Chapter 27

33.8K 395 31
                                    

Chapter 27:

SOPHIA/HANNAH

Smile…smile…smile…lalalala…Happy! Definitely happy! Haha

Naasar ako kay kuya kahapon pero nabawi naman yun ngayon dahil excited ako sa gagawin niya. Ano kayang surprise ang ihahanda niya para kay BFF?

Actually, kasinungaling lang yung sinabi kong malungkot si BFF kahapon pero hayaan na natin, naniwala naman si kuya haha parusa yan sa pagsama niya sa Madison na yun.

Inaagahan ko talaga ang pasok ngayon hindi para hinatayin si BFF kundi para kausapin si Bea about dito ng may makasama naman ako sa drama ko, mahirap ng mabuo. Nagpunta ako ng room nila and to my surprise…she’s there silently sleeping and the two boys, JD and Vin are also present.

“pst!pst!Bea…” mahinang tawag ko sa kanya habang nakasilip lang sa may pintuan.

“pst!ps—“

“oh! Hannah di ba?” napaayos naman ako ng sarili ng biglang bumulaga sa harapan ko si Vin. Mukhang tanga pa naman ako kanina.

“ah oo hehe hi?”

“hello! Anong ginagawa mo dito? Si BASAGULERA ba ang sinisitsitan mo?” sabi niya na in-emphasize pa talaga ang ‘basagulera’ kaya naagaw tuloy niya ang atensyon ni JD na nakatingin na sa amin at si BEA…mahimbing pa ring natutulog.

“oo eh, pwedeng paki-gising siya?”

“ayoko nga!, baka mahawaan pa ako ng bacteria niyan. Ikaw na lang.” nasabi ko bang ubod ng kaartehan itong si Vin sa katawan? Pwes sinasabi ko na ngayon.

“nahihiya kasi akong pumasok, hindi naman kasi namin ito room”

“ano ka ba?! always welcome ka dito, sagot ka namin ni JD!” sabay lingon nit okay JD.

“oo naman, kaya pumasok ka na dito” ano pa bang magagawa ko eh di pumasok na lang ako at tinahak ang upuan ni sleeping beauty.

“oy…oy…oy…”

“hmmm”

“Bea…” anong klaseng babe ba ito? Parang ilang araw hindi natulog sa bahay nila.

“Bea, gumising ka na dyan!” hindi ko namalayan na napalakas na pala ang boses ko. Kasalanan ito ng mga titig ni JD eh.

“ano ba?! panggul—oh nerd, bakit ka nandito?” sira-ulo talaga ang isang ito eh, ganda ng bungad! NERD!...

“nerd talaga? may gusto sana akong sabihin sa’yo”

“sobrang importante ba yan at kinailangan mo pang guluhin angmahimbing kong pagtulog?”

“super importante ito!”

“ano nga iyon?”

“tungkol it okay BFF” pagkasabi ko nun parang bigla siyang nataranta at napaayos pa ng upo.

“anong nangyari kay crush?magsalita ka!” OA!!!!

“OA makareact ah…ganito kasi yun, nakita ko kasi si ku—BAD kahapon at nagkaroon kami ng oras para magka-usap” pinanlalakihan ko siya ng mata ng ma-gets niya ang sinasabi ko dahil halatang nakikinig si JD.

so-called "dead princess" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon