Chapter 16.2

35.7K 466 22
                                    

Chapter 16.2: 

“hindi ba may usapan tayo? Ipapakilala kita kay mama at kay shishi”

“oo nga pala, pwede bang sa ibang araw na lang?” bakit ang bilis naman?

“ayaw mo ba BFF?wala naman dun si kuya kasi may practice yun kaya wag kang mag-alala” mabuti naman hindi ko siya makikita sa bahay nila dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.

“ganun ba?sige tara na” naglakad na kami paalis ng school at bitbit niya yung bike niya.

“BFF gusto mo bike na lang tayo?”

“huh? bakit?pagod ka na?”

“hindi ah, para mabilis tayong makarating!”

“pwedeng maglakad na lang tayo at saka iisa lang naman yung bike” sabi ko dahil natatakot akong sumakay sa bike. Never pa kasi akong nakakasakay sa bike at saka natatakot akong magalusan or masugatan.

“bakit ayaw mo ba BFF?”

“hindi naman, mas maganda lang maglakad para exercise”  palusot ko dahil nahihiya akong sabihin na takot akong sumakay.

“ganun ba? Alam ko na!”  sabi nito sabay labas ng phone niya at may pinagpipindot.

“hello?Mr. Chen? Nagbago na po isip ko pasundo na lang kami dito sa tapat ng bakeshop malapit sa school, salamat”

“sino yun?”

“ah…butler namin, siya kasi sundo namin pero hindi ko siya pinapunta kasi gusto ko sanang magbike tayo pero ayaw mo kaya magpapasundo na lang tayo para na rin mapabilis ( ~_^)”

Ilang minuto rin kaming naghintay dito sa tapat ng bakeshop hanggang sa may humintong sasakyan sa harap namin. Isang hindi masyadong katandaang lalaki ang lumabas dito at binuksan yung pinto sa likuran, siya siguro si Mr. Chen at yung driver kinuha yung bike at nilagay sa compartment nung kotse.

“hi  po Mr. Chen”

“hello po Miss Sophia”

“hello po” bati ko rin dito

“siya nga pala ang BFF Leanne ko Mr. Chen”

“hello po Miss Leanne” nakakapanibago naman ang pagtawag niya sa akin, mas sanay ako sa Miss L, nginitian ko na lang siya.

“tara na po, baka may makakita pa sa atin dito” mabilis naman na sumakay si Hannah kaya sumunod na lang ako. Nagkwentuhan lang kami buong byahe ni Hannah at napansin kong medyo malayo pala bahay nila. Sa sobrang daldal ng kasama ko hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami, may kalakihan din pala bahay nila.

“BFF nandito na tayo! Excited na ako! (^___^)”

“halata nga” pagkababa namin bigla na lang akong hinila ni Hannah papasok sa bahay nila -.- excited masyado.

“Miss nandito na pala kayo”

“nasan si mommy?”

“nasa kusina po”

“sige salamat!” hinila ulit niya ako -.- magkapatid talaga sila ng kumag na yun. Ang hilig nilang manghila -.- may napansin akong CUTE na aso na nakahiga sa may receiving area nila.

so-called "dead princess" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon