chapter 2

2.7K 36 5
                                    

             Maingat akong bumaba mula sa BMW namin. Hindi joke lang. Wala kaming BMW. Wala nga kaming sasakyan eh kahit tricycle. Pero malapit na. Sa taxi lang ako bumaba. Umuulan kasi ngayon kaya inihatid na ko ng Daddy ko. Pero sosyal pa rin di ba? Taxi. Pwede namang mag-bus na lang nag-taxi pa kami. Ganyan ka lang magsayang ng pamasahe.

               Niyakap ko yung bag ko para mas maprotektahan mula sa ulan bago ako lumakad papasok sa gate ng academy. Hindi kasi pinapapasok ang mga taxi sa ground ng campus. Yung sasakyan lang ng mga estudyante ang pwede. May parking lot naman kasi para dun.

             Nag-good morning ako sa dalawang guard na nandun sa gate tapos pinakita ko sa kanila ID ko. Di kasi sila nagpapapasok nang walang ID. O di ba ang higpit. Epal lang.

               Di pa ko nakakalayo sa gate nang may biglang umakbay sa kin.

                “Good morning girlfriend.”

           “Ay palaka!” nagulat kong sabi saka ko tiningnan kung sinong balasubas ang biglang nang-aakbay sa kin at nakiki-share ng payong ko nang walang pasabi. 

                 “Ikaw na naman?” Si Istorbo pala. Tumawa lang siya.

                 “Bakit ba laging palaka ang sinasabi mo pag nagugulat ka?”

               “Mukha ka kasing palaka,” inis na sabi ko sabay irap. O di ba may irap pa kahit may nakaakbay na gwapo. Ahahhaa. Oo, gwapo rin itong si Istorbo. Sabi ko naman kasi di ba lahat ng varsity players ng school namin mga HAWT.

                 “Ang aga mo namang maimbiyerna. Meron ka ba ngayon?”

               “Abnormal ka ba? Sino’ng hindi mai-imbiyerna sayo. Basta ka na lang naki-share ng payong ko ni hindi ka man lang nagpapaalam. Nanggulat ka pa. Saka bakit ba may paakbay-akbay ka pa? Lumayu-layo ka nga sa kin.”

                  Hinampas ko yung kamay niyang nakaakbay sa kin.

                 “Wala kasi akong payong eh,” pabalewala niyang sabi. Nagkibit pa ng balikat.

           “Eh bakit kasi hindi ka nagdadala nakita mo namang umuulan?” Reklamo ko tapos hinampas ko uli yung kamay niya. Nakaakbay na naman eh.

                  “Alam ko kasing magdadala ka.”

                  “So? Ano ako tagadala mo ng payong?”

                 Tumawa siya bago pinisil ang ilong ko na parang nanggigigil.

                “Ikaw talagaaaa…ang cute mo. Sarap sapakin.”

                 “Ikaw sapakin ko diyan eh. Next time nga magdala ka ng sarili mong payo ha.”

                 “Ayoko nga. Makiki-share na lang ako sayo. Wala akong payong eh.”

             “Ayoko. Bumili ka ng payong mo. Ang yaman mo payong lang di ka makabili.”

                 “Share na lang tayo girlfriend. Para sweet.”

                Kumindat pa siya sabay akbay uli sa kin. Isa na lang sisipain ko na talaga ‘to. Promis.

                 “Ano ba? Lumayu-layo ka nga.”

               “Ang liit kaya ng payong mo. Pareho tayong mababasa kung hindi kita aakbayan. Next time nga magdala ka ng mas malaking payong. Sipunin pa tayo nito.”

                 Aba ang kapal. Siya pa ang may ganang magreklamo. Teka nga.

                 Itinaas ko ang kaliwang braso ko para abutin ang ulo niya tapos…

              “Aray,” sabi niya sabay hawak sa ulo. Binunutan ko kasi niya ng buhok. Tapos kinuha ko yung notebook ko at inipit dun yung buhok na nabunot ko sa ulo niya.

              “Anong gagawin mo sa buhok ko?”

            Hindi ako sumagot. I just gave him an evil grin. Pero sa loob-loob ko, “ipapakulam kita, impakto.”

Ang Love Gurung Walang BoyfriendWhere stories live. Discover now