Episode 27 - HER

45 0 0
                                    

Episode 27

Her

Days and weeks passed. Keagan and I got closer and closer.

Nagkakasama pa rin naman kami nila Cha but there are times na palagi ko talagang kasama ay si Keagan. I don't know but as the days passed that we were together, I felt comfortable with him. Hindi ako natatakot na maglakad ng diretso at hindi nakatingin sa ibaba dahil isang hawak ko lang sa kanya ay mawawala na lahat ng episode na nakaambang makita ko.

Aamin ako. Masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi naman mahirap magustuhan si Keagan e. Palagi siyang nakangiti, yung tipong parang mawawala lahat ng problema mo kapag kasama mo siya. Sasagutin ko na ba siya? Hindi ko pa rin alam. Hindi naman niya ko tinatanong ulit tungkol dun. Pinaparamdam lang niya sa akin na mahalaga ako sa kanya. Ni hindi niya ko pinepressure na magustuhan ko rin siya. That's what I liked the most about him. He's too nice. And I'm afraid that one day will come that I'll be too scared to let go of him because he's just too kind to break his heart. Another thing that's taking me aback from reciprocating his feelings for me is my situation. Kailangan ko munang sabihin sa kanya na may kakayahan akong katulad nito. Pero natatakot ako para sa society. Ni hindi pa rin alam nila Mommy na may nanliligaw na sa akin. Tanging sila Cha lang ang may alam nito. At ang isa at higit sa kinatatakutan ko ay ang malaman ni Keagan na kaya lang naman kami talaga nagkalapit sa umpisa pa lamang ay dahil kailangan naming malaman kung anong kakayahan ang ipinakita niya sa amin. At kung paano siya naiiba sa isang normal na tao. Paano na lang kapag nalaman ni Keagan ang lahat ng ito? Will he stay? Dapat bang sabihin ko sa kanya habang maaga pa at hindi pa masyadong nahuhulog ang loob ko sa kanya?

"URGH!!!" I grunted. Saka ko idinukdok yung ulo ko sa may bench sa may field ng school.

"Your head might break if you'll continue doing that." Isang malalim na boses ang pumukaw sa atensyon ko at unti unti kong iniangat ang paningin ko sa taong umupo sa harapan ko.

Laking gulat ko nang makita ko si Keiran doon!

"Keagan is not here." Wika ko nang wala akong mahagilap na sabihin sa kanya.

Umiling sya sa akin. "I'm not looking for him." I looked into his deep eyes. Kahit anong gawin ko ay puro kadiliman lang talaga ang sumasalubong sa akin kapag tinititigan ko ang mga mata niya.

I kept quiet for a while and I waited for him to speak.

"Kamusta si Keagan? Is he nice to you?" he asked me coldly.

I want to laugh at first because I find his question ridiculous but as I looked at him and seeing how serious he is, my smile just fades away like death.

I slowly nod my head. "Yeah, he's always been nice to me." Nalilitong sagot ko sa kanya.

Para naman siyang nakahinga ng maluwag at tumango tango.

"Why?" hindi ko napigilang tanong sa kanya.

"Nothing." Sabi lang niya saka na siya tumayo at umalis sa harapan ko.

Ano yon?

Bigla na lang ang pagdaan ng kaba sa dibdib ko. Bakit ba lagi na lang akong nagiging balisa kapag nasa paligid si Keiran? Dahil ba sa kakambal siya ni Keagan at may reputasyon siya sa pagiging pasaway at palaaway? Dahil ba sa sobrang magkabaligtad sila ni Keagan? O baka dahil sa masyado lang talaga siyang misteryoso para sa akin.

Ipinilig ko ang aking ulo para palisin ang mga nasa isipan ko.

I felt my phone vibrated in my bag.

Bigla na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang makita ko ang pangalan ni Zeus sa cellphone ko.

Message from Zeus: Let's meet in my condo. I have important things to discuss to all of you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NAIRAWhere stories live. Discover now