabi ako ng totoo or I just told the biggest joke of my life. Sabagay kung ako sya baka ganyan din ang maging reaction ko. I mean the girl that you asked for an advice turned out to be the girl that you hate! And she asked you to meet her to help you out? Sounds suspicious, doesn’t it? Oo. Yan ang sagot ko sa sulat niya kay Heart. Na i-meet ako ngayon dito para matulungan siya. I said bibigyan ko siya ng personal advice. And I told her na mas mabibigyan ko ng atensyon ang situation niya kung personal kaming mag-uusap about it. I can’t believe it but she agreed. She must really be desperate.

            “Don’t make me laugh,” she mocked with an unconvincing laugh. Alam ko she knows I’m telling the truth. Hindi nya lang siguro matanggap. So I just stared at her trying to look as serious as I can be.

            “This is ridiculous,” sabi niya maya-maya. “So what? Pinapunta mo ako ngayon dito para pagtawanan ako? It would make a good headline for your stupid newspaper, wouldn’t it? The girl who’s making your life miserable is asking for your help.”

            “Ano’ng pangalan mo?”

            “Ha?”

            “Oh wait. Hindi ka siguro sanay sa tagalog. I said what’s your name?”

            “Don’t be stupid! Nakakaintindi ako ng tagalog.”

            “Ok. Well then, ano’ng pangalan mo?”

            “Why would I tell you my name?”

            “Mas maganda naman kung at least alam ko ang pangalan ng taong tutulungan ko di ba? Mas madaling mag-usap at nakakabawas ng awkwardness.”

            She looked at me for a while. I can tell na she was taken aback sa sinabi ko. I know it’s totally unexpected.

            “Myla,” sabi nya maya-maya.

            “It’s nice to meet you, Myla,” I said sabay abot ng kamay ko na tiningnan lang niya.

            “Sinabi ko lang sa’yo ang pangalan ko para alam mo ang pangalan ng taong sisira sa pangalan mo.”

Ang Love Gurung Walang BoyfriendWhere stories live. Discover now