⇜CHAPTER 7⇝

2.1K 26 8
                                    

      “Hi Frenchie,” bati ko sa editor ng Informed Students pagkapasok ko sa loob ng headquarters ng school paper namin.

      “Hi Akiezha. Good job on your first assignment. Ang galing mo, ang daming humanga sa mga advice mo.”

      “Ah...oo, kakagulat nga eh,” nagkakamot ng ulong sabi ko. Nahihiya kasi ako sa papuri ni Frenchie. Hindi ako sanay.

      “Seems like you have a gift.”

      “Gift?”

      “Oo. A gift of wise words.”

      Natawa ako, AS IN. Halos di nga ako makahinga sa kakatawa eh. Alam mo yun, super namimilipit na ‘ko sa kakatawa pero di ko mapigilan.

         “Bakit ka tumatawa,” kunut-noong tanong niya.

      “Ikaw kasi, may pa-gift-gift of wise words ka pang nalalaman. Saka ano bang wise words eh hirap nga akong makakuha ng A sa mga exams ko.”

      “Iba naman yun. Academics naman kasi yun eh. Yung gift of wisdom mo is about life and giving something like an ‘instruction’ to people about it.”

      “Ang lalim naman nun. Kakaloka.”

      Si Frenchie naman ang natawa.

      “Nga pala bakit mo ba ako pinatawag?”

      “Ah,” sabi niya bago parang may naalala at tumalikod. May kinuha siyang katamtamang laking kahon na puno ng mga sulat at inabot sa akin.

      “Ano ‘to?”

      “Your next assignment.”

      “Eeeehhhh!”

      “May sakit pa rin yung regular natin eh. Saka sayo kasi lahat naka-address yang mga ‘yan.”

      Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa mga sulat na nasa kahon. Punung-puno yung kahon, ang dami talagang sulat.

       “Sure ka ba sa akin lahat naka-address ‘tong mga ‘to?”

      “Oo naman. Sinort-out namin yan nung ibang staff members kanina which was a waste of time dahil para nga sa’yo lahat yan.”

      Tumangu-tango ako, hindi maitago completely ang ngiwi sa mukha ko.

      “Don’t worry, like before hindi mo kailangang sagutin lahat yan. Hindi mo rin kailangang basahin lahat kasi all you have to do is pick a few to answer. Kung sasagutin mo yung first 4 letters na babasahin mo then you’re done.”

      I know it seems simple kung ganun nga ang gagawin ko. But I know myself. My curiosity would make me read all of these.

      “I guess I better get going para makauwi na ‘ko. Dami ko pang babasahin.”

      “Sige. Goodluck,” nakangiting sabi niya.

    Nagmamadali akong naglakad papunta sa parking lot kung saan naghihintay si Daddy sa ‘kin. God, ang bigat nitong kahon. Kahit sulat lang ang laman super dami naman. Daig ko pa may bitbit na dumbel.

      “Akiezha, saan ko ba ibababa ito?” tanong sa akin ni Daddy nang makapasok kami ng bahay. Buti na lang tinulungan ako ni Daddy na magbuhat ng kahon.

      “Sa room ko na lang Dad.”

      Sumunod si Daddy sa akin sa room ko sa second floor. Pinagbuksan ko siya ng pinto para makapasok siya sa loob. 

      “Haa! Ganun ka ba talaga kagaling mag-advice, anak?” tanong ni daddy pagkababa niya ng kahon sa tabi ng kama ko.

      “Ba’t parang di ka naniniwala?” nakangusong tanong ko.

      “Hindi naman sa ganun. Nagulat lang ako sa dami ng sumulat sa’yo.”

      “Pati nga ako nagulat din eh. I just don’t get why those girls would rather ask for an advice from someone they don’t know instead of just figuring out things on their own. I mean, hindi naman ganun ka-complicated yung mga tanong nila.”

      “Iba-iba kasi ang tao, Izha. At bihira sa tao ang maagang nagma-mature. Iba-iba rin ang karanasan ng bawat tao, at ang klase ng mga taong nakapaligid na kaniya. Lahat ng iyon ay umaapekto sa pag-develop ng kakayahan ng isang tao na mag-desisyon tungkol sa isang bagay.”

      “Ang wise talaga ni Daddy, grabe, hanga ako,” sabi ko habang parang manghang-mangha sa narinig.

      “Ikaw, loka-loka ka talagang bata ka.” Tumawa lang ako nung guluhin ni Daddy yung buhok ko.

      “O sige na, maiwan na kita. Mukhang matatagalan ka diyan eh,” sabi niyang sa kahon ng mga sulat nakatingin. “Goodluck, anak.”

      “Thanks Dad.”

      Mabilis akong nagbihis nang makalabas si Daddy. Tapos pumuwesto na ako sa kama at nagsimulang magbasa ng sulat.

Dear Heart,

Ngayong break na sina Soshi at Francine, do you think may pag-asa na ‘ko kay Soshi?

“Ma at pa. Ako nga namumrublema din kay Soshi bibigyan pa kita ng advice?”

Dear Heart,

Kulang ako sa height pero love ko mag-basketball. Magta-try out ba ko o hindi?

            “Kung may talent ka ba eh why not?”

Dear Heart,

Binawasan ni Daddy yung allowance ko kasi recession daw kaya kailangang magtipid. I need a new pair of shoes and a handbag to go with my new hairstyle.

            “Ha?”

But with my tinie tiny amount of money I can only afford one. Which one do you think I should buy?

            “Eh? Bakit magkano bang allowance mo?”

I mean, I only have P8,000 a month! How the hell can I afford both!?

            “What!!!? 8,000 pesos!!!! That’s P400 per school day! Ano pa ba’ng pinagkakagastusan mo sa school aside from food and occasional school project, which I’m pretty sure binabayaran ng parents mo. And how much does those freaking shoes and bag cost anyway!?”

Dear Heart,

Should I wear pink or peach on our school ball?

            “Pink or peach? Di ba halos pareho lang yun?”

I really like peach but pink compliments my complexion better.

         “Malaki ang problem mo sa buhay. Ang tindi, parang pasan mo ang buong daigdig. Baka hindi kayanin ng powers ko ‘to.”

 Dear Heart,

Ano ba’ng number ang tatayaan ko sa lotto?

            “Nang-aasar ka ba? Ano’ng palagay mo sa’kin si manang bola? Maghanap ka ng loko-lokong may oras magbasa ng sulat mo. Gagong ‘to, ano ba palagay niya sa kin manghuhula,” reklamo ko habang kumukuha ng isa pang sulat mula sa kahon. Grabe ang mga tagas ng mga letter-senders ko ngayon. Tumataas tuloy ang blood pressure ko.

Dear Heart,

Uulan kaya sa araw ng school ball?

            “Uwaaaaaaaaaaaaa...ayoko na. Somebody kill me NOW.” Amputchang mga taong ‘to. Puro mga katangahan ang pinagtatatanong. Natutuyuan tuloy ako ng dugo nang wala sa oras hu hu hu!

Ang Love Gurung Walang BoyfriendWhere stories live. Discover now