Chapter 28

33.9K 436 26
                                    

Leanne’s/lorraine’s pov

Ano bang meron at nagkakaganyan sila ngayon? Nakakapagtataka na ang mga kilos nila.

Una, hindi na ako sinasabayan ni Hannah sa pagpasok tapos isang si Vin at Bea may secret agenda na pala parang secret affair lang pero nandidiri naman sa isa’t-isa. Si JD na bigla na lang nag-iwan ng dumating ako. Samantalang nagkukumpulan sila dito kanina at mukhang seryoso ang usapan nila.

Higit sa lahat, ang pinakawirdo sa kanila ay ang kumag na ito, bakit ba parang tinubuan ito ng kiti-kiti sa katawan at hindi mapakali.

“ang weird niyo”

“ah eh.. hindi ah!, naninibago ka lang siguro”

Tell me, isang taon ba ako nawala o isang dekada para manibago ako sa kinikilos nila?

“hay nako, ewan ko nga sa inyo”

Tinalikuran ko na siya, mas magandang doon nalang ako sa loob ng room. Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng naramdaman ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

“bakit?”

“I know ayaw mo sa salitang ‘sorry’ but I want to take the risk”

“para saan?”

“nung sabado, di ba nag-promise akong hahabol but—“

“no need to worry, sabi ko naman sa’yo diba? ‘promises are made to be broken’ kaya alam kong hindi mo na magagawang humabol pa and see, I’m right.”

“makakapunta naman talaga ako pero late na natapos yung party”

“I didn’t ask for your explanation so don’t waste time , okay? Don’t worry, everything is fine and I’m happy with the outcome of my party even though you’re not there, so papasok na ako”

Nagdecide na lang akong iwanan siya kaysa sigaw-sigaw ko siya. Sino ba ako para magalit sa kanya? ano bang karapatan ko para magalit sa kanya.

BAD’s POV

Alam niyo ang bagong meaning ng badtrip? Pwes kung hindi pa , sasabihin ko na sa inyo. BAD..B-A-D ang bagong kahulugan nun.

Ano bang dapat kong gawin? nandito pa rin ako sa labas ng room.  Sa totoo lang, hindi ko siya mabasa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya  at hindi ko rin malaman kung naiinis ba siya o hindi kasi walang bakas ng emosyon sa mukha niya at sa pananalita niya. Hays…pinapairal na naman niya pagiginnng dead princess niya.

‘promises are made to be broken’

Lecheng kasabihan na yan, sino ba ang nagpa-uso niyan? Lagot ka sa akin kapag nahanap kita!

Ang sabi niya masaya siya pero taliwas naman ito sa sinasabi nila. Dapat ko na bang paniwalaan yung mga sinabi ni Sophia kahapon about sa true feelings ng mga babae?

Bakit ba ako nagkakaganito samantalang DEAL lang naman ang lahat so it’s okay kung di ako naka-attend sa party niya but I feel so guilty. Ahhh!!! I nedd to do a surprise for her para naman makabawi ako.

Why do I’m acting right now as if I’m her boyfriend? The real one. Weird!

“oy, himala ata walang nakasalpak na headset dyan sa tenga mo”

“psh! Wala ako sa mood makinig ng music ngayon”

“ohhh himala ka nga talaga yan CJ”

so-called "dead princess" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon