Episode 10 - HELLO WATCHERS

50 2 0
                                    

Episode 10

HELLO, WATCHERS!

*Beep*

Eros messaged you and 3 others.

Eros: Hello..

Binuksan ko lang yung message at binasa pero hindi ako nagreply. Hindi ko naman alam sasabihin ko e. bumalik na ko sa binabasa kong libro pagkatapos makitang sineen lang siya nung kambal.

*Beep*

Eros messaged you and 3 others.

Eros: It's me..

Natatawa na ko nagsisimula pa lang siya. Parang alam ko na to e.

Nawala na ng tuluyan yung interes ko dun sa binabasa ko. Ibinaba ko na yun sa tabi ko at inabangan yung messenger kung may magrereply.

Che is typing....

Che: Hello..

Cha: Can you hear me?

Natawa na ko ng tuluyan sa kalokohan nila.

Agad agad naman akong ngtype.

Me: HEEEEELLLOOOOO FROM THE OTHEEER SIIIIIIIIDE!

Eros, Che, and Cha: HAHAHAHAHAHAHA! *crying out of laughter emoticon*

Eros changed the group name to "Hello, Watchers"

Che: Happy to read your message Ira. It's so refreshing! Haha!

Eros: IKR!

Cha: Vidcall!

Isa isa namang nagpop-up sa screen ng laptop ko sila Eros, Che, at Cha.

Kumaway kaway si Eros samin. Base sa background niya mukhang nasa loob lang siya ng kwarto niya.

Si Cha naman ay nasa office niya dahil kitang kita ko yung malaki niyang portrait sa background niya.

Si Che naman ay mukhang nasa isang coffee shop.

Kinawayan ko rin naman sila.

"What's up people?" unang nagsalita si Eros, as usual. Haha.

"You know, I'm kinda busy. With the festival coming up! Urgh! Parang mababaliw na ako!" nakakunot noong wika ni Cha habang ikinukumpas kumpas ang hawak niyang Parker Pen na kulay pink.

Natawa naman si Che sa reaksyon ng kapatid niya.

"That's what you get from being the President." Che said to his twin mockingly.

Umamba naman si Cha na susuntukin yung screen ng laptop niya.

"Just tell me if you need some help." Wika ko kay Cha.

Lumambot naman ang ekspresyon nito at sinapo ang dibdib.

"Ang sweet mo talaga Ira!" tumikhim naman siya.

"Actually.. I need some helping hand talaga. You know, alam niyo naman siguro nangyari dun sa assistant secretary ko diba? She can't do the job anymore since she's pregnant." Napangiwi pa ito habang inaalala yung nangyari sa assistant secretary niya.

"At may puso pa naman akong tao para maramdaman na halos mamatay na rin sa dami ng trabaho si Yohance." Tinutukoy niya yung secretary niya talaga.

"So! I need you Ira to be my temporary assistant secretary! Pleaaaaaase!" pinagsalikop pa niya yung dalawa niyang palad.

Nag-alinlangan naman ako sa gusto niyang mangyari. Hindi pa rin ako kumportable na makihalubilo sa ibang tao other than them.

"If it's too much then maybe I can find another student who can do the job." Nawawalan ng pag-asa na wika nito.

Huminga naman ako ng malalim at sumagot. Bahala na.

"I'll do it." Wika ko.

Nagliwanag naman ang wika ni Cha sa sinabi ko.

"YEEEEES! I LOVE YOU IRAAAAA!" tuwang tuwang wika ni Cha. Napangiti na rin naman ako.

Napangisi naman yung dalawang lalaki sa screen.

Nag-aasaran pa rin kami nang bigla na lang nagpop-up sa screen yung seryosong mukha ni Zeus.

Nagulat kaming lahat sa biglaan niyang paglabas.

"ZEUSmaryosep ka Zeus! Papatayin mo ba kami sa sindak?" asar na wika ni Eros.

Tumawa lang naman si Zeus sa kabilang linya.

Kumaway naman siya sa amin. "Hello, Watchers!" wika nito.

"Aba! Isa ata itong himala. Ang kataas taasang kagalang galangan na si Zeus! Nakikipagvideo call sa aming mga ordinaryong nilalang!" ayaw talagang paawat ni Eros. Ang kulit!

Napangisi naman si Zeus sa kabilang linya.

"Feeling ko pinag-uusapan niyo ko e." nakangisi nitong wika.

"Oo! Talaga! E paano nga? Simula nung sumama sa amin si Ira. Lagi ka na lang sumusulpot kung saan saan! Akala ko busy ka?" pang-aasar ni Cha.

Feeling ko naman pumula yung pisngi ko sa sinabi niya.

"Ok ka lang ba talaga Zeus?" seryosong tanong ni Che.

Natawa naman nang malakas si Eros sa tanong ni Che.

"Naman.. naman! Ayos na ayos tong kaibigan nating si Zeus!" tinaas taas pa ni Eros yung kilay niya.

"Mga baliw kayo! Baka anong isipin ni Ira." Saka pa tumawa si Zeus.

"Uhrmm.." hindi ko naman alam yung sasabihin ko.

"See you tomorrow guys! Ira! Be here before lunch. We have a meeting! Bye!" saka na nawala sa screen si Cha.

"I'll hang up now! May pupuntahan pala ako." Saka na rin nawala sa screen si Che.

Nakangisi naman si Eros habang kumakaway sa aming dalawa ni Zeus. "Anneong!" saka na siya nawala. (Anneong-Bye)

Now, this is awkward.

"Uhh.." hindi na ko makatingin ng diretso sa screen dahil nakatitig sa akin si Zeus.

"Ira.." tawag niya sa akin. Unti unti naman akong tumingin sa kanya.

"I don't want you to feel uncomfortable with me. Please, don't." nakikiusap na wika niya. Saka niya ko nginitian.

Napangiti na rin naman ako sa kanya.

Then, I nod.

NAIRAWhere stories live. Discover now