Chapter ten

18K 582 9
                                    

Kinagabihan ay nauna na siyang umakyat ng kwarto. She turned off the lights, and only the lamp shades were on.

Nanatili siyang nakaupo sa kama dahil hindi siya dinadalaw ng antok. Bumaling ang tingin niya sa couch kung saan natutulog si Nick. It was still empty. Ayaw man niya pero ang isip niya ay tumatakbo sa kung nasaan ito ngayon.

He did not join them for dinner and he was not like that. Sa breakfast at lunch ito madalas wala nitong mga nakaraang araw but for dinner, he never misses it.

Kung gayon ay nasaan ito? Saan ito kumain ng dinner?

With Cecil?

Marahas siyang napailing sa naisip.

Bakit pa nga ba siya nag-iisip na para bang isa siyang tunay na asawa?

Napabuntong hininga na lamang siya at saka humiga na. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Willing for sleep to take her.

Nasa ganoon siyang sitwasyon ng may marahang kumatok sa pintuan. Inilihis niya ang kumot saka bumaba ng kama. Pagbukas niya ng pinto ay bahagya pa siyang nagulat.

Nakatayo sa labas si Julio habang akay akay si Nick. And just by the smell of it, she could say that Nick was drunk. Nakatungo pa ang ulo nito habang ang isang braso ay nakapatong pa sa balikat ni Julio.

"What happened?"

Nagpakamot ng batok si Julio sa tanong niya.

"Eh maam, naparami po ng inom eh. Pinigilan ko naman po pero sabi niya, nasa mood daw siyang uminom kaya..."

Umiling siya saka niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan. Mabilis namang ipinasok ni Julio si Nick saka idineposito sa kama bago pa niya ito mapigilan.

Hinayaan na lang din niya ito dahil magmumukha nga naman talagang kakaiba kapag sinabi niya ditong sa couch na lang nito pahigahin si Nick. Mag-asawa sila kaya natural lang na sa kama nito ito idiretso.

"Pano ho, kayo na hong bahala sa kanya."

Tinanguan niya ito. Ng makaalis ito ay napabuntong hininga na lamang siya.

Ano ngayon ang gagawin niya dito? He's too heavy for her to carry him to the couch. Paano niya ito bubuhatin? Kailanman ay hindi pa nalasing si Elijah ng ganito so wala talaga siyang ideya.

"Hmm..."

Umiling iling siya ng tumagilid si Nick, making his shoes graze the white sheets.

Mabilis siyang pumunta sa may paanan nito upang tanggalin ang leather boots nito. At halos hingalin siya ng matapos niyang gawin iyon. His feet are just so heavy!

Ng maayos niya ang mga sapatos nito sa gilid ng kama ay lumapit siya dito upang sana ay kumutan sana ito.

She noticed then that his shirt was soaking wet because of sweat. She grimaced, and decided that it must be better to just remove it.

She grasped the hem of his blue v-necked shirt. But upon seeing a small potion of his stomach, natigilan siya. Nilingon niya ito. He was still fast asleep. Itinuon niyang muli ang atensyon sa ginagawa habang umiiling.

Kung di ko gagawin, no one will.. it's past twelve in the morning. Waking mama up will just raise questions. Anong iisipin nito kapag nalaman nito na ako mismo na asawa ay hindi man lang magawang asikasuhin ang asawa niya. No, I have to do this.

Marahas siyang nagpakawala ng hininga bago iniangat ang suot na t-shirt ni Nick. Bahagya pa siyang nahirapan ng hindi niya mai-angat iyon ng nasa may bandang balikat na nito ang t-shirt. She sighed again.

Comrades in Action Book 1: Lacon DeLevigneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon