Episode 15 - BAD

28 1 0
                                    

Episode 15

Bad

D-3 BEFORE THE FESTIVAL

"We're already near to the big event. Let's work harder for the last 3 days. Ok guys?!" energetic na wika ni Cha sa mga umattend ng meeting. This will be the last meeting before the festival kaya seryosohan talaga.

Kasama lahat sa meeting, from the officers of both school up to the production and security staff ay kasama. Hindi ko naman alam na big event pala talaga yung festival na to sa school na pinapasukan ko. Wala naman kasi akong matandaan na umattend ako sa kahit isang activity sa mga pinasukan kong school.

Nang dahil nga rin sa darating na festival ay halos wala na ring nagiging klase ang mga estudyante dahil abala rin ang lahat sa kanya kanyang booth pati na rin sa mga numbers nila sa Student Night na gaganapin sa huling araw ng festival.

"Ira, may kailangan akong papeles kay Keagan e. The problem is hindi niya nadala. Can you get it for me?" pakiusap sa akin ni Cha habang papalabas na kami ng building.

Napatigil pa muna ako sandali saka tumango sa kanya.

"Be at Keagan's side at all times." Para namang nag eecho sa pandinig ko ang huling sinabi ni Zeus sa huling pag uusap namin.

"Keagan! Isabay mo na si Naira sa school niyo. Yung waivers kailangan ko na!" sigaw ni Cha nang makita niyang pasakay nan g elevator si Keagan.

Agad namang pinindot ni Keagan ang elevator para hindi ito tuluyang sumara.

"Hindi na ko bababa ha? May kailangan pa kong ayusin sa office ko. Keagan, ikaw nang bahala kay Naira ha? Naira, dalhin mo na lang dito sa office yung ibibigay sayo ni Keagan mamaya? Ok? Ingat kayo!" pagkatapos niya akong halikan sa pisngi ay tumalikod na siya sa amin.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Keagan sa tabi.

"Ganyan talaga si Cha ever since. Sobrang workaholic. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga estudyante dito sa university na to kung bakit ayaw siyang palitan." Napapailin na komeento ni Keagan.

Nginitian ko lang naman siya. Wala naman akong kailangan sabihin sa kanya e.

"Ah! Nga pala! Kamusta ka na pala? Sumama bigla yung pakiramdam mo nung huli tayong nagkita. Ok ka na?" tanong niya sa akin.

Gusto kong ikunot ang noo ko sa kanya pero nginitian ko lang siya at tumango. Ang dami niyang tanong. Ang dami niya masyadong sinasabi.

"Ok na ko. Masama lang talaga siguro yung gising ko nung araw na yon." Usal ko. Saka ko na ipinako yung mata ko sa number ng elevator. Napabuga naman ako ng hininga nang makita kong nasa ground floor na kami.

"Dito nakapark yung kotse ko." Wika ni Keagan saka na siya nauna sa akin.

"Am I making you uncomfortable Naira?" basag sa katahimikan na tanong ni Keagan nang nakasakay na kami sa kotse niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"B-Bakit mo naman nasabi yan?" parang nahihiya kong tanong sa kanya. Am I making myself obvious?

Tumikhim siya at minsan pa ay nakita ko kung paanong naging isang linya na naman ang labi niya tanda na nag iisip siya.

"Wala lang. Kapag tinitingnan ko kasi yung reaksyon mo kapag nagsasalita o kahit nasa paligid lang ako, para bang..." napailing pa siya. "... parang nakakain ka ng hindi mo gustong pagkain." Seryosong sabi niya.

Napakagat naman ako sa labi ko. Nakakahiya. Nakalimutan kong Psychology Major nga pala siya.

"P-Pasensya ka na Keagan. Hindi lang talaga ako sanay na makihalubilo sa maraming tao. Hindi naman sa ayaw ko sayo. Hindi pa nga lang talgaa ako komportable sayo." Paliwanag ko sakanya.

Napatango naman siya sa akin.

"Well, naiintindihan ko naman. Palagi naman akong pinapaalalahanan ni Cha na mahiyain ka. To tell you honestly, wala naman talaga akong pakialam sa iniisip ng ibang tao sa akin. But with you..... I don't know.. there's this part of me that is keep on telling me that I need to explain myself to you." Napakunot ang noo niya sa huling sinabi niya.

Nagulat naman ako nang bigla siyang humarap sa akin at ngumiti.

"Ang weird no? Let's go! Nandito na tayo." And with that lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

"Here are the papers. Pinagsama sama ko na siya sa isang envelope para hindi magkahiwa hiwalay." Saka sa akin inabot ni Keagan yung kulay ginto na envelope.

Minsan ko pang iginala ang tingin ko sa office niya. Oo. May sarili din siyang office sa eskwelahan na to. Just like Cha.

Pero hindi katulad ng office ni Cha na kulay pula at beige ang kulay na makikita mo. Ibang iba itong kay Keagan. The office was colored white, gold and silver. Parang sa mga greek gods. Ang lakas maka-Mt. Olympus.

"Why? Is my office fascinating to you?" tanong niya sa akin habang may naglalarong ngiti sa mga labi niya.

Nginitian ko naman siya at umiling. "It's nice." Sabi ko na lang.

"You know, when I was about 12, my Mom died. She's a doctor and from then I find color white comforting. Parang kapag nakakakita lang ako ng kahit anong kulay puti, ok na ko. Iyon kasi yung tumatak sa isip ko kapag iisipin ko si Mama. Hindi lang dahil sa uniform niya yon sa ospital but because I believe that just like color white, she's also pure and simple." For a moment I saw loneliness in his eyes.

"Sorry.." I feel apologetic towards him. All this time, hinusgahan ko na agad siya ng hinusgahan without even asking him a question about his life. Well, syempre, hindi ko naman business yon. But still, I feel guilty dahil alam ko namang mahirap mawalan ng magulang. Lalo na teenager na rin siya nung mawala yung Mama niya. Kung kailan ang daming pagbabago na hinaharap ng kabataan na tulad namin nun. I can't even imagine how difficult life is for him that time.

"Hey.. you don't need to feel sorry about it, that was ages ago. It has been 10 years already. I know Mama is already happy somewhere." Then he tapped my shoulder.

Tinanguan ko naman siya at ngumiti.

Maybe, being on Keagan's side is not bad at all.

NAIRAWhere stories live. Discover now