Kabanata 16

1.2K 82 0
                                    

"Señora Felicidad!" hinila ko ang braso nito bago pa man siya tuluyang makapasok pabalik sa loob ng mansyon. I can feel the seething anger in my veins. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Pakiramdam ko ay nag-aapoy ang mga mata ko sa galit.

I would never forgive her if something bad happens to Inigo. He was fucking accused of a crime that we both know that he didn't commit! Hinding-hindi ko siya mapapatawad sa oras na malagay sa kapahamakan ang buhay ni Inigo. At hinding-hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko...

"Ano ang ginawa mo? Una pinatay mo si Don Leonardo! Tapos si Maria! Siguro ay ikaw rin ang pumatay kay Rosa!" natigilan siya, pero hindi pa rin ako nito hinaharap. Mas lalo lamang kumulo ang galit ko para sakanya.

Gusto kong tumingin siya saakin. Gusto kong ipamukha sakanya kung gaano siya kawalang puso. I want her to hear my words, to damage her with my words, as much as how she damaged the others. Siguro nga hindi tama na ibalik ang sakit na ibinigay niya sa iba... but I want her to see... I want her to see the damages she caused these people all because of her wrongdoings! I want her to atleast apologize for her mistakes!

Gusto kong gisingin ang natutulog niyang konsensya.

"Tapos ngayon, si Inigo naman! Si Inigo na wala namang kasalanan!" I can feel the corner of my eyes started to water. I am so fucking frustrated of the situation. Ganito pala 'yon, ganito pala 'yung pakiramdam na may alam ka pero wala kang magawa.

"Hanggang kailan, Señora? Hanggang kailan mo ibabaling sa iba ang lahat ng kasalanan mo? Hanggang kailan ka mandadamay ng mga inosenteng tao sa mga kahayupan mo?!" I am heaving so hard. I can feel my fingers digging into my flesh in so much anger.

"Kailan ka matututo, Señora? Ilang babae o buhay pa ba ang kailangan mong sirain para malaman mo sa sarili mo na, mali ang lahat ng ginagawa mo?!" kasabay ng kanyang pagharap saakin ay ang paglapat ng kanyang palad sa aking mga pisngi.

That didn't fazed me. Nanatili akong nakatingin sakanya. May mga galit na mata. Umiiyak ang Señora ngayon sa aking harapan, habang pinipigilan ko ang sarili na huwag magpadala sa lahat ng inaakto niya. Nakuha nitong patayin ang sarili niyang asawa... madali na lang sa kanya ang umiyak.

"Oo, alam ko na hayop ako! Sa paningin ni Leonardo! Sa paningin ni Luciana! Sa paningin mo! Sa paningin ninyong lahat!" nanginginig ang labi nito, "Hayop ako dahil nagawa kong patayin ang sarili kong asawa! Ngunit kung sa tingin mo ay hindi ko pinagsisisihan ang lahat ng ginawa ko... mali ka, Eloise."

"Sinisisi ko ang sarili ko! Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ko nagawang makuntento sa kakarampot na atensyon at pagmamahal na binigay sa akin ni Leonardo! Sinisisi ko ang sarili ko dahil hinayaan ko ang sarili na magpalamon sa selos at galit! Sinisisi ko ang sarili ko dahil hinayaan ko na maghari ang halimaw na nasa kalooban ko!" she kept on pointing on her chest as she cried in front of me.

"Sinisisi ko ang sarili ko dahil hindi ako naging malakas upang labanan ang aking takot kay Ibarra! Sinisisi ko ang sarili ko dahil nagawa kong ipagkanulo ang tanging tao na alam kong tunay na nagmahal saakin!" humagulgol ito, "Dapat hindi ako nagpakain sa galit na nararamdaman ko... dapat sana ay naligtas ko si Maria sa kamay ni Ibarra... sa halip, ako pa ang nagpakanulo sakanya! Si Maria... siya ang tanging tao na naniwala at nagmahal saakin..."

Hindi ko napigilan at kumawala ang isang pagak na tawa sa aking bibig.

"Pinatay mo siya!" sigaw ko.

"Hindi ko siya pinatay!" giit nito, "Hindi ako ang pumatay kay Maria! Oo, alam ko na masama akong tao! May galit ako sa kanya! Ngunit hindi ko magagawang patayin si Maria!"

"Sinungaling!" napailing ako. Sino pa ba ang niloloko niya? Malinaw naman na siya ang pumatay kay Maria!

"Hindi ako ang pumatay kay Maria... hinding-hindi ko 'yon magagawa sa kanya!" nanliit ang mga mata ko habang pinapanuod siya.

San CarlosWhere stories live. Discover now