Chapter 9

46K 672 35
                                    

CHAPTER 9:

LORRAINE/ LEANNE’s POV

Another day na naman para makisalamuha sa ibang tao.

Nandito na ako sa upuan ko which is kalapit ng bintana. Napansin ko lang, kahapon pa ako tinitingnan ng mga kaklase ko. Parang tinutunaw kasi nila ako sa paraan ng pagtitig nila. -.-

“ahmm excuse me, pwede magtanong?”  hulaan niyo kung anong ginawa ko.

“…napansin lang kasi namin na parang may iba kang lahi…may lahi ka bang bampira?”

“AHAHAHAHAHAHA!!!” tawa ng buong klase na nasa amin pala ang atensyon.

So akala pala sa akin ng lalaking ito ay isa akong bampira. Tsk! How pathetic he is. How can a vampire exist in this world.? Nag-iisip ba siya?.

“what if I said…yes, what would you do? Does it matter anyway?”

“wow pare! Kita niyo yun, nagsalita siya haha narinig niyo naman siguro ang sinabbi niya.” After niyang sabihin yun may lumapit pang tatlong lalaki. Ano bang gustong mangyari ng mga ito?!

“so miss vampire, pwede bang pakagat? Hahaha”

“kawawa naman si miss…vampire haha”

Nahagip naman ng paningin ko si Madison. Tama ba ang nakikita ko? bakit nandito siya?

“boys…boys…boys… why are you calling her miss vampire?...wait! di ba ikaw yung tumulong dun sa ugly duckling na yun kahapon?” -____- what a life?!

“mads tingnan mo kasi ang itsura niya, maputla tapos blank expression pa ang mukha niya at ang cold niya magsalita.”

“in short, she’s a living DEAD MEAT!”  saludo na ako sa kanya. Ang galing kasi ng term niya.

“haha tama ka dyan Mads, para nga siyang patay” dagdag naman nung isa sa mga lalaki kanina.

“so dapat pala The Dead Princess tawag natin sa kanya” sabat nung isa

“why Dead Princess?” taas kilay na tanong niya. May pagka-impaktita din pala ang isang ito. -.-

“ah eh kasi para siyang patay? Tapos…tapos..narinig ko kasing sabi nung iba na mukha daw siyang prinsesa kaya ayun hehe” sabi nung isa na nauutal pa

“well, para nga siyang patay but she’s not like a princess because I’m more like a princess. But I’m okay in calling you that haha”

*DOOR OPENS*

Naagaw naman nung tatlong lalaki ang atensyon ng buong klase. Maaangas ang dating nila at todo titig naman itong maysa-impaktitang babaeng ito sa kanila.

“bakit kayo nagkukumpulan dyan?” tanong nung isang mukhang bata.

“ah may binibinyagan lang kaming bagong kaklase natin at binigyan namin siya ng bagong pangit haha”

“ganon? Ano naman?” tanong nung lalaking nakabonnet

“Dead Princess!haha” sabay-sabay na sabi nila. Kung makapagsabi ang mga ito parang wala yung pinag-uusapan sa harapan nila. Pasalamat sila tamad akong magsalita, nakakapagod kaya.

"dead princess? bakit ganun? patay ba yan? zombie ba?" nagtatakang tanong nung dalawa tapos yung isa walang pakialam

“because she looks like one” sabi ni impaktita

so-called "dead princess" (COMPLETE)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن