Episode 2 - IRA

83 3 0
                                    

Naira

Episode 2 - IRA

Nagtuloy na ko sa paglalakad papunta sa unang klase ko ngayong pangalawang semestre. Habang nananatili pa ring nakapako sa lupa ang mga mata ko.

Pagkapasok ko pa lang ay ramdam na ramdam ko na ang excitement ng mga kaklase ko dahil huling sem na lamang ito at magtatapos na kami sa isang taon.

Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko pagkagraduate ko.

May tatlo lang naman akong pamimilian.

Una, ang magtrabaho sa sarili naming kompanya. This is the most convenient of the three. Pero ayaw kong maging pabigat kila Dad. So, I'm still thinking about it.

Pangalawa, ang mangibang bansa. Yung ibang tita ko ay nakabase sa New York. Pwede akong magpunta doon at dun magsimula pero hindi ko alam kung kakayanin ko dahil na rin sa kondisyon ko. Haay.

At ikatlo, ang umuwi na lang sa probinsya nila Mommy at magtayo ng sarili kong negosyo doon. Malayo, tahimik, at walang masyadong alalahanin. Ito na ang pinakagusto ko sa tatlo pero ayaw nina Dad at Mom. Paano nga namang ang nag-iisang anak nila ay lalayo pa.

Dumiretso na ako sa may pimakalikod na bahagi ng aming classroom at sinimulang ibaba doon ang mga gamit ko.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagpasok ng aming instructor para sa subject na iyon. As usual, nag-attendance. At ang masaklap pa. dahil bago pala siya dito ay nagpapa-introduce siya ng mga sarili namin. Napakunot ang noo ko. Ito na yata ang pinakaayaw ko sa lahat.

Before, every year ay nagpapalipat lipat ako ng school dahil na rin sa sitwasyon ko. But this year ay nagpalipat na lang ako ng section since malaki ang population sa school na ito.

Kaya nga, wala rin akong kaibigan dahil sa palipat-lipat ako bawat sem.

Napabuntong hininga naman ako ng malapit na akong tawagin.

This is the worst. Ayoko sa ganito. Kung alam ko lang na bagong instructor ang maabutan ko dito. Sana pala nagdrop na lang ako sa subject na to.

"San Gabriel, Naira Kristine Villanueva.." tawag sa akin ng instructor namin.

I was still thinking kung tatayo ba ko o hindi. I don't like being in the spotlight.

"San Gabriel... Ms. San Gabriel?" tawag ulit sa akin nung instructor namin.

Tumayo naman ako at nag-aalangang naglakad papunta sa harap.

"There you go. Akala ko wala ka." Wika niya sa akin.

Nanatili namang nakapako sa paa ko yung mga mata ko at mahinang nagsalita.

"I-I'm Naira Kristine Villanueva - San Gabriel." Yun lang at akma na kong babalik sa upuan ko nang hawakan ako sa braso ng instructor namin. Sa pagkabigla ko naman ay bigla na lang akong napatingin sa mga mata niya.

May babaeng may hawak na baril sa di kalayuan.

Tinititigan ko siyang mabuti at tiningnan ko kung sino ang inaasinta niya.

Paglingon ko sa direksyon na tinitingnan niya ay may isang lalaking nakaharap sa ilog habang may hawak hawak na mga bulaklak.

Ibinuka ko ang bibig ko para pigilan siya sa gagawin niya pero bago ko pa siya mapigilan ay naiputok na niya ang hawak niyang baril.

The next thing I know is nakatalikod na siya sa akin at tanging anino na lamang niya ang naaaninaw ko.

Muli kong binalikan ang lalaki sa may ilog at parang isang kidlat na mayroon akong naalala sa eksena na iyon.

"Ms. San Gabriel.. Are you ok?" Nag-aalalang tanong sa akin ng instructor namin.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Mayroon siyang dalawang matang parang palaging nakangiti. Katamtamang tangos ng ilong. At manipis na labi. Maputi rin siya at mataas na tulad ko.

Maganda siya. At higit sa lahat mukhang bata pa.

"I-Im ok.." mahina kong sagot sa kanya at tumungo ulit ako sa paanan ko.

"Aren't you going to add something from your introduction?" tanong niya sa akin.

"Uhh.. Call me Ira (Ay-Ruh) for short." Saka na ko nagtuloy tuloy sa upuan ko sa likuran.

Something's bothering me. I know that something is about happen. I just don't know exactly when.



NAIRAWhere stories live. Discover now