⇜CHAPTER 3.2⇝

2.6K 30 5
                                    

            Thirty minutes after, nakabalik din ako. Grabe halos di na ko nakaalis dun sa pila. Yung mga estudyante kasi dun grabe sa gitgitan. Parang mga hindi kumain ng isang taon!

            “O ayan nang pagkain mo,” sabi ko kay Istorbo nang maibaba ko yung tray ng pagkain sa table. Tapos inayos ko yung ribbon sa leeg ko saka skirt. Ewan ko kung paano nangyari pero umikot yung palda ko sa bewang ko. Naging tagilid. Tapos yung checkerd na pulang ribbon na nagsisilbing parang necktie ng uniform namin naman konti nalang malalaglag na talaga. Grabe muntik na kong masakal kanina. Akala ko hindi na ako makakalabas ng buhay dun. Amputchang mga yun. Parang mga hindi pinapakain sa kanila. Mayayaman naman. Tao ba yung mga yun? Bakit parang laging feeling tag-gutom sa mundo?

            Kinuha ko yung baso ng orange juice para uminom. Pinagpawisan kasi ako. Grabe para akong galing ng marathon eh bumili lang naman ako ng pagkain.

            “Oy!” nabiglang sabi ko kay Istorbo. Kinuha niya kasi yung binili kong cheesecake.

            “Bakit nang-aagaw ka na naman ng cake? Kinain mo na nga yung cake ko kanina nang-agaw ka na naman.”

            “Akin ‘to eh.”

            “Akin yan.”

Sinubukan kong agawin sa kaniya yung platito na may cake kaso mabilis siya. Naiiwas niya agad yung cake. Gutom pa yan ha.

            “Akin sabi yan eh.”

            “Akin nga ‘to.”

            “Ako bumili niyan.”

            “Asan sukli ko?”

            “Wala na.”

            “Kita mo na. Eh di akin nga to. Pera ko pinambili mo nito di ba? Kung hindi dapat may sukli pa ko. One hundred binigay ko sayo eh.”            

            “Eh ano naman? Ikaw naman kumain nung pagkain ko kanina,” reklamo ko.

            “Ang arte nito. May bawas na kaya yun.”

            “Kahit na, malaki pa rin yun.”

            “Damot mo.”

            Napatanga ako. Tama ba yung narinig ko? Madamot daw ako? Siya na nga ‘tong nang-agaw ng pagkain ako pa madamot!

“Abnormal ka talaga noh? Ang angas mo.”

“Sa mga kagaya mo lang.”

Dialogue ko yun di ba? Inagaw niya rin?

Sinubukan ko uling agawin yung cake. Para lang kaming timang na nag-aagawan ng cake. Medyo nag-lean forward pa ko para maabot yung cake kasi itinataas niya yung kamay niya. Hindi naman ako makadukwang ng ayos dahil sasayad sa pagkain yung uniform ko eh may gravy pa naman yung mushed potato.

Bigla niyang kinagatan yung cake. Grabe kalahati agad naubos eh isang kagat lang ginawa niya.

“O ayan nang cake mo,” sabi niya sabay abot sa kin nung cake. Tiningnan ko lang yung cake.

“Matapos mong kagatan ngayon mo ibibigay.”

“Bakit? May kagat na rin naman yung kinain ko kanina di ba?”

Sinimangutan ko siya.

“Kung ayaw mo wag,” sabi niya. Aangal pa sana ako kaso isinubo niya na yung natirang cake. Ubos! Wala na kong nagawa. Syempre alangan namang kunin ko pa yun sa bibig niya di ba? Kadiri! Ano yun indirect kiss? Hindi lang basta kiss...indirect FRENCH kiss pa kasi galing na sa bibig niya di ba!? Yak!

Ang Love Gurung Walang BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon