Episode 14 - SIDE

33 2 0
                                    


Episode 14

Side

"What are we going to do now?" tanong ni Che.

Tiningnan ko naman si Zeus na parang malalim pa rin ang iniisip.

"Let's watch him for now." Wika niya.

"Come to think of it..." nakakunot noong sabi ni Cha.

"Matagal tagal na nga rin kaming nagkakasalamuha ni Keagan pero ni minsan.. ni minsan hindi ko nakitang nagsisinungaling siya sa harapan ko o kahit kapag may kausap siyang iba. Hindi ko naman masyadong pinagtuunan ng pansin yon dahil akala ko hindi lang talaga siya nagsisinungaling.. yun pala.." napailing si Cha. "Why can't we read him?" napufrustrate na wika niya.

"Ayaw ko munang paabutin ito sa society dahil malalagay sa panganib yang lalaki na yan kapag nalaman ng ibang kasapi na may taong katulad niya. Alam kong matagal na silang naghahanap ng taong makakahinto ng kakayahan natin. Lalong lalo na kami. Masyado na silang makakasarili at gusto na nilang sarilinin ang natatangi nating kakayahan. Paniguradong kapag nalaman nilang may mga taong katulad ni Keagan sasamantalahin nila ito para pag aralan sila." Paliwanag ni Zeus.

Tumango naman si Eros. "Tama. Dapat tayong mag ingat sa nalaman natin hindi lang para sa kapakanan ng tao na yun ngunit higit sa lahat ay para sa kapakanan ng nakararaming watchers. Hindi tayo dapat magpadalos dalos sa mga kilos natin."

Tumango naman kaming lahat sa sinabi ni Eros bilang pag sang ayon.

Sa bandang huli, napagdesisyunan namin na obserbahan muna si Keagan, magagamit din naming malaking advantage yung darating na festival.

Nauna nang lumabas si Eros dahil mukhang may kikitain pa siya. Sumunod namang umalis si Che at nagpunta sa kitchen ng resto nila para tumulong. Naiwan na lang kaming tatlo nila Zeus at Cha dito sa loob ng office ng resto nila.

Napatingin naman ako kay Cha nung tumayo siya.

"Ichecheck ko lang kung tapos na silang kumain." Saka walang lingon likod na siyang lumabas.

Now, this is awkward.

"Uhrmn.." Zeus cleared his throat.

"Ira.." tawag niya sakin.

"H-Huh?!" lingon ko naman sa kanya.

"I know that this is all new to you. Cha, Eros, Che and I were like siblings already, maybe you're still adjusting in the society but please know that if ever you encounter such problems we're always here for you to help and support you." He said sincerely.

And before I knew it, I am smiling back at him already.

Para naman siyang nakahinga ng maluwag.

"Siguro nga nahihiya pa ako sainyo. For all my life, lagi na lang akong nagtatago. Si Mommy at Daddy lang ang palagi kong nakakausap. I never had the chance to meet new people and be friends with them." Napapikit ako ng mariin. "I just can't bear the fact that one day will come that I'll saw in their own eyes how will their own lives come to an end."

Nagulat naman ako ng lumapit sa harapan ko si Zeus. Lumuhod siya roon at hinawakan ang kamay ko.

"But we're here now. It's all different now. Hindi mo na kailangang sarilinin lahat ng takot at pangamba mo." Then he smiled at me.

"B-Bakit ba ang bait mo?" mahina kong usal. Naramdaman ko naman ang mahina niyang pagpisil sa kamay ko.

"I'm here to protect all of you. It is my job and responsibility to make everyone safe and live the way they want to be. At hindi ka exception Naira. Just remember that." Nakangiti niyang wika sa akin.

So, that explains. Napabuntong hininga naman ako. Ang hirap sigurong mapunta sa katayuan niya. Napakalaki ng pasan pasan niyang responsibilidad.

"But for now, can I ask some help to you?" agaw pansin niya sa akin. He's now standing in front of the door.

Tinanguan ko naman siya.

"Anything..." sagot ko.

"Please be at Keagan's side at all time." And with that he leaves me with a heavy heart.

Bakit parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko? Dahil ba sa utos niya? Wala namang mali dun diba? At napakaliit na bagay lang nito kumpara sa nagawa na nila para sa akin. Baka natatakot lang ako na mabigo ko sila. Ayaw kong aminin sa sarili ko na may iba pa kong nararamdaman bukod doon. Hindi pwede.

NAIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon