CHAPTER 38

29.3K 297 33
                                    

gurl sa'yo ko idinedecate ito..hehe ...^.^ dapat puro kulay green lang dito kaso epic fail..wahahaha

basahin niyo po yung story niya (MY BESTFRIEND IS A GANGSTER) maganda po iyon...^.^

Maniwala man kayo o hindi mas nauna ko pa itong natype kaysa sa CHAPTER 37 hahaha…kasi eto dapat yung CHAPTIE 37 kaso bigla na lang nag mal-function ang brain ni simply kaya naging CHAPTIE 38 ito..alam ko namang natuwa kayo  last CHAPTIE eh…hahaha…at dahil dyan, wala munang BAD-raine moment dito…unfair eh!di napapansin yung ibang tandem…hahaha natatabunan sila…

GUSTO NIYO MAISALI ANG PANGALAN NIYO SA MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI??SURE!KASO HINDI KO PA ALAM ANG MGA SUSUNOD NA MANGYAYARI..HAHA

 

[CHAPTER 38]





MONDAY…..



-------BEA

Naglakad lang ako papasok ngayon kasi maaga naman akong umalis ng bahay at saka isa pa ayokong pumasok ng maaga baka makita ko lang yung asungot na yun dun -.-

Wala akong balita sa surpresa ni BAD kahapon pero sa pagkakaalam ko hindi natuloy kasi hindi dumating si crush…sira-ulo kasi yun kaya siguro pinagpalit ni crush sa iba

Sa park ang punta ko, tatambay muna ako saglit dun.

Hanggang ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung reaksyon ni Vin kahapon nung nasira yung bracelet niya. Galit na galit pero halatang pinipigilan lang niya.

“ano bang meron sa bracelet na yun at ganun na lang makareact ang isang yun”

After kasi ng incident na yun hindi na niya ako pinansin at kinausap pa.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng may nakita akong lalaki na nakaupo dun sa may bench malapit sa puno at nabigla naman ako sa nakita ko

“kaya nga hindi ako pumasok ng maaga sa school para hindi ko makita ang asungot na ito tapos ngayon makikita ko pala ito dito sa park -.-“

Lalapitan ko ba siya para humingi ng sorry o wag na lang? teka, bakit naman ako hihingi ng sorry eh wala naman akong kasalanan! Siya naman ang unang kumulit sa akin ah kaya siya ang may kasalanan kung bakit nasira yung bracelet niya -.-

“makaalis na nga lang” sabay talikod at lakad pero humarap ulit ako sa kinaroroonan niya at sa direksyon niya ang punta ko

Nasisiraan na ata ako, kailan pa ako lumapit sa isang lalaki…para lang mag-sorry

so-called "dead princess" (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon