Chapter 32.1

31.4K 367 25
                                    

Chapter 32.1:

SURPISE OPERATION: DAY 3(LAST DAY)

CJ

Last na nayon ng preparation para sa pakulo ni BAD. Ako pala ang pakana nitong lahat kaya ako itong madaming gagawin! Ang aga kong nagising hindi para pumunta ng school kundi para pumunta sa shop ni ate para kunin yung mga dapat kunin.

“goodmorning sir! Ang aga niyo po ata ngayon”

“goodmorning po, kukunin ko langpo yung mga inorder ko kahapon” sabi ko sa isang staff ng shop. Mabuti na lang wala si ate kundi uulanin ako ng maraming tanong kung saan ko gagamitin ang mga yun.

“ganon ba sir? Saglit lang po ah, wala pa po kasi yung naka-assign na magdadala sa mga iyon. Hay nako! Nasaan na ba ang babaeng yun? late na naman!”

“sinong late?”

“yung dapat po na magdedeliver”

“dapat tinatanggal na ang mga ganyang empleyado”

“sorry sir, pagsasabihan na lang po namin kapag dumating siya”

Uulit at uulit pa rin yun kahit anong klaseng sermon ang gawin mo. pasalamat siya hindi ako ang may-ari ng shop kundi matagal na siya tanggal sa trabaho niya.

*15 mins.*

“I can’t believe this is happening! Ako yung client, hindi dapat ako ang naghihintay ng ganito!”

“sorry po talaga sir”

“sa susuno—“

“waahhh!!!sorry late ako! Sorry talaga!”  napatingin naman ako dun sa sumisigaw na babae at bow pa ng bow -.-

“hoy Kylie! Bakit ngayon ka lang?! kanina pa naghihintay si sir CJ  dito! Saan ka ba galing?!”

“na-late po kasi ang gising at matrapik po hehe sorry sir sa paghihintay”  tsk! Ang bata naman ata niya para magtrabaho dito.

“may magagawa ba ang sorry mo? kaya ba nun ibalik ang oras ng paghihintay ko? bilisan mo na lang, kunin mo na yun ng maidala ko na”

“sorry talaga sir, huy Kylie! Kunin mo na mga yun!” nakatunganga pa kasi. Tsk.

“opo!...sungit…” bulong niya ng daanan ako. Naghintay na lang ako sa labas at ilang saglit lang nakita ko siyang lumabas kasama ang isang napakalaking plastic.

“bakit sa plastic nakalagay ang mga yan? Baka masira!” sabi ko sa kanya at siya hinila-hila lang -.-

“ikaw kaya dito?! Alangan namang isa-isahin ko! mas maganda kung i-plastic para isang bitbitin na lang!” saan pa napulot ni ate ang babaeng ito? Napakagaling sumagot

“kilala mo ba kung sino ang kausap mo? kung makipag-usap ka parang close tayo ah at isa pa, hindi ko papalampasin ang ginawa mo kanina”

“sa pagkakaalam ko kapatid ka ng may-ari, anong gusto mong way ng pakikipag-usap ko sa’yo? Hindi ko na kasalanan kung late ako!”

“hssh! Nagsasayang lang ako ng laway dito. Ilagay mo na lang mga yan sa likuran ng makaalis na ako”

“para saan ba kasi mga ito? Ang dami naman! Madami ka sigurong pagbibigyang babae no?” nasa mukha ko ba?-.-

so-called "dead princess" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon