Chapter 4

49K 800 12
                                    

 CHAPTER 4

~Monday~

"Grabe! parang ayoko ng pumaosk sa school na yun." mahinang sabi ko habang nakatingin sa sarili ko sa salamin na suot-suot ang school uniform.

"Bakit kalilangan pa kitang isuot? Nakakairita lang pagmasdan." napabuntong hininga nalang ako  tsaka inayos ang gamit ko sa school bago lumabas ng kwarto. 

Napatigil nalang ako sa may hagdan ng makita silang lahat sa  baba na nag aabang sa pagbaba ko na tila isa akong prinsesa. Kasama rin sila lolo at lola sa mga naghihintay sa pagbaba ko at bakas sa mukha nila ang kasiyahan. Napakunot nuo naman ako ng mapagtantong pareho silang andito. 

"Lorraine apo, gumanda ka lalo ng suot mo na yang uniform mo. Bagay na bagay sa'yo." Bungad agad ni lala pagkababa ko. Tulad ng lagi kong ginagawa tinitinigan ko lang siya.

"Pwede bang ngumiti ka naman apo kahit ngayon lang? Unang beses mong papasok sa school kaya dapat matuto ka ng ngumiti di tulad ng ganyan. Sige ka baka matakot sayo ang mga kaklase mo dahil sa ganyang expression mo." nakangiting sabi ni lolo. Dapat ba akong maging masaya dahil papasok na ako sa school kung saan maraming tao. 

"Papasok ako sa school dahil gusto niyo hindi dahil gusto ko. Pupunta ako dun para mag-aral lang hindi para humanap ng kaibigan."  Diretsang sabi ko na ikinalungkot naman nila.

"Sige hija, kung yan ang sabi mo hindi na kami kokontra ng lolo mo basta ang mahalaga ngayon papasok ka na ulit ng school. Hindi ka na magkukulong dito sa bahay." Sabi ni lala  na tila pinapagaan ang usapan namin.

" Anong oras po ba nag pasok ko?"

"Mga 7 pa hija, halika muna  kumain ng breakfast. After natin kumain ay ihahatid ka na ng driver para naman may time ka pa para makapaglibot sa papasukan mong school."

Tumango nalang ako at sumunod sa kanila sa hapag. Nakatutok lang ako sa pagkain ko habang si lolo ay panay ang kwento at sinasabayan naman ng tawa nila  lala. Hindi pa nila napapansin na wala akong interes sa mga pinag-uusapan nila? Kung di lang siguro kawalang respeto ang pag-iwan sa kanila habang nasa hapag kanina ko pa sila iniwan.

"Apo, goodluck sa firstday of school ah, sana lang ay mkahanap ka agad ng mga kaibigan"

"Lala  nalimutan mo na ata ang sinabi ko kanina" paalala ko sa lola ko. Nasa labas na kami ngayon habang inaantay ang sasakyang maghahatid sa akin.

"Nga naman Eliza, mag-aaral lang daw ang apo natin doon at hindi makikipag-kaibigan." 

" Goodluck Lorraine, nawa't maging masaya ang unang araw mo sa eskwelahan" Ngiting sabi ni nana Marie.

"Sigurado akong magugustuhan mo dun apo" dagdag pa ni lolo.

Dumating na yung sasakyan at nagpaalam na rin ako sa kanila. Pagpasok palang ng sasakyan ay napabuntong hininga ulit ako sabay salpak ng headset ko.

Wala ka ng magagawa Lorraine, gawin mo na lang ito para sa kanila kahit alam mo sa sarili na malaking epekto ang maidudulot nito sa patay mong mundo.

___

O.V.2012

Edited: 08.31.2020

so-called "dead princess" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon