Chapter 30

248K 2.4K 61
                                    

CHAPTER 30

"Follow me, sir, ma'am." One of the lobby boys said.

Ayun nga, sinundan namin ang lalaki. Rest house? May pinaparent silang room na rest house? Wait, gulo ko ha. Pagkadating namin sa lugar, aba, oo nga no, parang rest house type nga talaga! I love! Tinungo ko ang isang bintana kung saan kitang kita ang magandang view ng dagat.

Wow. I've been to beaches before but so far, this is the best. Dagdag pa yung maganda naming tinutuluyan ngayon. Ang galing!

Naramdaman ko bigla nag pagyakap ni Dylan sakin galing sa likuran.

"You like it here?" Tanong nya. I shivered nung naramdaman kong dumampi ang labi nya sa batok ko.

"Yes. Thank you." Di man nya makita ang mukha ko ngayon, sana naramdaman nya ang pag ngiti ko. Hinarap ko sya at I kissed him sweetly and passionately. Siguro dala na rin to ng sorbang kasiyahan.

"Come on, you take a rest first and then mamayang malilim na tayo lumabas. I have to fix something first, okay?" Tumango na lang ako and then nagtungo sa kwarto without even asking kung saan sya pupunta.

Bandang 5pm na rin noong nagising ako dahil sa isang halik na dumampi sa pisngi ko at sa malambing na bulong, "Wake up, sleepyhead. May pupuntahan pa tayo."

Hmm.. Dylan. Ang sarap pakinggan ng malambing nyang boses. Ngumiti lang ako sakanya at hinalikan sya sa labi bago pumasok sa banyo at nagfreshen up.

"Maxine, may bistida sa ibabaw ng kama. Wear it. Lalabas lang ako sa front desk, I'll see you there."

"'Kay." Sabi ko na lang bilang tugon.

Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko ang puting dress sa ibabaw ng kama. Hmm. Simpleng sleeveless wite dress lang ito na hanggang tuhod. Now, inayos ko ang sarili ko. Nagapply ako ng nude make-up and halos parang natural lipstick. Sakto lang pangbeach get-up.

Tinignan ko ang kabuuan ng sarili ko sa isang malaking salamin at labis na natuwa. I look simple. Mula sa ayos ng buhok hanggang sa gamit ko sa paa, simple.

Gaya nga ng sinabi ni Dylan, nagkita kami sa front desk. He's wearing an almost see-through long-sleeved polo top and a knee-length shorts. Sa ganung ayos nya lang, he looks so damn gorgeous. Akalain nyo nga namang napakaswerte ko sa boyfriend ko oh?

Akmang iccheck nya ang oras noong nahalata nya akong nakatayo sa di kalayuan. He smiled.. hmm.. that smile. Nakangiti syang lumapit sakin at agad nyang hinawakan ang kamay ko.

"Come, baka di na natin maabutan." Nakangiti nyang yaya sakin.

"Huh? Ang alin?" Sinagot nya lang ako ng isang ngiti. Namalayan ko na lang na nasa may dagat na pala kami.

Perfect Pleasures (PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA'S SIZZLE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon