Episode 4 - EROS

55 2 0
                                    

Naira

Episode 4 - EROS

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung sinabi ni Dad sa akin nung isang araw. Hindi ako makapaniwala na mayroon pa lang katulad namin sa mundo na to. Siguro dahil na rin sa nasanay akong kaming pamilya lang palagi ang magkasama.

Ayon sa kwento ni Mommy at Daddy, nagpasa pasa na sa bawat henerasyon ang kakayahan namin. Hindi ko na rin inabutang buhay ang Lolo at Lola ko kay Mommy at Daddy. Pero anila'y great grandfather ko kay Dad ay isa ring Reaper. Inisip nila na sa kanya ko nakuha ang kakayahan ko.

Napailing na lang ako. May text nga rin sa akin si Mommy na siya ang susundo sa akin mamayang uwian ko dahil didiretso kami sa pinagpapatahian niya ng gown para sa susuotin ko sa Sunday. It seems like a really big event.

Nagpatuloy na ako sa binabasa ko nang maramdaman kong may umupo sa harapan ko. Hinigpitan ko naman ang hawak sa librong binabasa ko at mas tinakpan pa ang mukha ko.

"Hey Miss.. can I ask something?" bulong sa akin nung kung sinumang nasa harapan ko.

Hindi ko naman siya sinagot at nagkunwaring walang narinig.

"Psstt." Kulit nito.

I squirmed with disgust.

Narinig ko naman ang pagtawa nito nang marahan. Lalo namang napakunot ang noo ko sa inaakto ng pangahas na lalake sa harapan ko.

Who does he think he is?

"Tama nga ang sabi ni Tita Venus." Saka pa ito sumipol. Sukat nun ay muntik ko ng mabitawan ang hawak kong libro,

Bakit kilala niya si Mommy?

"There! I finally got your attention." Antipatikong saad nito.

Hindi pa rin ako nagsalita at hinintay siya sa susunod niyang gagawin o sasabihin.

"You can look at my eyes Naira." He said coldly.

Napatigil ako sa sinabi niya.

Nang hindi ako gumalaw ay siya na mismo ang nagtanggal ng libro na hawak ko at hinawakan ang baba ko para iangat iyon at idirekta ang tingin ko sa mga mata niya.

Napapikit ako nang mariin.

Fear comes rushing through my veins.

"It's ok Naira. Try to open your eyes." He said with assurance.

"Look at me." Pangungumbinsi pa rin niya sa akin.

Huminga muna ko nang malalim bago ko ibinukas nang dahan dahan ang mga mata ko.

Una kong nakita ang nakangisi niyang mga labi.

Prominenteng tangos ng ilong.

At....

Ang kanyang matang nakatitig sa mga mata ko.

Tinitigan ko siya ng ilang sandali at nagtaka.

"Haaay!" ang sabi ng lalaki sa harapan ko na para bang nabunutan ng tinik. Binitawan na rin niya ang baba ko habang nakatunganga pa rin ako sa mga mata niya.

"Amazing, isn't it?" nakakalokong tanong niya sa akin.

Tumayo siya at inilahad ang mga kamay sa akin.

"I'm Eros Linell Bernardo - Luna. A watcher like you. And my special skill is being a Cupid like your Mom." Nakangiting pagpapakilala niya sa akin.

Napatitig naman ako sa kamay niyang nakalahad.

Napapalatak naman siya at siya na mismo ang kumuha sa kamay ko para sa shake hands.

"Where have you been all these years?" nag-aasar na wika nito.

"Di bale I know you already. Naira Kristine Villanueva - San Gabriel." Saka pa siya ngumisi.

Binitawan na niya yung kamay ko at para naman akong nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kanya. Sino bang hindi magugulantang na out of nowhere ay may lilitaw na ganito?

All these years! Akala ko.. haaay. I think I need to expect the unexpected starting from this moment.

Tiningnan ko ulit yung Eros na nasa harapan ko na kalikot na ng kalikot sa cellphone niya.

"Eros.." tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" sagot niya sa akin habang nasa cellphone pa rin ang atensyon.

"Paano ka napunta dito?" inosente kong tanong sa kanya.

Tiningnan naman niya ako sandali at tiningnan ulit ang cellphone niya.

"Uhh.. 'Cos I transfer here?" parang balewalang sagot niya sa akin.

Pagkatapos niyang magsawa sa cellphone niya ay bigla na lang siyang tumayo.

"Let's go. I'll introduce you to somebody." Saka walang lingon likod siyang naglakad palabas ng library.

This is weird.

NAIRAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant